Examination Day

2477 Words
LADY ELAFRIS HALE Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa naglalakihang pinto ng gym/arena. Ito na kasi yun eh, ito na ang araw na ipapakita ko ang lahat ng makakaya ko. Yung bunga ng araw araw kong training at lahat ng sakit ko sa katawan, lecheng mga mentors yun at pinahirapan ako. tumingin ako sa kamay kong may mga pasa pero hindi na ito masyadong kita kasi gumagaling na, naikuyom ko ang kamao ko nung naalala ko yung mga salitang sinabi ni Aiden saakin. naiinis ako sa kanya, inis na inis! FLASHBACK pumasok ako sa dorm na basang basa dahil sa training namin ni Blake. siya yung nagturo saakin na controlin ang ability ko, kung paano kumontrol ng  tubig. marami akong natutunan pero hindi pa ako ganoong kahasa dahil isang araw palang.  natatakot ako, natatakot ako na hindi makapasa. alam kong hindi ako ganoon kagaling pagdating sa pagkokontrol sa ability pero kailangan kong magtry. dumeretso muna ako sa kusina para uminom ng tubig, gabi na at tulog na ang lahat. nahuli lang naman ako dahil nagpractice pa ako. "Did you enjoy?" tumingin ako kay Aiden na nakaupo sa mesa. "Enjoy sa ano?" tanong ko pabalik, tinaasan niya ako ng kilay  at ngumisi "Training with handsome boys." kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, anong handsome boys? si Blake? si Logan? juskopo, wag nalang. "Ano ba yang pinagsasabi mo?" medyo naiinis kong singhal sa kanya, antok na antok na kasi ako tapos pagod pa tapos gusto ko nang magbihis, malamig na kaya tapos may training pa ulit ako bukas. "Why are you here? is your ability the only reason?" lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, medyo nakaka offend siya ah. anong naman ang iba pang rason bukod don? at bakit pa ba niya ako pinagdududahan? akala ko ba okay na kami? nagpapanggap lang ba siya na tanggap na niya ako?  "Ano pa ba?" nilagay ko na ang baso sa sink at tumingin sa kanya "Alam mo kung aawayin mo lang ako ngayon, ipagpabukas mo nalang dahil pagod ako ngayon" hindi masama ang ugali ko pero sana maintindihan niya na pagod ako at wala akong ganang makipag away sa kanya. "You'll never make it" napatingin ako sa kanya "Trust me when I say this but you are not going to pass the exam" biglang kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi niya "Bakit ba?! sino ka ba para sabihin yan?!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at napagtaasan ko siya ng boses pero hindi siya mukhang apektado, basta basta nalang siyang tumayo at naglakad papunta sa kwarto niya. tinawag ko siya pero hindi na siya lumingon pa, umakyat nalang ako sa kwarto ko at nagbihis tapos natulog. FLASHBACK ENDS bumukas ang pinto, hudyat na papasok na lahat ng mga estudyante sa loob ng arena, napapalibutan ito ng nakakasilaw na ilaw at marami, raming tao. yung iba ay mga studyanteng naghihintay para sa terno nila.  bigla akong kinabahan, hindi pa talaga ako prepared na mag exam Di kalayuan ay nakita ko ang malaking mesa kung saan nakaupo ang mga judges. kumunot ang noo ko dahil ang ineexpect ko ay mga nakakatakot at nakaka-kabang mga katauhan pero iba 'to eh. parang normal lang silang magkakaibigan na nag uusap usap, tapos nakita ko din si Tita Lean na nakatayo sa mesa at todo cheer. natawa ako, pinapababa na siya ni tito Flame kasi baka malaglag. "What the fck" napalingon ako at nakita ko si Aiden na tinatakpan ang mukha niya dahil sa kahihiyan. I just rolled my eyes. hindi talaga kami in good terms dahil nung nagtraining kami kahapon ay iniinis nanaman niya ako. FLASHBACK "Is that all you can do?" tamad niyang tanong saakin. mas nilakasan ko pa ang mga suntok na binibigay ko pero masyado siyang mabilis at naiilagan ang bawat suntok ko. tumigil ako dahil sa hingal at tiningnan siya ng masama Pagod na pagod na ako, siya kasi ang nagtratrain saakin ng general, lahat lahat kumbaga. mula sa tinuro ni Tyler hanggang sa kung papaano kontrolin ang  ability ko. Ayokong magtraining kasama siya kasi kahit ginagawa ko ang lahat, may tingin siya nakapagsasabing hindi ko kaya, na hindi ko kakayahing makapasa sa examination na ito. Pero hindi ako magpapatalo no, ano siya? chamba? lalaban ako at papatunayan ko sakanyang kaya ko. gumawa ako ng water blades at tinira siya pero biglang kumirot ang kamay ko kaya napatigil ako, napasigaw ako sa hapdi at napaupo. naiiyak ako habang tiningnan ang mga pasa sa mga kamay ko. naiiyak ako sa sakit pero wala siyang ginawa. nakatayo lang siya at nakatingin saakin. "I told you before, you can't make it. you're still weak. too weak for everything"  malamig niyang saad at tumalikod pero hinarap ni ang kabilang mukha "You don't belong here" dahan dahang naglakad palayo saakin, palayo ng palayo hanggang sa hindi ko na makita ang pigura niya. umupo lang ako dito, sa gitna ng kagubatan. mabigat ang dibdib ko pero hindi ko kayang umiyak, walang luhang lumalabas. nakatingin lang ako sa dinaanan niya kanina. totoo ba? bakit pakiramdam ko hindi ko kaya? tama ba siya? FLASHBACK ENDS Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa kanya pero laking gulat ko ay nakatingin din pala siya. yumuko ako at naglakad paalis, lumapit ako kay Kaylie na mukhang masaya at may kinakawayan, nung nakita niya ako ay agad niya akong hinablot at iniharap sa mag asawang kumakaway din, isa sila sa mga judges. "Fris, mommy at daddy ko pala" napangiti ako, nakakatuwang tingnan si Kaylie, mukhang masayang-masaya siya na nandito ang mga magulang niya. Ang ganda tapos gwapo ng mommy at daddy niya kaso mukhang playboy yung daddy niya. "Bestfriend ko!" sigaw niya habang tinuro turo ako. tumango ang daddy at  mommy niya at nginitian ako, nahihiya akong ngumiti at kumaway din sa kanila.  "Mga parents namin yan!" proud niyang sambit habang nakatingin sa kanila, nagulat ako nanaman ako kasi akala ko strikta yung parents nila tapos nakikita ko ngayon inaaway ng daddy ni Kaylie tapos isa pang lalaki na mukhang bata ang lalaking tahimik pero buyset na buyset na. (a/n: hulaan niyo kung sino HAHAHAHA) May mga babae ding nag uusap usap tapos biglang tumakbo si Tita Lean papunta sa kanila at namigay ng  chocolates? "Good Day! Good day!" natahimik ang lahat nung magsalita na si HM na nakalitaw sa kalagitnaan ng arena "The Examination is going to start within 10 minutes, please take your seat and we shall begin immediately" nagsi-alisan na ang mga estudyante sa gitna ng arena at umupo na, nahuhuli kaming maglakad ni Kaylie habang nakatingin sa likod ng mga lalaki, tumingin din ako sa paligid, lahat sila nakatingin sa mga lalaking kasama namin. tumingin ulit ako sa mga ito, sino ba ang hindi mabibighani? ang puputi tapos ang gwagwapo tapos ang tataas, hindi bababa sa '6 ft ang height nila. 5'4 nga lang height ko eh.  "Oy Fris! ano pang ginagawa mo diyan?! lika na, magsisimula na!" tawag ni Kaylie na nakaupo na pala, pinagtitinginan narin ako ng iba pa naming kasama, lumapit ako at tumabi kay Kaylie "Okay lang yan, papasa ka. wag kang mag alala" nakangiting sabi ni Logan at kinindatan ako, ngumiti nalang ako bilang pagpapasalamat. tumahimik ang lahat nung biglang dumilim at nagkaroon ng spotlight at nakatutok ito kay HM, umubo ubo muna siya bago humarap saaming lahat  "We belong to a world where no ordinary human can live, where dragons, elves, vampires, werewolves and fairies inhabit. We are not ordinary, we are different and we all have our own abilities and we have our own ways to enhance it. The Safiara Academy promotes the enhancement of our abilities that we may use it properly. Ladies and Gentlemen, we now formally announce the opening of this year's annual exam!" nagpalakpakan ang mga studyante and naghiyawan, parang nagkakaroon ng underground fight tulad nung mga napapanood ko noon sa tv. nagkaroon ng barrier sa gitna ng arena para hindi maapektuhan ang mga manonood sa labas. "And now let us introduce the jury of this year's annual exam! firstly, they came from the east and the leaders of the Aquaria Faction, King Wade and Queen Shane Fletcher" Tumayo naman yung lalaking umaaway kanina sa isa pang lalaki at hawak hawak niya ang kamay ng isang babaeng mukhang strikta, nagpalakpakan ang mga tao. Kumaway silang dalawa at nginitian kami, parents ata 'to ni  Blake. "Alpha Luke and Luna Riel Alvon, Leaders of the Redmoon Pack" Tumayo yung lalaking mukhang tahimik at yung inaaway kanina, hindi siya ngumiti pero tumango, kumaway naman yung asawa niya na mukhang mabait, parents ata 'to ni Tyler. "King Tristan and Queen Tracy, Leaders of the Underworld" Tumayo naman yung parents ni Kaylie  at Logan. sumunod yung parents ni Jayden na sina Krayver at France Silvercast na kasama sa mataas na position sa Vindea tapos yung parents ni Ash na si Kairo at Thaina Phantom na namumuno sa Zaldea. "Last but not the least, Queen Lisanna Eloise Antoinette and King Flame Ryker of Vindea" nagsitayuan ang mga tao at pumalakpak kena Tita Lean an masayang kumakaway sa mga audience habang nakatayo sa taas ng mesa. hawak hawak naman siya sa beywang ni tito Flame at tumango lamang. humupa na ang palakpakan at nagsimula na ang examination, bumaba na kami nagulat ako dahil hindi lahat ng estudyante ang nakakapag exam, halos limang daan lang kami na bumaba. tumingin ako sa paligid at nasilaw sa ilaw na nakatutok saakin, agad naman akong hinila ni Kaylie palapit sa kanila. "Bakit maliit lang ang nag eexam?" tanong ko kay Kaylie na busy sa pagstrestretching. "Hindi ko naman kasi sinabi na isang araw lang ang exam. marami kaya ang population ng safiara academy, si tingin mo ba ay mauubos lahat ng nandito kapag ngayong araw lang ang exam?" tumango nalang ako at nagtretching narin. nakita ko sa di kalayuan si Aiden na pinaglalaruan ang apoy niya kulay asul, napansin yata niyang may nakatingin sakanya kaya nagkatinginan kami, nagkatinginan kami ng matagal at siya mismo ang umiwas, bigla akong nalungkot na hindi ko alam ang dahilan. uminat ako pataas at nagulat ng may yumakap sa beywang ko, napatili ako pero hindi agad nakagalaw. nung bumitaw na siya, nakita ko si Logan na nakangisi. "Hindi maganda sa isang dalaga ang nakikita ang tiyan, marami kang naakit" kinindatan niya ako at naglakad paalis, tumingin naman ako sa beywang ko at may jacket nang nakatali dito. tumingin ulit ako kay Logan na pumunta kay Aiden at may binulong. nagsimulang magtawag si HM and my hands are shaking and sweaty. hindi ako mapalagay sa pwesto ko, halos lumabas na ang puso ko sa lakas ng kabog. hinawakan ni Kayie ang kamay ko at ngumisi "Kaya mo yan, ano ka ba. sabi ni mommy sii tita Lean daw walang alam na may ability siya tapos biglang sumabog yung ability niya, malay mo adrenaline lang ang kailangan diyan" Bumuga ako ng hangin at umupo sa tabi ni Ash sa may Bleachers. bigla kasing nanlambot ang mga tuhod ko "Oh, ready ka na ba?" tanong niya at binigyan ako ng water bottle, marahas akong umiling kinakabahan talaga ako. mabilis na lumipas ang mga exam takers at ngayon ay akin na, sa aming mga nasa dorm ako ang nauna. nanginginig akong naglakad sa gitna ng arena, lahat sila nakatingin saakin. Nung nasa kalagitnaan na ako, humarap ako sa judges, binigyan niya ako ng nanghihikayat na ngiti, kahit papaano ay nahimasmasan ang kabang nararamadaman ko. Lumingon ako sa isang malaking colorwheel kung saan nakasulat ang gagawin ko, tumango yung estudyanteng nakaassign doon. Pinalibot na niya ang wheel, kinabahan ako nung unti unti na itong tumitigil, hanggang sa napunta ito sa "ABILITY" tumingin ang estudyante saakin, tumango ako. tumayo ako sa gitna ng arena, huminga ako ng malalim, tahimik ang lahat at kalabog lang ng dibdib ko ang naririnig ko. nagsimula akong pumorma ng bilog na tubig gamit ang mga kamay ko, pinalaki ko ito ng pinalaki, iniangat ko ito pataas, plano ko gumawa ng fireworks gamit ang water crystals para magandang tingnan.  mahirap hirap din na training ang ginawa ko dito kahit pang beginners palang ang binigay na category sakin. buti na nga lang at hindi dummy ang napili para sakin kundi hindi ko yata kakayanin. nagfocus ako at unti unting pinaghihiwalay ang mga tubig sa taas, hindi rin naman mababasa ang nanonood dahil sa barrier. habang pinoporma ko na ang formation ay bigla akong nakarinig ng matinis na tunog, napapikit ako sa sakit pero hindi ko binibitawan ang tubig na nahulma ko. pinagpatuloy ko lang, hoping na mawala yung tunog. habang tumatagal ay mas lalong lumalakas kaya mas nahihirapan akong kontrolin ito. biglang sumabay sa tunog ang biglaang pagsakit ng ulo ko, naramdaman ko rin ang mga pasang napoporma sa iba't-ibang parte ng katawan ko. bigla akong napatigil, bumagsak ang tubig mula sa taas at nabasa din ako. unti unting nawawala ang tunog at bumabalik na sa normal ang pakiramdam ko, maliban nalang sa mga pasa sa katawan ko. tumingin ako sa paligid, maraming nag uusap usap, nagbubulungan, tumingin ako kena Kaylie, nag aalala silang nakatingin saakin, tumingin ako kay Aiden, nakatingin din siya ngunit walang kahit anong bahid ng emosyon na makikita sa mukha niya. Gusto kong umiyak, ito na ba yung sinasabi niya? Hindi ako naniwala, tiningnan ko ang mga palad ko na mga kakaunting galos, kaya ko pa. pinilit kong ikontrol ang tubig pero bumabagsak uli ito, paulit ulit ko itong ginagawa at padami din ng padami ang mga galos ko. "Hala grabe!" "Bat siya pumasok sa barrier?" "Ang swerte niya talaga sobra" hindi ko na pinansin ang mga nagbubulung bulungan nung mau humila saakin palabas ng Arena, blanko ang utak ko ngayon at namanhid ang buo kong katawan. Paglabas na paglabas namin ay biglang bumalik ang senses ko at kumalas ako sa kung sino ang may hawak saakin. "K-kailangan kong bumalik, kailangan kong tapusin ang exam" bulong ko sa sarili at dahan dahang naglakad pabalik pero muli akong hinarap "A-aiden?" pabulong kong sambit sa pangalan ng taong nasa harap ko ngayon. galit siyang nakatingin sakin  "What is it that you want to happen?!" galit niyang sigaw saakin, hindi ako makakilos o makasalita "Do you really want to die?!" napayuko ako at tumingin nalang sa sahig. alam ko naman eh, alam ko na maaari kong ikapahamak ang ginawa ko, kung hindi lang ako pinigilan ni Aiden ay baka kung ano na ang nagawa ko sa sarili ko, baka nainjury ako or worse mamatay. "Why didn't you just backed out?! You knew! You knew that you couldn't do it because you overworked yourself but no! you were so stubborn and did not listen! and now what? WHO ARE YOU TO MAKE ALL OF US WORRY?!" I'm sorry that I failed, I'm sorry to make you feel worried, I'm sorry that I feel like I'm such an important person, I'm sorry for thinking that I could make it, I'm sorry for being overconfident, I'm sorry for being weak, I'm sorry I'm such a failure. I'm Sorry. Gusto kong sabihin ang mga iyon but he just walked away.... ------------------------------ Hiiiii! Sorry talaga my dear readers sa napakatagal na Update, naging sobrang busy lang talaga ako sa school huhuhu. I hope I could make it up to you  :) P.S. Wag po kayong magreklamo kung bitin kasi on going story po ito at walang thrill kung hindi bitin. Just tell what you think about this chapter instead. Thank you! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD