KALVIN MADILIM ang mukha ni Kuya Bryan nang pumunta ito ng bahay. Hindi namin alam kung bakit pero mas nakakatakot siya ngayon, actually kahapon palang nang gabi after he got a call from someone. Hindi siya nagpakita ng anumang reaksyon pero nararamdaman na masama ang aura niya lalo na ng banggitin niya ang pangalang Aodie. Narinig ko na iyon hindi ko lang matandaan kung sino at saan. "I need to go back immediately to my boss, I already contact someone para iraid ang bar, nagkaroon na din kami ng usapan ng bastardong nasa basement ng bahay ko para maging witness after ng raid. I also have my men there para bantayan ang mga pakay natin," walang emosyon nitong pahayag. Wala naman ako sa sariling napalunok at napalingon kay Kean na siyang kasama ko ngayon. Nakita ko din na napapalunok

