RED
Mula sa labas ng pintuan sa restaurant ay nahihimigan nya kaagad ang boses ni Garrie na pakanta-kanta habang nag-aayos ito ng mga dining tables.
Tahimik lang nyang dinaanan ito papuntang counter. Tumawag kasi sya ni Garrie halos pang sampung beses sa araw na yon pero hindi man lang sya makuha nitong sagotin. She didn't even returned his calls. At least he saw her wearing the necklace at naibsan na rin ang pag-alala nya.
Since sila palang ni Garrie ang maagang dumating kaya naisipan nyang lapitan muna ito at kausapin.
"Hi"panimula pa nya,pero di pa rin umiimik ang dalaga sa kanya at sa halip ay binigyan lang sya nito ng matipid na ngiti. Naiinis naman sya sa pinapakita sa kanya ngayon ni Garrie.
"Kumusta ang araw mo ngayon Margarette?"crossed arm na tanong nya.
"Busy. Nakakapagod. Marami kasi akong ginagawa ngayon. Pumunta pala ako kanina sa wedding coordinator na ni refer sakin ni Jastine at pagkatapos nag canvass rin ako ng mga wedding shop kung saan ko ipapatahi yong wedding gown ko"
"Isali mo naman ako sa mga plano mo"
Nanlaki naman ang mga mata nito sa sinabi nya."Really?hindi ko yon na realized"
"Kasal ko rin yan,Margarette"
"Sa tingin ko kasi--"
"Shssh"he put a finger to her lips,then bent closer to her.
"Sa bahay mo nalang mamaya natin to pag-usapan"
"Kailan ba natin sasabihin to sa mga kasamahan natin?"
"Ngayon. May reservation kasi si Brandon ngayong gabi at wag kang mag-alala dahil alam na nya. Kaya ngayon natin sasabihin sa mga kasamahan natin dahil baka tatanongin pa sila ni Brandon tungkol rito."
"Pano nalaman ni Brandon yon?"
"Sinabi ko sa kanya ng ibalik ko ang binigay nyang regalo sayo"
"Ano naman ang naging reaksyon nya?"
Tumawa lang sya. Hindi kasi nya pwedeng sabihin kay Garrie na hindi ito naniniwala sa madaliang pagpapakasal nila. At lalong hindi nya pwedeng sabihin kay Garrie na madalas na syang makipagkita ni Brandon dahil sa kanilang business transaction.
"He wished us well daw" sabi nya.
"Hindi ako naniniwala sa sinasabi nya Vince"
"Bakit hindi ka man lang sumagot sa mga tawag ko Margarette?"pag-iiba nya ng topic.
GARRIE
Nako-conscious naman sya kapag maamo syang titigan ni Red,nanlalambot kasi ang mga tuhod nya sa tuwing magkatitigan silang dalawa.
"Naging abala kasi ako kanina tapos naka silent mode pa yong phone ko"
Ngayon lang ata nya natitigan ng diretso sa malapitan si Red kaya humahanga na naman sya sa kagwapohan nito.
"Sa susunod,please returned my call para hindi ako masyadong mag-alala sayo."
"Ikaw rin naman eh,ang hirap mong hagilapin"she murmured."Kung gusto mo talagang sumali sa plano ko,dapat pag-usapan muna natin ang ating guest list para maka order na tayo ng mga wedding invitations."
"Mas mabuti pang pag-uusapan nalang natin to ulit mamayang gabi pag out natin, meron din kasi akong e-didiscuss sayo"
"Ok..Ahmm Vince libre ka ba bukas? magpapatulong sana akong pintahan yong pangalawang kwarto ko"
"Sure,kung don mo ako planong pa okupahin pagkatapos ng kasal natin, make sure hindi pink ang ipipinta natin roon"
"Sige,pero sigurado ka bang ok lang sayo na don tayo sa bahay ko titira?"
"Oo Margarette,nakapagpasya na ako non. Isa lang kasi ang kwarto ko sa apartment."
Buti naman,sabi ni Garrie sa sarili nya.
"May reservation pala ngayong gabi si Judge Salazar,pwede bang sya nalang ang kukunin natin para mag officiate sa ating wedding?"tanong sa kanya ni Red na parang humihingi rin ito ng approval sa kanya.
"Papayag kaya sya?"balik na tanong nya.
"Eh di tatanongin natin sya mamaya"
"Ok,sa tingin ko maganda rin nyang ideya mo,at least kilala natin sya bilang isa sa ating mga gwapong masugid na customer"
"Gwapo? matanda na kaya yon"
Napangiti naman sya sa sinabi ni Red,alam kasi nyang mag re-react talaga ito.
"Bata pa naman sya kung tingnan eh,kung hindi lang maputi yong buhok nya mapagkamalan pa talagang early forties pa sya. At isa pa,it would be a great honor kong papayag nga sya na maging wedding officiator natin. Narinig ko kasi na isa pala sya sa pinakarespetadong judge sa ating bansa."
Napansin naman nyang may dumi sa suot na damit ni Red kaya pinahiran nya ito gamit ang kanyang kamay. Pero bigla nalang syang nagulat sa ginawa ni Red,hinalikan kasi nito ang kamay nyang ginamit sa pagpahid.
She held her breath for a minute dahil may epekto sa kanya ang ginawang paghalik ni Red sa kamay nya.
"Sino nga pala sa mga kasamahan natin ang pwede nating gawing witness?"
"Sina Joey at Ruth" mabilis na sagot ni Red. Sila yong mga ka-close na kasamahan nila sa restaurant.
Nabigla na naman sya ng halikan ulit ni Red ang kamay nya. Walang ka kurap-kurap ding tinitigan sya nito na mas lalo yatang nagpailang sa kanya. Sakto namang dumating si Ruth at naabotan pa nito ang paghalik sa kamay nya.
"Oi,ano yang pa halik halik nyo ng kamay dyan?"panunukso sa kanila ni Ruth.
Nginitian lang nya si Ruth parang natameme kasi sya sa pagdating ng kasamahan. Naisip nya na baka nakita na ni Red si Ruth na paparating kaya tinayming nitong halikan ulit ang kamay nya para saktong makita iyon ni Ruth. Siguro sinadya ni Red yon para hindi na rin sila mahirapan pang magpaliwanag.
*****