LADY ELAFRIS HALE
"Ugghhh" kumunot ang noo ko dahil parang nahihilo ako, pilit kong binuksan ang mga mata ko kahit antok na antok pa ako. My eyes widened nung nakita ko kung ano ang kalagayan ko, I saw grass and feet, nung iniangat ko yung tingin ko papalayo kami sa Dorm, naging malikot ako at pilit na umaalis sa pagkahawak ng kung sino man ang nagdadala saakin
"S-sino ka?! pakawalan mo ako kundi sisigaw ako!" pinagsusuntok ko yung likod ng tao pero hindi naman lang ito natinag, nagsimula ng magtubig ang mga mata ko
"Waahhh! sino ka ba?! bitawan mo ako kundi lulunurin kita!" narinig ko siyang tumawa ng mahina at dahan dahan akong binaba at nagulat ako dahil sa nakita ko.
pinaghahampas ko ang taong nasa harapan ko "Ang sama mo! bakit mo ba ako kinarga?! bakit di mo nalang ako ginising! madali lang naman akong gisingin eh!"
Nagsmirk si Jayden at naghalukipkip "You must be kidding, alas syete na ng umaga at kaninang alas kwatro pa dapat nagsisimula ang training natin." bigla niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko
"Now do the math, how many hours do you think I've spent on waking you up? hmm?" kumurap kurap muna ako bago tuluyang umiwas sa mukha niya. "4 hours?" pabulong na sagot ko
lumayo naman siya at tumayo ng tuwid, he patted my head "Good Job! sa ngayon, tara nat nasasayang ang oras" wala akong nagawa kundi sumunod, teka papunta 'to sa gubat ah?
"U-uh Jayden, bakit tayo magtratraining sa gubat?" tumingin din ako sa suot ko "At bakit nakapajama parin ako? hindi mo ba ako hahayaang magpalit muna ng damit?" papasok na siya sa gubat pero nakatayo parin ako sa pwesto kung saan niya ako iniwan
nakatalikod siya pero winagayway niya ang kamay niya "Nah. pwedeng pwede na yan" kumunot ang noo ko, shunga ba si Jayden? bakit ako magpapajama? training ba sa pagtulog ang gagawin namin? naku! magaling ako diyan!
ngumiti ako tumakbo palapit sa kanya. excited na talaga ako sa training namin pero parang may mali eh, wala namang nakasulat na 'sleeping competition' sa folder ng lalabas sa examination kaya bakit namin gagawin 'to?
nakarating kami sa gitna ng gubat pero kakaiba 'to, open oval lang siya na puro d**o. kayang kaya niyong mag hand-on-hand combat-wait. nanlalaking mata akong tumingin kay Jayden na nakangisi ngayon
"I guess you caught up already" bigla akong kinabahan, hindi dahil sa pwede niyang gawin sakin kundi dahil baka mapunit ang pajama ko, mahal ang pagkakabili ko neto no!
"hindi mo ba talaga ako papagpalitin ng damit?" ang cute kasi ng magternong pajama, yung pangbaba, alam kong hindi maapektuhan pero yung pangtaas? yes.
"I knew you would react this way kaya nagdala ako ng damit. use my shirt" sabay hagis nung T-shirt niya sa mukha ko, napasimangot ako at agad na tiningnan ang T-shirt. okay lang naman siya pero sinamaan ko ng tingin si Jayden
"What?" maang maangan niyang tanong "Anong 'what'? tumalikod ka magpapalit ako!" singhal ko, namula naman ang tenga niya at mabilis na tumalikod. kinuha ko na yung chance na makapagpalit ng damit
"Tapos na!" tinabi ko lang muna yung pangtaas at lumapit sa kanya "Warm up muna tayo" tumango ako at sumunod sa mga ginagawa niya
"Now, lahat ng gagawin ko ay susundin mo, make sure to memorize all of it" tumango ako, pumunta siya sa tabi ko at tinuruan ako ng iba't-ibang positions. "Wag mong ilagay yung pressure sa braso kundi sa abdomen para hindi mahirap" tumango ako at sinunod lahat ng mga sinabi niya.
"matanong ko lang, sino ba yung magbibigay ng points? teachers o yung admin?"
"depende"
"anong depende?"
"depende sa kung available sila o hindi"
"Sinong sila ba yung tinutukoy mo?"
"Our parents"
"Omo"
tumawa siya at tumayo ng tuwid pagkatapos ay tumingin saakin "bat parang nagulat ka?" hindi parin ako makakilos "Bakit sila? hindi ba sila busy? hindi ba magiging bias kasi mga anak nila kayo?"
"first of all, hindi ko alam kung bakit sila, second, kaya nga 'depende' dahil hindi naman sila nakakadalo pag marami silang ginagawa at lastly, no. Hindi sila bias, kahit galing kami sa sinapupunan ng mga ina namin at kadugo ang ma ama namin ay hinding-hindi kami itatanghal na malakas kung sa tingin nila ay naman namin deserve ang titulo. simple as that"
"Wow ha! ang galing naman pala ng mga magulang niyo, hindi tuloy ako makapaghintay na makilala sila. parents palang kasi ni Aiden yung nakilala ko" sabi ko, totoo naman kasi. Kaylie would talk about their parents at kung paano nila naagapan ang digmaan sa pagitan ng Vindora at Zaldea.
"I don't know if you could cope up with them though" kumunot ang noo ko "Bakit? it's not like they are crazy or something! ikaw talaga masyado kang nag o-overthink! hahaha" tawa ako ng tawa pero pansin kong seryoso parin ang mukha niya
"Are you serious?" tumango nalang siya bilang tugon. tumawa nalang ako ng alanganin "Yeah. I'll cope up."
nagpatuloy kami sa pagtraining hanggang hapon at himala hindi ako nagkaroon ng problema. well, hindi ako magaling sa combat pero pag may magaganap na away ay alam kong mabubuhay ako.heh.
pagkatapos magtraining ay pumasok agad ako sa kwarto para magpahinga bago maligo, ayokong magkasakit no! naglaro lang muna ako ng color switch ng may nakita akong umiilaw sa drawer. lumapit ako dun at binuksan, nakita ko ulit yung black na notebook, ano ba talaga ang meron dito? nung nahawakan ko na ay bigla itong bumukas at pumunta sa isang blankong pahina.
naningkit ang mga mata ko at kinilabutan kaya lumayo muna ako ng kaunti hanggang sa may umukit ditong mga letra, at first jumbled words pero maya-maya't na-arrange ito papunta sa normal na kaayusan.
7 DAYS....
yan ang nakasulat pero hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng 7 Days. pupunta pa sana ako sa ibang pahina pero marahas itong sumara, nung bubuksan ko ulit ay hindi na mabuksan. napadtrip ako kaya binalik ko lang muna ito sa drawer. ano kaya ang ibig sabihin nun? umaatake nanaman ang pagiging curious monster ko. dahil nga dito may mga instances na napapahamak ako!
tulad nung elementary pa ako, sabi ng mga classmates ko na may something daw dun sa basement pero nung kinulit ko sila kug anong meron, ayaw nilang sabihin. eh sa pagiging curious ko ay pumunta ako sa basement at nalaman kong nilock pala ako nila. iyak ako ng iyak nung hanggang sa natagpuan ako nila mommy sa kalagitnaan ng gabi kasama ang maraming police at choppers. sabi sa inyo na mayaman mother ko eh.
After nun nililimitahan ko na ang pagiging curious ko. nasuspend din yung mga kaklase kong may gawa sakin nun.
--
pagkatapos ng training kahapon ay pakiramdam medyo lumakas ang physical state ko, masakit nga lang ang katawan ko pero keri lang. medyo nasanay na ako, mabilis natapos ang training namin ni Jayden dahil madali lang naman daw akong turuan tapos sigurado daw siyang hindi hand-on-hand combat ang mangyayari kasi yun palang ang challenge last year. mahirap ang training pero wala eh, No pain, No gain sabi pa nila.
Tumayo ako nung nakarinig ako ng katok, pagkabukas ko si Tyler. "Yes?"
kumunot noo niya tapos parang natatatawa "anong yes, yes? may training kayo ni Logan ngayon uy." nanlaki ang mga mata ko, omg nakalimutan ko! nagulat ako nung bigla siyang tumawa ng malakas. hala sira ulo.
"tinatawa-tawa mo diyan?" huminto siya pero nakangisi parin. "biro lang. nagtext si Logan hindi daw muna ngayon, may lakad daw siya" tumawa ako at hinampas siya ng pabiro "shunga ka talaga"
"at least di na ako korny" hindi ako sumagot" psh. btw, aalis kami ni Ash" kumunot noo ko
"so?" sumimangot siya kaya ako naman yung natawa "biro lang din. hahahaha, ingat kayo wag masyadong pasaway"
hindi ko na siyang hinintay magsalita pa at pumasok na sa kwarto. umupo ako at nag loading, nung matapos na ako ay,binuksan ko ang drawer na malapit sa kama ko, kakatapos ko lang maligo. buti nalang at may lakad si Blake, hindi ako ready eh. kinuha ko yung cellphone ko sa loob ng drawer nung madiskobreng nagriring pala ito
Mom calling...
napabangon ako ng hindi oras, tumatawag si mama. hindi ako mapakali! ano ang sasabihin ko?! tumikhim muna ako bago sagutin ang tawag
"Hello ma?"
"Hi sweetie! nasa university ka ba ngayon? naistorbo ba kita?"
napakagat ako ng labi. anong sasabihin ko?! ma, wala kaming pasok for one week kasi naghahanda lahat para sa upcoming na examinations kung saan ishoshowcase yung pagiging ability bearer ko! ganun ba?hindi pwede! huhuhu.
"Ela? anak?"
"Y-yes ma?"
"I'm on my way there, okay lang ba? kararating ko lang sa bansa kaninang umaga pero aalis kaagad ako at mamayang gabi ang flight ko. I just missed you so much and I want to see my little girl"
"WHAT?! NO! I mean, wala po ako sa university ma. I'm at the mall with my friends since sabado naman at pwede kaming lumabas ng school!"
"Oh. really? then what mall? pupuntahan kita dun, I want to meet your friends too." napaface palm ako. I'm screwed
"Uhh. okay po" then I told her the address
"medyo malayo pero okay lang, mga 30 minutes nanjan na ako" I bit my lip. ano ba ang gagawin ko?!
"Y-yes mom." binaba ko na yung cellphone at tumakbo palabas ng kwarto ko. hinanap ko si Kaylie pero hindi ko siya mahagilap. eksakto namang lumabas din si Aiden galing sa kusina
"Aiden! aiden! aiden!" patakbo akong lumapit sa kanya, tiningnan niya ako ng naka kunot noo "how many times do you have to call my name?"
"nakita mo ba si Kaylie? emergency kasi 'to!" sabi ko sa kanya pero nagkibit balikat lang siya, napasabunot ako ng buhok ko. sakto namang bumaba si Blake galing sa kwarto niya, tumakbo ako para salubungin siya.
"Blake nakita mo ba si Kaylie? kailangan ko talaga siya ngayon eh!" naiiyak kong sabi kay Blake, kinakabahan ako ng bonggang bongga! kumunot muna noo niya at mukhang nag-iisip
"pumunta sila sa parents nila, kasama si Logan. pinasabi niya sayo kaso nakalimutan ko, sensya ka na" tapos kinamot niya yung batok niya, huminga ako ng malalim at umupo sa sofa, nakahawak ang dalawa kong kamay sa magkabilang side ng ulo ko at nag brain storm. isip-isip ka ng dapat mong gawin Elafris!
30 minutes lang ang meron ako, hindi naman problema ang transportation dahil makakarating kami agad dun in a glimpse! ang problema lang talaga ay kung ano ang gagawin ko at sino ang isasama ko! wala kasi si Kaylie! huhuhu. baka magtaka si mama tapos puntahan ako sa university tapos malalaman nalang niya na hindi naman pala ako nag-aaral dun.
napasigaw ako dahil sa frustration para lang malaman na pinagigitnaan pala ako ni Aiden at Blake. "Ano ba kasi yang problema mo? malay mo makatulong kami ni Aiden!"
"Tss. You're the only one who said that. don't include me" tiningnan ko siya ng masama pero nanood lang siya sa tv. nag-isip ako ng matagal siguro mga 10 minutes na at hindi parin umaalis ang dalawang 'to
"hoy kayong dalawa, kung wala naman kayong maitutulong eh umalis nga muna kayo para ako makapag isip" I groaned at sumandig sa sofa, pinikit ko ang mga mata ko at nag-isip ng pwedeng gawin
"Elafris"
"oy"
pinipindot ako ni Blake pero hindi ko siya pinapansin, ang importante ngayon ay kung ano ang gagawin ko at ihaharap kay mommy. She is very strict when it comes to me, yeah sweet siya pero nakakatakot at the same time. Oo naman at ganun lahat ng nanay pero nakakatakot yung mommy ko eh, she is very manipulative at kaya niyang kunin lahat ng meron ka in one click.
"Ano ba Blake? nag iisip ako dito eh!"
"Harapin mo muna ako kasi, sabi nila harapin daw yung taong kumakausap sayo to show respect!" hindi ko na pinansin ang sinabiniya at tiningnan nalang siya pero tinitingnan parin nia ako
"Hoy ano ba kasi yung gusto mo?"
"Sabihin mo muna kasi yung problema mo para namin malaman! malay mo may maitutulong kami!" sinabi niya yung mga katagang yun sa pinakamahinhin na paraan habang nag be-beautiful eyes, lumingon ako kay Aiden na nanonood ng TV, I looked at his eye lashes, nose, lips and eyes. maganda silang lalaki to the point na makakapagkamalan silang babae-oh.
at alam ko na sa puntong yun kung ano ang gagawin ko.
---