Fallen

2425 Words
LADY ELAFRIS HALE "Kuya ano ba ang nangyayari?" tanong ni Kaylie kay Logan habang pinakiraramdaman namin ang paligid. "Hindi ko pa alam" sagot naman nito pero nanatiling nakamasid sa paligid. ilang sandali pa ay biglang natahimik ang lahat, napahigpit ak hawak ko sa dress na suot ko, kinakabahan ako sa kung anong pwedeng mangyari. "fck" rinig kong mura ni Tyler bago magkaroon ng parang barrier na nakapalibot saamin at parang may dumaan na apoy, buti nalang at nagkaroon ng barrier kundi masusunog kami. doon ko lang narealize na si tito Flame ang may pakana ng apoy na iyon. biglang nagkaroon ng ilaw sa itaas na tama lang para makita namin ang ga nangyayari sa paligid namin. nagkagulo ang lahat at sira sirang mga gamit ang nadatnan namin.  Naalila ko rin si Tita Lean na pumapaslang gamit ang isang espada, punit punit narin ang damit niya. Si Tito Flame naman at ang ibang magulang nina Kaylie ay nakikipaglaban sa mga taong nakacloak. grabe sobrang dami nila. Sa kabilang banda naman ay nahagilap ng mga mata ko si Aiden, kumunot ang noo ko, kailan pa nagkaroon ng sungay si Aiden? namana niya sa ama niya? Parang lalabas sa dibdib ko ang puso ko, sobrang kinakabahan ako at natatakot ako. nawawalan narin ng lakas ang mga tuhod ko. Hinawakan ng mahigpit ni Jayden ang mga kamay ko "Elafris, kailangan mong makinig ng mabuti saakin. Kailangan niyong tumakas ni Kaylie, kailangan niyo lumayo para maligtas kayo at ang libro. wag na wag mong isusuko sa kanila ang libro Elafris. Wag na wag kang lilingon, derecho lang ng derecho, pagkaabot niyo ng gubat ay may naghihintay sa inyo doon" kahit man naiiyak ay pinilit kong magpakatatag. Hinawakan ko si Kaylie sabay tango, biglang nawala ang barrier  "TAKBO!" sigaw ni Jayden,walang alinlangan akong tumakbo, hindi ako lumingon, hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Kaylie at ang libro Natatakot ako, natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari sa kanila. ayokong mawala sila, ayoko ayoko.  Ayan na, nakikita ko na ang pintuan, kailangan naming makatakas. mas binilisan ko ang takbo ko "Ahh!" natumba kami pareho ni Kaylie sa malamig na sahig, I hissed at the pain I felt because of the impact. agad akong gumapang papunta sa kanya "K-kaylie, ayos ka lang ba? makakatakbo ka pa ba?" alala kong tanong habang tinitingnan kung may galos ba siya. Naawa ako sa kanya, umiiyak siya ng umiiyak "m-masakit, di ko kaya Ela, di ko kaya" umiiling iling siya, hinawakan ko siya sa balikat , tiningnan ko siya sa mga mata niyang kumikislap dahil sa luha at puno ng takot. "kaylie, kailangan nating makatakas, kailangan nating makaligtas" tumigil siya pero patuloy paring tumutulo ang luha niya  "Natatakot ako, baka may mangyari kena mommy, ayokong mawalan ng kuya, ayoko ring mawalan ng mga kaibigan Ela, natatakot ako"  "Kaylie, walang mawawala! magkikita kita rin tayo! kailangan lang nating tumakas dahil wala pa tayong maitutulong! magiging sagabal lang tayo Kaylie!" sigaw ko sa kanya, alam kong nagulat siya sa ginawa ko dahil napatigil siya sa paghinga and hurt is evident in her eyes but heck, she needs to wake up. tumango siya, sabay naming tinanggal ang mga heels na suot namin at inalalayan ko siyang tumakbo, paika ika man pero sinikap naming makatakas may nakakasalubong kami pero nagagamit ko naman ang mga natutunan ko sa exam. habang palapit ng palapit kami sa pinto ay mas marami ang nakakasalubong namin, not to mention na nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon. ngunit napatigil ako nung may humarang saamin, marami rami sila kaya wala akong nagawa kundi umatras, habang palapit at palapit sila, inabot nila ang mga kamay nila papunta saamin na para bang kukunin nila kami. Hindi maaninag ang mga mukha nila dahil natatabunan ito pero kitang kita ko ang mga ngiti nilang nakakakilabot kaya kinabahan ako ng husto habang lumalapit sila ay wala akong nagawa kundi pumikit na para bang wala na akong magagawa, for a moment I chose to give up pero habang tumatagal  wala akong naramdaman na maski anong masakit. "Kuya Aiden" bulong ni Kaylie na nakapamulat sa mga mata ko. dahan dahang umangat ang ulo kong nakayuko at kumalabog ang puso ko nung magkatama ang paningin namin. "Tumakbo na kayo, ako ang bahala dito" malamig nitong tugon, wala akong magawa kundi tumakbo ng tumakbo hanggang sa umabot na kami gubat.  Medyo malayo palang ay nakita ko ang mga propesor namin sa Academy. nagtaka ako kung bakit sila nandito at kun paano nila nalaman o kung paano sila nakaligtaas kaagad pero pakiramdam ko ay hindi ito ang tamang panahon para don. "Bilisan na ninyo" inalalayan ako ni Prof. Horloch habang ang iba naman ay agad na inasikaso si Kaylie, pinasakay nila kami sa isang karwahe pero hindi pa ako nakakatapak sa hagdan ay nakaramdam ako ng may tumama sa likod ko. It was painful like a spear piercing through my skin, namanhid rin ang buo kong katawan at biglang natulala. "ELLLAAAA!" rinig ko ang matinis na sigaw ng umiiyak na si Kaylie bago naging itim ang paningin ko. -- I was standing in the middle of my dark room, wearing my nightdress.  my feet touching the stone cold floor, hindi ko alam kung bakit ako nandito o bakit ako nakatayo, It seemed that the night was deep at nakahiga na dapat ako ngayon. napayakap ako sa sarili ng tumama ang malamig na hangin mula sa labas, ngayon ko lang napagtanto na nakabukas pala ang pinto sa terrace ko habang sumasayaw sa hangin ang kurtina nito. It wasn't right. something was definitely wrong and I have this odd feeling that something bad was gonna happen. May mga bagay na hindi ko maalala at pilit ko itong binabalik balikan pero sa tuwing iniisip ko ang bagay na iyon ay sumasakit lang ang ulo ko. I shook off the feeling, kailangan ko nang matulog at baka maabutan pa ako ni manang na gising. dahan dahan akong naglakad papunta sa pinto upang isara ito dahil sa laming na dinudulot nito, nung makarating na ako sa terrace ay suminghap ako, nakakagaan ng pakiramdam ang malamig na simoy ng gabi. tumingin ako sa buwan, full moon yata ngayon dahil sa liwanag at hugis nito. I pity the moon, the moon didn't have the right to shine on it's own and depended on what the sun gave it, only then it can prove itself that it's needed. parang ako lang. I smiled bitterly. "It's pretty isn't it?"  agad akong napatalon nung may nagsalita sa likod ko, I slowly turned pale when i saw who it was. "surprised? " tumawa ito na para bang nasasayahan siya habang nakikita akong takot na takot "Don't you pity the moon?  na kung hindi lang dahil sa araw ay hindi natin malalaman na nandiyan pala siya" ngumisi siya ng makabuluhan na nakapagpatayo sa balahibo ko. "H-how?" I asked with my voice trembling "Bakit ka nagugulat? Is it weird that I can hear every thought?" I whimpered in fear, paano nangyari 'to? b-bakit nandito siya?  bakit siya nasa harapan ko? Yung ngisi na tila natutuwa sa larong ginagawa niya ay biglang nawala at napalitan ng blankong ekspresyon. "And now you even question my existence?  bakit Elafris? ikaw lang ba ang may karapatang mabuhay? ikaw lang ba ang dapat na nandirito sa mundong ito?" tumigil siya pero muling ngumiti ng pagkatamis tamis. ang matatamis na ngiting iyon ay ang nakakapagpadagdag sa takot na nararamdaman ko ngayon. "tsk, tsk, tsk. you shouldn't be selfish, you shouldn't be greedy my dear Ella dahil simula ngayon ay hindi ka na mag iisa pa. Hindi ka mabubuhay kung hindi dahil saakin at hindi ka rin dapat nandiyan kung wala ako." She slowly faded into darkness leaving me petrified "you are me and I am you Elafris" -- "AHHHHHHHH!" Napabalikwas ako ng bangon, umiiyak ng umiiyak. It's the first time I broke down in ages. bigla ko ring narinig ang kalabog ng pinto at isa isang pumasok ang mga kasama ko dito sa bahay. When I saw Kaylie, I hugged her tight and cried hoping na mawala ang takot na nararamdaman ko. my hands were trembling at pinagpapawisan ako ng malamig, I clinged unto Kaylie like she was the only one to keep me alive. lahat sila nakatayo lang dun, nakatingin lang saamin habang pinapatahan ako ni Kaylie pero hindi ko kayang kumalma, Natatakot ako ng husto. hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiyak pero nandoon lang sila, hindi sila nagtanong kung bakit ako naging ganoon, They just stood there and watched me. sa bawat hikbi ko ay nirespeto nila ang katahimikang gusto ko. The room was filled with silence and my sobs were the only thing I heard but I didn't feel alone because I knew, I knew that they were there to protect me. Nakaramdam ako ng pagbigat ng aking mga mata and I drifted into darkness. JAYDEN SILVERCAST Mahimbing kaming natutulog sa sarili naming mga kwarto pero agad kaming napabangon nung marinig ang sigaw ni Elafris. Hindi na ako nagbother na magsuot ng pang itaas dahil sa pagmamadali. Pagkalabas ko ng kwarto ay nasa labas narin ang iba, wala ring mga pang itaas maliban kay Ash, nagkatinginan kami at nagmadaling pumasok sa kwarto ni Elafris. Nahuling pumasok si Kaylie na isa lang ang suot na tsinelas at mabilis na tumakbo kay Elafris. Mukhang nagkaroon siya ng masamang panaginip at bigla nalang nagsisigaw. I've never seen her look so scared and It's the first time I saw her cry. maibigat na hinga ang pinakawalan namin, I thought something happened. Umiyak lang siya ng umiyak buong magdamag at hindi namin magawang gumalaw. masyadong kakaibang pangyayari ito at hindi namin alam ang dahilan. Alam kong kating kati na si Logan na magtanong pero pilit niya itong pinipigilan dahil sa pagkakatakot ni Elafris pero nirerespeto niya dahil takot na takot si Elafris ngayon. Nung matahimik na ang lahat at nakatulog na si Elafris ay umalis na kami sa kwarto  "Kuya, dito lang muna ako. tatabihan ko si Ella, baka may mangyari ulit"  sabay sabay kaming bumaba at umupo sa hapagkainan.  "it's the first time she woke up in 5 days" pagbasag ni Tyler sa katahimikan, maigi naman silang sumangayon. "Ano kaya ang naging panaginip niya na nakapagpatakot sa kanya ng husto?" "Maybe it was her mom" saad ni Blake "baka nanaginip siya na may masamang nangyari sa ina niya" "O baka naman nag iwan ng masamang ala-ala or trauma ang nangyari sa exam?" dagdag ni Ash. "Hindi naman yata ganon kababaw ang dahilan. You saw her face, alam nating hindi lang yun ang rason kung bakit siya nagka ganun" sagot ni Blake habang kumukuha ng tubig Tama si Blake, hindi ganon kababaw si Elafris para matakot ng husto. Kung iisipin mo ng maigi may mga bagay na hindi pa namin alam kay Elafris, maybe there are memories that seem to haunt her. "Maybe the poison in the arrow made hallucinations that made her remember the darkest parts of her mind." natahimik kami bigla sa sinabi ni Aiden. He has a point though. madalang lang bumukas ang bibig ni Aiden pero pag bumukas naman 'to lahat ay may sense. In short, witty. "Teka, Now that you've thought of it" napahawak si Logan sa kanyang baba, kumunot ang kanyang noo na para bang may inaala na sobrang seryoso. lahat naman kami ay naghintay sa sasabihin niya. nanlaki ang mga mata niya at tila may naalala, napayakap siya sa kanyang sarili at tiningnan kami isa isa, nagkaroon din ng tensyon sa paligid at lahat ay nakatingin sa kanya. "Kaya pala ang lamig dahil wala tayong mga suot. maeexpose ang mga hot bodies natin!" We all groaned. kung si Aiden ay madalang pero matalinong magsalita, eto naman ay putak ng putak pero walang sense kausap. titingnan ko sana kung ano yung reaksyon ni Aiden pero bigla siya nawala. "Teka, nasan ba nagpunta si Aiden?" tanong ni Blake. KAYLIE HOLLOWS Napahikbi ako habang tinitingnan ang namumutlang mukha ng bestfriend ko. kailan kaya siya magiging okay? limang araw na eh. kung hindi dahil sa kanya, saakin tatama ang arrow. para sakin yun pero siya ang sumalo. hinaplos ko ang noo niyang may butil butil na pawis at pinunasan ko rin ang pisngi niyang may luha pa. kawawa naman siya, sana di ko nalang siya dinala dito. It would be safer for her. Naiinis ako sa sarili ko, she always gets in trouble because of me. dahil saakin pinapagalitan siya ng mommy niya, ng dahil sa mahilig akong maglaro o maglakwatsa hindi siya nakakapag aral kaya pinapagalitan siya palagi. yung mga kasalanan na dapat sakin, siya yung nagsosorry, yung mga panahong kailangan ko siya nandiyan siya palagi pero nung kailangan niya ako? wala ako dun and I really hate myself for that. She doesn't deserve this and she doesn't deserve to hate herself because of what others think of her. Siya lang yung naging kaibigan ko kasi lahat sila ang habol saakin ay pera o di kaya ang mga kuya ko. nung nalaman niyang mga kuya ko ang blood empire wala siya naging reaksyon kaya automatic na bestfriend kami, She was invisible then, She liked being my shadow. "Ella, Sorry ah? promise proprotektahan kita. ayokong mawala ka" "Don't you think you're overreacting?" napalingon ako sa pinto kung saan nakasandal si Kuya Aiden "She just got shot and everyone's thinking that she'll die soon. don't you think it's a little too dramatic?" tiningnan ko siya ng masama saka suminghot at pinunasan ang mga luha na lumandas mula sa mga mata ko. naglakad siya palapit sa lugar kung saan nakahiga si Ella. saka niya ito tiningnan ng mabuti. "Why is everyone trying so hard to protect her? why are they so worried? she's just the keeper of the book. not anything else, I don't see anything special about her." Tiningnan ko ng maigi ang mga mata ni Kuya. I don't think he is saying what his heart says, he's just following his mind. "Alam nating dalawa na hindi ganoon ang iniisip mo." He paused for a bit "Kuya she's so kind and so pure and it's not that hard to like her." "She can be dumb sometimes but that's what make her so adorable. Why are you holding back?" tanong ko sa kanya, instant realization came across his eyes alam niyang alam ko. "Hindi mo kailangang lumayo. Why can't you just open up to her? ang bait niya sayo pero kung tratuhin mo siya ay parang wala lang siya sayo. What's holding you back? alam kong gusto mo rin siyang protektahan but why?  medyo ayos naman kayo nung una but why did you become so distant to her?" ngumisi lang siya at nilagay ang mga kamay niya sa bulsa ng sweatpants niya.  "I don't trust her" I rolled my eyes. as if. tumalikod siya at nagsimulang maglakad palabas.  "Kuya magsuot nga kayo ng pang itaas jusme akala niyo naman mga hot kayo pwe!" pahabol kong sigaw. Si Ash lang kaya yung hot sa kanilang lahat kahit nakasando lang iyon ng pororo omg hihihi. "Narinig namin yon!" rinig kong sigaw pabalik. "Si Ash lang naman yung hot sa paningin mo!" "gago!" Bigla akong namula, grabe talaga. --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD