Ilang sandali lang ay isang malaking truck ang huminto sa gate ng bahay ng mga Monteblanco. Maya-maya lang din ay isa-isang inilabas ang ilang styrobox ng tatlong lalaki lulan ng truck. Inunang i-check ng dalang staff ang loob ng container. Sumama siya upang silipin din iyun. "Do you always use this container truck?" Curious na tanong ni Angela kay Paris at pasimleng dinaman ng kamay ang paligid ng sasakyan. "We still have few of them in Masbate. Pero dalawa lang ito na ginagamit namin papunta ng Maynila." Tumango-tango siya at muling sinilip ang ginagawa ng mga tauhan. Tinitignan ng mga ito kung tama ba ang temperatura sa loob para tiyaking hindi mai-spoil ang meat products sakaling manggagaling pa iyun sa Masbate. "What do you think?" Maya-maya'y untag ni Paris na tumabi sa kanya.

