JAILA "SO may balak ka na bang pasyalan? Marami akong alam na pasyalan dito! Kung gusto mo mag outing! Ay! Go tayo diyan! Iba-" "Amor, wag mong turuan ang baby girl ko na humarot diyan sa kung saan.. nakareserve pa ata iyan," putol ni Papa kay Amor na madaldal. "Sorry naman, mama! Gusto ko lang naman siyang igala dito sa Alegria para hindi maboring.." nakanguso nitong saad kaya naman napangiti ako. Ilang araw na din akong nandito, kahit paano ay unti-unti akong nakakaramdam ng kakomportablehan sa mga nakakasama ko. Hindi lang si Amor ang nakilala ko dito, meron pang iba na lalaki, babae at katingad-an which is bakla in cebuano. Lahat sila ay mababait at makukulit din. Pagnakakausap ko nga sila ay namimiss ko sila Anyah, Arie at Kean na gusto kong tawagan pero pinipigilan ko ang sari

