GARRIE
Kasalukuyan syang nanonood ng teleserye kasama ang ina at kapatid nyang na aadik sa mga ganyang palabas. Nakatutok ang mga ito sa pinapanood kaya hinayaan nya nalang muna ito hanggang sa matapos. May pag-uusapan pa kasi silang magkapatid tungkol don sa nakakagulat nyang pahayag kanina.
FLASHBACK
Sa pag-uwi nya sa kanilang bahay ay nadatnan nya ang kapatid at ina na umiiyak habang nanonood ito ng teleserye. Pinatapos nya muna ang kadramahan ng dalawa bago pa sya pumasok sa eksena. Nang mapansin sya ng kanyang ina ay agad din naman syang sinalubong nito ng yakap.
"Anak kumusta ka na? miss na miss ka na namin ni Jastine." maligayang salubong ng kanyang ina.
"Ate" sambit naman ni Jastine na biglang napatayo.
Pero ng makita nya si Jastine nanlaki ang mga mata nya.
"Anong ibig sabihin nito Jastine Joy?"
"Ate patawad" humihikbing sabi ng kapatid nya.
"Ma,bakit nyo to nilihim sakin?"
"Anak,wala naman kaming plano na itago sayo ang kalagayan ng kapatid mo,hinintay ka lang namin na pumunta dito para makausap ka namin ng personal. Kaya ka nga namin pinapunta rito noong Valentines day" paliwanag ng ina nya.
"Pero hindi nyo parin to dapat tinago sakin..Ilang buwan na ba yang tiyan mo Jaz?..at sino ang nakabuntis sayo?"
"Mag-aanim na buwan na ate..at si Paulo yong ama ng bata." mangiyak-ngiyak na sabi ni Jastine.
"Diba nagkahiwalay na kayo ni Paulo?..papano na ang pag-aaral mo Jaz?"
"Nagkabalikan kami ni Paulo ate,and since malapit na rin ang closing,so ipagpatuloy ko nalang ang sem na ito..nangako rin naman si Paulo sakin na pakakasalan nya ako at pag-aralin matapos ko raw manganak."
Bumuntong-hininga sya at nagpatuloy sa pagsasalita.
"At naniniwala ka naman sa kanya ha Jaz?"
"Oo ate" di pa rin ito tumigil sa pag-iyak kaya niyakap nalang ito ng kanilang ina.
Naawa sya sa kapatid at nag-alala rin dahil baka mapano ang bata sa kaiiyak nito. Kung kanina lang nakiiyak ito sa mga pinapanood nila na teleserye pero ngayon totohanan nato.
"Ok tama na Jaz,nabigla lang si ate..nandyan na yan eh wala na tayong magagawa. Basta tandaan mo lang to na mahal ka namin ni mama at nandito lang kami para sayo." at nagkayakapan silang tatlo.
"Salamat sa pag-unawa mo anak." sabi ng kanyang ina.
"Salamat talaga ate at sorry na rin dahil naunahan kita." pabirong sabi naman sa kanya ni Jastine.
Napatawa lang silang tatlo sa sinabing yon ni Jastine at bigla nalang nyang natandaan ang dahilan sa pagpunta nya sa bahay nila.
"Ma,Jaz may sasabihin rin pala ako sa inyo"
"Ano yon?" koro ng mag-ina.
"Magpapakasal na ako"
Sabay-sabay namang naglaglagan ang panga ng kapatid at ina nya.
Nang makabawi na ang mga ito sa pagkabigla,agad namang nagtanong ang kanyang ina.
"Totoo ba yan anak?"nauutal na pangungumpirma ng kanyang mama.
Tumango sya."Opo Ma"
Nakita nyang muntikan ng maluha ang kanyang ina pero agad din naman itong inakbayan ni Jastine at hinimas ang likod nito. Parang gusto nyang bawiin ang sinabi nya nang magsimulang tumulo ang mga luha ng kanyang ina. Nilapitan at niyakap nya ito upang aluin.
"Ma pasensya na ho. Hindi ko alam na hindi mo pala magugustohan ang--"
"Bakit ba kasi pabigla-bigla kayo? una,sinabi ni Jastine na buntis sya at pangalawa ikaw na naman ngayon ang nagsabing magpapakasal ka na."
"Buntis ka rin ba ha Garrie? kaya bigla-bigla ka nalang magpapakasal?" lumuluhang tanong ng ina nya.
"Hindi po"
"Pwes huwag ka munang magpapakasal anak. Sooner or later magpapakasal rin itong kapatid mo..huhuhu..so iiwan nyo na pala ako?"
Parang nanikip ang dibdib nya sa sinabi ng ina dahil alam nya kung ano ang nararamdaman nito. Natatakot itong mag-isa. Tandang-tanda pa nga nya noong umiyak ang kanyang ina noong pumanaw ang kanyang ama. Inalo nilang magkapatid ang ina dahil nga sa walang humpay nitong pag-iyak at pinangakohan na hinding-hindi nila ito iiwan.
"Ma nasanay na naman tayo na wala si ate eh,at nandito pa naman ako" singit ni Jaz sa usapan at hinagod nito ang likod ng kanilang mama.
"Ma,pabayaan mo ng magpakasal si ate. Hindi ka ba natutuwa na sa wakas ay nagkaroon na rin sya ng love life?"
Sinamaan nya ng tingin si Jastine dahil nakuha pa nitong mang-asar.
"Eh sino nga pala yong mapapangasawa mo anak?"
"Si Red Duterte po" sagot naman nya.
Nanlaki ang mga mata ni Jastine sa naririnig. Alam kasi nito kung gaano nya ka gusto si Red.
"Si fafa Red talaga ang mapapangasawa mo ate?"
"Wala ng iba pa Jastine"
"Si Red,yon bang palagi mong kinukwento sakin Jastine na gwapong katrabaho ng ate mo?..patay na patay ka raw sa kanya anak?"
"Jaz,ano ba ang mga pinagsasabi mo kay mama?"
Nag peace sign lang sa kanya ang kapatid. Close kasi silang dalawa ni Jastine kaya pati tungkol kay Red at sa nararamdaman nya sa binata ay ipinagtapat nya rito. Ang hindi lang nya inaasahan na pati yon ikukwento ni Jastine sa kanilang ina.
"Kaya nga anak sinabi ko kay Jastine na papuntahin dito noong Valentines Day yong Red na kinahibangan mo para naman makita ko sya. Pumunta rin kasi dito si Paulo”
"Ganon po ba"
"Mahal na mahal mo anak ang lalaking iyon,tama ba ako?"
Tumango ulit sya at nakita nyang unti-unti ng ngumingiti ang kanyang ina.
"Natutuwa ako para sa inyo anak kahit paman pigilan ko kayo,maging isa naman akong maramot na ina kung ipagkait ko naman ang kaligayahan ninyo."
"Salamat Ma" koro nilang magkapatid at sabay-sabay na niyakap ang kanilang ina.
END OF FLASHBACK
"Come on Jaz,sabihin mo na kung ano ang nasa isip mo"
"Pano mo rin tinago to samin ate? ni hindi namin alam na may boyfriend ka,ni hindi nga namin narinig na nagdedate kayo ni fafa Red tapos sasabihin mo samin ngayon na magpapakasal na kayo."
"Ang bilis kasi ng mga pangyayari Jaz"
"But a wedding in one month? bakit ba kayo nagmamadali ate? kaya nyo bang paghandaan ang isang buwan?"
"Kung ako lang kayang-kaya ko yan Jaz"
"Sabihin mo nga sakin ang totoo ate,buntis ka nga noh?" pang uusisa ng kapatid nya.
Tinawanan lang nya ang panghihinala ng kapatid.
"Ok tatanggapin ko ang pag ngiti mo ate bilang NO. So kung ganon bakit hindi ka nalang mag hire ng wedding coordinator? You can't do it all. Marami pa kayong pwedeng e-consider?"
"All right..all right" sabi nya na sumasang-ayon sa mungkahi ng kapatid nya.
"Wala namang dapat ipaghanda Jaz eh,simple lang naman ang wedding namin ni Vince,yong tayo-tayo lang."
"Iimbitahin ba natin ang lahat ng kamag-anak natin ate?syempre ikaw pa ang kauna-unahang ikasal sa ating magpipinsan."
Napaisip muna sya sa tanong ng kapatid kung dapat ba talagang ma imbitahan ang mga relatives nila.
"Siguro yong mga ka-close lang natin Jaz. Hindi ko naman ma imagine na lahat ng relatives natin imbitado..Sana nandito pa si papa noh."
"Im sure naman ate na masaya rin si papa para sayo"
"Miss na miss ko na kasi sya"
"Ako rin naman ate eh na miss ko rin si papa,kung sana lang hindi sumabog yong sasakyan nya" mangiyak-ngiyak na sabi ni Jastine.
"Kung hindi naman dahil sakin siguro nandito pa rin si papa." pagsisi nya sa sarili.
"Hindi mo naman kasalanan ang nangyari noon ate eh,aksidente lang talaga yon" at niyakap sya ng mahigpit ni Jastine.
JASTINE
Nagulat silang dalawa ni Garrie ng sumipa ng malakas ang kanyang baby. Naramdaman din kasi ito ng ate nya dahil sa magkayakap nga sila.
"Oh eto pa ate,feel this" kinuha nya ang kamay ni Garrie at ipinatong ito sa tiyan nya.
It's one of the precious moments they shared together,then suddenly she asked her ate.
"Ate nagkaroon na ba kayo ng intimate moments ni fafa Red?"
"Anong ibig mong sabihin?"
Hindi nya akalain na nagulat pa ang ate nito sa tanong nya.
"Ate naman oh,parang inocente de ti..bakit hindi pa ba kayo gumawa ng milagro ni Red?"
Nakikita nyang naka kunot ang noo ng ate nya,so ibig sabihin naintindihan na nito ang gusto nyang ipahiwatig.
"Kung ang ibig mong sabihin Jaz ay kung nag ano na kami ni Vince,pwes hindi pa unless hindi pa kami kasal noh."
"OMG ate! are you serious? bakit wala pang nangyayari sa inyo?"
"Gusto ni Vince ng ganon. Kaya nirespeto ko ang hiling nya."
Talagang napa LOL (Laugh Out Loud) sya sa ipinagtapat ng kanyang ate,hindi nya kasi inaasahan ang sagot nito. Pumasok tuloy ang ina nila sa kwarto nya dahil na iintriga din ito sa lakas ng kanyang tawa. Pinatahan naman sya ng ate nya sa pagtawa dahil papalapit na ang kanilang ina.
"Anong nangyari dito at parang masaya kayo?"tanong ng kanilang ina.
"Ah wala po mama,nagkasiyahan lang po kami ni ate"
"Oh sya sige maiwan ko muna kayo,eto kasing si Jastine nakakahawa ang tawa."sabi ng mama nila at tumalikod na ito.
"Sasabihin ko to kay Paulo..na ang hina-hina ng mapapangasawa ng ate ko."
"Subukan mo lang Jastine" banta ng ate nya.
"This is priceless ate. Alam ko naman kung gano mo talaga ka gusto ang super hot na si fafa Red tapos kaw pa ang paghintayin nya. Hindi talaga ako makapaniwala. Alam mo natatandaan ko pa rin yong una mong heartbroken ni Red. Sabi mo na kayo ang palaging magkasama sa restaurant pero ni minsan hindi ka man lang tinaponan nya ng pansin. Tapos nalaman mo nalang na nakipagdate na pala sya sa isang hotel heiress. Sino ba yon? ah si ano pala,yong sikat na supermodel ngayon si Ariana Lin."
"Nang-iinis ka ba ha Jaz?"napipikon na sabi ng ate nya.
"Alam mo ba ate noong huli kitang binisita sa restaurant,kinulit ko talaga si Red na aminin na nya ang relasyon nila ni Ariana at tinanong ko rin sa kanya kung si Ariana ba ang tipo nyang pakasalan."
"At alam mo ba kung ano ang sagot nya ate?"
"Ano naman ang sinagot nya sayo,aber?" nakapameywang na sabi nito sa kanya.
"Sinabi nya sakin na hindi raw katulad ni Ariana Lin ang gusto nyang mapangasawa dahil ang gusto nya yong conservative na babae..Oh diba ate ang bongga! parang ikaw na rin yong tinutokoy nya noon."
GARRIE
"Sinabi mo pa"awtomatikong sabi nya at nagtawan ulit sila,but only her mind wandered with curiosity. Napaisip naman sya ng malalim. Kaya siguro nag suggest si Red sa kanya ng isang marriage of convenience because he wanted her to stay pure,para hindi ito makonsensyang iwan sya kung sakali mang maghiwalay na sila. But whatever that meant to him,para sa kanya totohanin pa rin nya ang pagsasama nila at totohanin pa rin nya ang pagiging asawa nito.
-----
"Kailangan nating mag-usap Vince" sabi nya matapos ipaliwanag sa kanya ni Red ang bagong installed na security system sa bahay nya.
"Umupo muna tayo Margarette"
Hinintay sya ni Red na makaupo bago ito umupo sa harap nya.
"Duwag" mahinang sabi nya.
"Ano bang gusto mong palabasin ha,Margarette?"
"Napansin kasi ni Jastine na merong hindi tama sa ating dalawa."
"Sa anong paraan?"
"Para kasing hindi sya makapaniwala sa biglaan nating pagpapakasal..wala ka kasing ka amor-amor sabi nya"
"Bakit ano bang gusto nya? na mag kiss tayo sa harap nya para mas maniwala sya? sabihin mo sa kanya na hindi tayo ganon ka showy tulad ng iba."
"Sinabi ko kasi sa kanya na wala pang nangyayari sa atin, kaya siguro pinagtawanan nya lang ako."
RED
"Bakit mo naman sinabi yon sa kanya?..at ngayon kailangan ko pang maging publicly affectionate sayo,ganon?" sarkastikong tanong nya,watching her tap her foot rythmically against the floor.
"Ikaw lang naman ang may gustong totohanin natin ang lahat ng to diba?" mukhang defensive na sagot sa kanya ni Garrie.
"Ok.Kung kinakailangang gawin ko yon,eh di gagawin ko yon."
"Wag lang masyado,dahil mahahalata rin yon ni Jastine"
Nakita nyang panay pa rin ang indak ni Garrie sa paa nya at parang di ito mapakali.
"Meron ka pa bang sasabihin sakin Margarette?"
"Hi-hindi mo ba itatanong sakin Vince kung virgin pa ba ako?"
*****