KALVIN ISANG kalabog ang gumising sa aking natutulog na katawan at diwa! Agad naman nanlaki ang mata ko nang mamulat ko ito at nakita na may nakatutok sa akin baril. "K-Kuya B-Bry!" nauutal na saad ko habang kinakabahan na umupo at sumandal sa headboard ng kama. Nakarinig ako ng buntong hininga at mahihinang tawa kaya napatingin ako sa kabilang gilid at nandoon si Kuya Les, Dan at Kean. "Bry, baba mo na muna iyan at mag usap tayo," saad ni Kuya Les habang nakatingin sa akin. "Namumutla na iyan oh!" habol pa nito. Tumingin naman ako kay Kuya Bry na nakatutok pa din ang baril sa akin habang malamig na nakatingin sa akin. "You know what! I have many things to do but here I am helping fix the things you've destroyed! Bullsh*t! Even your f*cking love life?!" gigil na saad ni Kuya Bry. B

