Book of Fate

2201 Words
LADY ELAFRIS HALE nakadungaw ako sa labas ng bintana, ayaw ko munang lumabas, nahihiya ako. nahihiya ako sa kanilang lahat. kung mas ginalingan ko lang sana, kung mas binutihan ko lang ang training. Naikuyom ko ang kamao ko sa emosyon na nararamdaman. I'm such a failure. Second day ng exam at pumunta silang lahat sa gym. ayokong pumunta, feeling ko pag uusapan at pagbubulungan ako ng mga tao don, ayoko ng ganon, nakakatakot. Plok may bumato ng maliit na bato sa bintana na nasa harapan ko kaya napaatras ako dahil sa gulat, nasundan ito ng marami pa kaya agad kong binuksan ang bintana. "Awww!" paghihimas ko sa noo ko nung matamaan ng bato "Ano ba?! may balak ka bang basagin tong bintana ko?!" inis kong singhal sa kung sino mang nangbato sakin "Hala! sorry Elafris, akala ko kas natutulog ka kaya napasobra yata ako ng bato" nagulat ako ng makita si Logan na nakahawak sa kanyang batok. "Hindi ayos lang, bakit pala?" "Gusto sana kitang makausap, pwede ba?" napatigil ako, gusto ko munang mapag isa kasi nahihiya pa ako pero si Logan lang naman 'to so ayos lang. teka, bakit kailangan pa niyang mangbato? di nalang niya ako kinatok. "teka, bababa ako" mabilis akong bumaba at sinalubong si logan, may dala siyang pagkain kaya naupo kami sa sala. "Alam kong depressed ka sa nangyari kaya nagdala ako ng ice cream" Napangiti ako "Salamat talaga Logan" kumuha siya ng kutsara at lalagyan, nagsimula narin siyag maglagay ng ice cream sa lalagyan  "pasensya na at yan ang napili kong flavor, sadyang hindi ko lang talaga alam ang paborito mo" umiling ako "Hindi, ayos lang. nagdala ka na ng pagkain, aarte pa ako" magsimula kaming kumain, medyo hindi ako komportable. masyadong nakakabingi ang katahimikan. tumikhim si logan "hinahanap ka ni Kaylie, pati narin ang iba nating kasama" sabi nito. napatigil ako sa pag kain at tumingin sa sahig "Pasensya na, ayoko kasi muna lumabas, nahihiya pa ako masyado." sagot ko. "Elafris, alam mo namang walang pakialam sina Blake 'dun, wala ka namang ginawang mali at naiintindihan naman iyon ng mga taga Safiara, na pagod na pagod ka sa pagtraining kaya ganon." "Ayoko parin. pakiramdam ko pagtitinginan ako tapos pagtatawanan, ayoko nung ganon" pailing iling kong sambit.  "walang gagawa sayo nun, andito kami Elafris, subukan lang nilang pagtawanan ka makakatikim sila ng apoy galing kay Aiden" kumunot bigla yung noo ko "paano naman nasali si Aiden sa usapan?" tumawa siya ng alanganin "wala. Wala naman" "pero actually, hindi iyon yung pinunta ko dito eh. may sasabihin sana ako since wala ka don kanina." seryoso niyang sabi, nadala din ako sa pagkaseryoso ng atmosphere tapos bigla akong kinabahan. "Mas dumadami na kasi ang kaso ng mga rogue dito sa Zandea. mas hihigpitan ang security dito sa academy at pinuntahan kita dahil bawal kang mapag isa" "Ha? bakit? kaya ko naman" "Kaya daw tapos hindi makatapos ng isang water presentation" bulong niya pero rinig ko naman. "LANGYA KA UMALIS KA NA NGA LANG, OO NA, PALPAK NA AKO!" pinaghahagisan ko siya ng mga unan o ng kahit anong mahahawakan ko. kainis alam nang depressed yung tao tapos ipakakamukha pa niya! "S-sorry!" pang iiwas niya ng mga binabato ko "Pero seryoso nga, hindi la pwedeng mag-isa lalo nat nasayo ang Book of Fate"  Agad akong napatigil sa pagbato at nagtaka "Ano ba yang pinag sasabi mo?"  "Yung librong nakuha mo mula sa bookstore, hinahanap ng mga rogue at sa palagay ko ay alam nila na nasayo iyon. kailangan kang ilayo dahil ikaw lang ang makakabukas ng librong iyon" napatigil ako, anong libro? yung itim? bakit? bakit ako? ano bang meron saakin? maraming katanungan ang bumabalot sa isip ko ngayon at nabulabog ito nung may narinig kaming ingay sa taas. nagkatinginan kami ni Logan at sabay nagsabing "Yung libro!" sabay kaming napatakbo sa kwarto ko at nakitang kalat kong gamit "Hoy tumigil ka!" Yung libro, nasan na yung libro!? napatingin ako sa may bintana lumingon saamin ang taong may dala ng libro, babae at nakasuot ng safiara Uniform kaya sigurado akong isa lang siya sa mga estudyante dito sa academy. bigla siyang ngumisi sa dereksyon namin at tumalon  "Oy!" sigaw ko at pumunta sa bintana, tumakbo siya palayo. nagulat ako ng sumunod si Logan sa kanya "Tawagin mo sina Aiden!" taranta akong napatango mabilis akong bumaba ng hagdan at natapilok pero tumayo agad ako at tumakbo, nung malapit na ako sa gym ay nakita kong nagsisilabasan na ang mga estudyante, mukhang tapos na ang exam pero hindi maganda 'to, mas maraming tao ay mas malaking chance na makatakas siya. Buti nalang at nakita ko agad ang grupo kaya hingal hingal tumakbo palapit, nataranta si kaylie at nilapitan ako "Ela, Ela ayos ka lang ba? napano ka?!" "H-hindi na mahalaga yun! y-yung libro, may kumuha sa libro. kailangan niyong tulungan si Logan!" "Sht" mahinang mura ni Aiden at naunang tumakbo. sumunod din ang iba "Kaylie, dalhin mo muna si Elafris sa Healer's Station, gamutin mo yung sprain niya, nagsisimula ng mamaga oh." Tugon ni Blake at humabol na rin a kanila "hala oo nga! Halika Elafris, dadalhin kita sa Healer's station"  "W-wag, paano sila? paano yung libro?" tarantang sabi ko kay Kaylie, baka mawala yung libro. baka mapunta sa kamay ng mga rogue "Wag ka nang mag alala sa kanila! kaya na nila yun, isipin mo muna yung sarili mo! tara na!" sa huli wala na akong nagawa kundi sumunod nalang, naramdaman ko narin ang kirot ng paa ko.  -- "Salamat po" pagpapasalamat ni Kaylie sa isang Healer na nandoon, ayos na ang pakiramdam ko at wala narin ang kirot sa paa ko pero yung kaba sa dibdib ko, nandoon parin. Hindi ko alam kung bakit ako ang nakakuha ng librong iyon at hindi ko rin alam kung ano ang nasa loob ng librong iyon at gustong gusto itong makuha ng mga rogue.  "Elafris, ayos ka lang ba? may masakit pa ba sayo?" pagtatanong ni Kaylie, umiling ako "Ayos na ako. pero Kaylie bakit parang alam ng lahat ang tungkol sa libro? bakit ako lang ang hindi? ano ba ang meron sa libro na iyon?" natahimik si kaylie at parang ayaw akong sagutin "pasensya ka na talaga Elafris, pinagsabihan kasi kami na wag sasabihin sayo. mas mabuti ng siya mismo ang magsabi sa iyo." kumunot ang noo ko "Sino? sino ba yung tinutukoy mo? Kaylie kaibigan kita pero naiinis ako kasi di mo sinabi saakin" pagalit  kong sabi sa kanya. Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang pinaglilihiman ako, lalo na ng bestfriend ko. Napatungo siya "Sorry talaga Elafris." huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko, hinila ko siya at niyakap "Sorry din kung nagalit ako, ayaw ko lang talaga ng mga sekreto, alam mo naman iyon di ba?" tumango siya at suminghot. Napakaiyakin talaga ng bestfriend ko. binalatan  niya ako ng apple tapos biglang bumukas ang pinto, lumapit saamin sina Aiden "Y-yung libro? si Logan?" agad kong tanong sa kanila "Nandun kena tita Lean. Kakausapin mamaya yung estudyanteng kumuha nung libro mula sa kwarto mo" sagot ni Tyler. lumabas naman si Logan mula sa likod at ngumiti "Hinahanap mo ba ako?" sabay kindat na siyang dahilan ng pagsiko sa kanya ni Jayden. ayos lang siya. "Buti naman" napahawak ako sa dibdib ko dahil parang nawala yung bigat na nakadagan sa dibdib ko. "ikaw? ayos ka na ba?" pagtatanong ni Ash saakin "Balatan mo din ako ng mansanas payatot" sabi din nito kay Kaylie "Ikaw nga. may kamay ka naman diba?" pagtataray ni Kaylie "Ayos na ako." sagot ko sa tanong ni Ash "If she's okay, we can go to the council room now" sabi ni Aiden at naunang lumabas ng clinic. natahimik ako, hindi pa pala kami in good terms pero at least ayos lang siya Council Room pumasok kami sa council room kung saan may apat na mahahabang mesa na pinagdikit dikit at naging parisukat, sa gitna nito ay ang babaeng estudyante na napapalibutan ng barrier, nakaupo dito ang mga teacher, Vindea Council, at ang mga magulang nina Kaylie, sa isang mesa kami naman ang uupo. "Andito na pala kayo, Upo na sige na, upo na" mabilis na salita ni Tita Lean, ang hyper niyang magsalita. "Ayos ka na ba Elafris? may masakit pa ba sayo? ayos ka na? ha?" tumango ako "opo, ayos na po ako" tumango tango naman siya at nagpatuloy sa pag inom ng chocolate drink. "Ela, usog ka di na ako magkasya" sabi ni Kaylie "Wala ng space teka, Usog kayo du-" dahan dahan akong tumalikod at lumingon pabalik kay Kaylie at marahas na umiling "Ha? bakit ba? usog ka pa nahuhulog ako" Ayoko, ayoko, ayoko. iling parin ako ng iling jusko ayokong magsalita, sa lahat ng pwedeng maging katabi ay si Aiden pa talaga. Ayoko talaga, magkamatayan na "Sige na Ela ano ba yan" nagsimula ng mainis si Kaylie kaya lumingon uli ako kay Aiden  "Aiden asdfghjklxcvbn" hindi niya ako pinansin "Aiden" pagtatawag ko uli, pero mata lang niya ang tumingin "Ano daw asdfghjkl" "What?" "asdfghjkl" "lakasan mo boses mo jusko naman" inis na sambit ni Kaylie, napakagat labi ako. "Ano, usog ka daw di na daw siya makaupo" medyo nilakasan ko na boses ko, di siya sumagot pero umusog siya "Aray takte!" napatingin ako sa kabila, nahulog si Blake sa inuupuan niya, natatawa yung boys pero halatang pinipigilan. nasa harap yung parents nila eh.  "Sabi ko usog pero di ko sinabing lumayo ka ng sobra. wala ng mauupuan si Blake kapag ganun" bulong ko uli. "Ehem" dahil sa pagtikhim ni HM ay napaayos kaming lahat sa pag upo at handa ng makinig.  "Alam niyo naman yata kung bakit tayo naririto ngayon. dahil yun sa Book of Fate na malapit ng makuha ng isang estudyante." nagsimula ng magbulungan ang mga guro at Vindea council habang ang mga hari a reyna ay nakikinig lamang "Hindi natin alam kung paano niya nadiskubre ang tungkol dito at hindi rin natin alam ang rason kung bakit niya ito kinuha. tanungin natin" unti unti nang nagigising ang estudyante at ng marealize niya kung nasa anong sitwasyon na sya ay bigla siyang nagpanic "A-ano ang ginagawa ko dito?! pakawalan niyo ako please. parang awa niyo na please" nagsimula na siyang umiyak at humingi ng tulong pero bigla itong tumigil "Y-yung libro. nasan na yung libro?! ibigay niyo sakin iyon!" para siyang baliw na sinapian, napahigpit ang hawak ko sa mesa nung nagtama ang mga mata namin "NASAAN NA YUNG LIBRO?! KINUHA MO NANAMAN BA?! IBIGAY MO SAKIN! IBIGAY MO SABI SAAKIN ANG LIBRO! ANO? BINGI KA?! HAHAHAHAHAAHAH!"  nagsimula na akong matakot dito sa kinauupuan ako, b-bakit ako? natatakot ako sa itsura niya, mukha na siyang baliw. "Bakit mo gustong kunin ang libro? paano mo nalaman ang tungkol sa bagay na iyon?!" pagalit na tanong ni HM sa kanya. tumigil siya at tumayo, hindi niya tinatanggal ang tingin niya saakin.  "Ewan ko, iyon lang ang sabi niya, kunin mo ng libro, kunin mo ang libro. pabalik balik hanggang sa di ko na makayanan. kaya IKAW!" Tumakbo siya palapit kaya napaatras ako "IBIGAY MO SAAKIN ANG LIBRO NG MATIGIL NA SIYA! NAKAKARINDI NA!" Nanginig ako parang lalabas na ang puso ko sa lakas ng kabog. gusto kong umiyak dahil sa takot pero natulala lang ako. Pilit niya akong inaabot pero may barrier. "That's enough. make her stop dad." di ko alam na nakatakip na pala ang mga kamay ni Aiden sa mga mata ko. para di ko makita ang nanlilsik na mga mata ng babaeng iyon "That's enough for now" biglang nawala ang sigaw ng estudyante at naging tahimik ang buong council room. tinanggal narin ni Aiden yung pagkakatakip niya sa mata ko pero tulala parin ako. "Di pa rin natin alam kung sino ang gumawa nito sa kanya pero masisiguro ko na mahahanap din iyon sa mas lalong madaling panahon" sabi nung namumuno ng council "Siguraduhin niyo lang" seryosong saad ni Tita Lean "Nakakatakot kaya yun baka mas dumami yung baliw dito. no way" "Lean" pagsasaway sa kanya ng mga kaibigan niyang kapwa reyna "Bakit totoo rin naman. yikes. katakot"  "Kaylie, dalhin mo muna yung kaibigan mo sa Dorm para makapagpahinga. masyadong marami ang nangyari ngayong araw" sabi nung daddy ni kaylie, si King Tristan yata yun. "Opo dad" pagsasang ayon ni Kaylie at tinayo ako "Sasama na din kami, di maganda na sila lang dalawa, baka maulit pa ang nangyari" seryosong saad ni Jayden "na sana hindi pa mangyari pa muli" sabi nung mommy ni Blake, Shane yata pangalan. medyo masungit tingnan. -- "Ela, dito lang muna ako matutulog para mabantayan kita" tumango ako at ngumiti tinabihan ako ni Kaylie sa higaan. sinara ko yung bintana, natrauma na yata ako buti nalang andito si kaylie "Dito din kami" bigla silang pumasok sa kwarto at naglatag ng foam sa sahig, may magagawa pa ba ako, di naman lang hinintay kung papayag ba ako o hindi. nung nakahiga na silang lahat ay dumating si Aiden na may dalang itim na unan. seryoso? itim? "Wag ka na dito Aiden ag sikip na oh" pangrereklamo ni Tyler. Nakatayo lang siya sa may pinto at tumingin sa gawi namin "I can't, mom told me so." "Eh wag naaa, ang sikip na oh!" dagdag ni Logan "I'll sleep on the bed. the space is still big" naglakad siya palapit saamin  pero hinawakan yung paa niya nung mga lalaki. "Joke lang yun, malaki pa yung space, dito ka oh. sa tabi ko" sabi ni Jayden pero parang naiinis. nahiga na silang lahat at nag off na yung light. "Usog ka di ako kasya" "Di lang ikaw, wag kang maarte" "yucks wag kang mangyakap" "kadiri 'to. di naman, feelingero." di ko alam kung nakatulog ako nung gabing iyon. bukod sa maiingay sila ay hindi parin nawawala sa isip ko ang tungkol sa libro at kung bakit ako kasali dun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD