Chapter 9 : Her Guts

702 Words
RED The words shocked him speechless at di nya alam kung saan nanggagaling ang tanong na yon ni Garrie. "Hindi na ako virgin Vince"sabi nito. "Hindi naman ako nag expect na virgin ka pa" matapat na sabi nya. Umangat na sya sa kinaupoan nya at agad na kinuha ang sinampay nitong jacket bago ito nagtungo sa pintuan palabas. Sumunod naman sa kanya si Garrie at walang preno na nagsasalita. "We can sleep together" walang kagatol-gatol na sabi ni Garrie. "Anong ibig mong sabihin Margarette?" "I mean,we can consummate our marriage" "A-ayokong pag-usapan ang mga bagay na yan"nauutal na sagot nya. "Kaya ba gusto mong maghiwalay tayo ng kwarto pag mag-asawa na tayo dahil akala mo inosente pa ako sa mga bagay na yan? or baka akalain mo na ibibigay ko lang ang sarili ko sa 'totoong' husband ko in the future?" Hindi pa rin sya natinag sa mga pinagsasabi sa kanya ni Garrie at sa halip ay nagpatuloy pa rin sya sa paglalakad. Si Garrie naman patuloy pa ring nakabuntot sa kanya. "Hindi na mahalaga sa akin yon Margarette" "Then why can't we sleep together? We can be adult about it." pangungulit pa rin sa kanya ni Garrie. Huminto naman sya sa paglalakad at humarap kay Garrie. "Like hell if we sleep together Margarette,baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at ayoko ring may mamagitan sa ating dalawa dahil mahihirapan lang tayo magpa annul." "I don't think we can live together and not make love Vince" "I can" matatag na sagot nya. "You‘re a better man than I am,Gunga Din" "What the hell is that supposed to mean Margarette?" "kung di mo alam,quote yan ni Rudyard Kipling" "Alam ko kung sino ang nagsabi nyan. Ang hindi ko lang alam kung anong gusto mong palabasin" sagot naman nya sa dalaga. Papalabas na sana sya sa bahay ni Garrie ng bigla syang harangin ng dalaga sa may pintuan. "Ano bang problema mo Margarette?" "Wala naman Vince,pero nakakainis ka" "Ano?" humakbang naman sya papalit kay Garrie."Halika nga dito" Hinapit nya ang beywang ng dalaga papalapit sa kanya at niyakap nya ito ng mahigpit ng sa ganon ay di makuhang gumalaw ni Garrie. Gayunpaman,nararamdaman nyang she felt good in his arms.Too good. Nawawalan naman sya ng kontrol ngayon,he rested his cheek against her hair,felt her fingers dig into his back at hindi nya maipagkaila sa sarili na nagustohan nya ang simpleng galaw na yon ni Garrie. "Sweety" he said soothingly."It's all right. Kaya natin to" GARRIE "Hindi naman ako ganon ka hirap pakisamahan Vince" she said finally,relaxing against him. Kaya mas hinigpitan pa nya ang yakap sa binata. Then,she rubbed her cheeks against his shoulder."It's just that twenty-four hours ago,simple lang ang buhay ko. Kabisado ko na nga ang pang araw-araw kong routine at sa isang iglap lang,everything's turned into upside down at hindi naman ganon kadali ang mag adjust." "Ipaubaya mo nalang sakin ang lahat ng ito Margarette,be worry free,ok?" "Hindi ko maiwasang hindi mag-alala para sa kaligtasan ko Vince" "Alam ko Margarette. Kaya nga pinalagyan ko ng security system ang bahay mo para sa iyong kaligtasan. Kailangan ko kasi munang umuwi dahil marami pa akong ibang bagay na gagawin." Naitulak naman nya si Red papalayo sa kanya. "Hindi ko maintindihan ang intensyon mo Vince. Pero ano ba talaga ang makukuha mo sa pagtulong sakin?" "Isipin mo nalang na isa akong good samaritan Margarette" sagot naman ni Red at tuloyan na nga itong nakalabas sa bahay nya. "Syangapala,nakalimutan ko palang sabihin sayo Margarette na may nagpadala sayo ng regalo sa restaurant." "Si Brandon na naman ang nagpadala sakin non" "Si Brandon?" parang di makapaniwalang tanong sa kanya ni Red. "Oo si Brandon" Hindi na sumagot sa kanya si Red at sa halip ay tinalikuran na sya nito,leaving her with even more questions. Minsan nahihiwagaan talaga sya sa lalaki na yon. Dali-dali nyang hinabol si Red dahil meron pa pala syang isang bagay na itatanong nito. At nang maabotan nya ito,agad din naman syang nagtanong. "Bakit mo ako tinatawag ng sweety kanina? alam ko namang ayaw mo sa mga endearment." "Eh ano naman ngayon kung tinawag nga kita ng sweety? naku,wag mo ngang seryosohin yon. Tinatawag ko rin ang aso ko ng ganon." *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD