LADY ELAFRIS HALE
Bumalik muna ako sa dorm para maligo at magpalit ng damit pero pagkapasok ko ng kwarto ay agad akong humiga sa kama at bumuntong hininga
"Ayokong sumama" sabi ko sa sarili at nagpagulong gulong naiilang ako kay Aiden! di ko maimagine na magkasama kami sa mall.
nahagilap ng mga mata ko ang drawer na nasa gilid ng kama ko. lumapit ako dito at binuksan then nakita ko yung itim na notebook
"Ano kaya ito? bakit kaya to hinahanap nung Zaldeans?" bulong ko sa sarili at tinitigan ito, maya maya't may umilaw na mga letra pero di ko maintindihan
mávro council
ano nanaman 'to? then nakarinig ako ng katok sa pinto "Hey woman, make it fast, if you're not in the living room within 20 minutes I'll drag you out of this house understand?"
agad akong napatayo "hindi sapat yung 20 minutes uy!"
"Tik tak tik tak" I groaned in frustration, mabilis kong binalik ang notebook at nagkakandarapa akong tumakbo papunta sa cr para maligo
--
"Ano ba kasi ang gusto ng mommy mo?" tanong ko kay Aiden na busy sa pagkakalikot sa cellphone niya, he just shrugged
"you're a female, you should know" he said, still not looking at me, bumuntong hininga ako at tumingin nalang sa labas ng bintana ng kotse. nasa city na kami ng human realm at papunta na sa mall. Hindi ko talaga gusto yung idea nato dahil baka may makakita na kaibigan ni mommy tapos sabihin nagloloko lang ako sa school
"Ma'am, sir andito na po tayo" tumango ako at ngumiti kay manong "salamat po" pero sumama ang tingin ko kay Aiden na basta basta nalang umalis ng kotse. Lumabas narin ako at mabilis siyang hinabol
nagsimula na siyang maglakad kaya sinundan ko lang siya, baka may pupuntahan siya store na bibilhan ng gift ng mommy niya
Nahiya ako bigla dahil pinagtitinginan kami ng mga tao, dapat kasi di na ako sumama sa lalaking 'to eh! masyadong gwapo, pinagtitinginan tuloy kami. What more kung kasama na namin ang buong squad? jusmeyo magmumukha akong kaawa-awa neto
naglakad kami mga isang oras palibot ng mall na 'to pero napapansin kong hindi parin siya nakakahanap ng magandang store
"Malayo pa ba tayo? hindi ka parin ba nakakapili? masakit na yung paa ko!" tumigil siya at nilingon ako, binulsa narin niya ang cellphone niya at kumunot ang noo
"What the heck are you saying? I was waiting for you to lead or tell me that you found a nice store"
"Ha?!" di ko mapigilang mapasigaw kaya naman napunta ang atensyon ng mga tao saamin, I apologized at binalik kay Aiden ang tingin
"Bat di mo sinabi?! pinagod mo pa ako!" Inis kong sabi sakanya. All thses time ako lang pala ang hinihintay niya.
tinaasan niya ako ng isang kilay "You did not ask me, I brought you here to help me so why did you think I have something in mind? are you that stupid?"
pinandilatan ko siya ng mata, ang kapal rin neto, ang lakas makastupid! "Hoy lalaki, wag mo akong mastupid stupid ha?! kung gusto mo, ikaw nalang maghanap ng gift ng mommy mo! che!"
magwawalk out na sana ako nung hinawakan niya ang braso ko "Let's eat first, then buy the gift" tiningnan ko siya ng mariin at walang imik na sumama, hindi na ako magpapakemi dahil gutom na ako at ayokong mapahiya pag tumunog ang mga halimaw ko sa tiyan.
"Sit here, what do you want?" tanong nung kumag pagkatapos niya akong pabagsak na pinaupo, tiningnan ko siya ng masama tapos tumingin sa menu. Hindi yung kami nasa mamahaling restaurant ah! sinabi ko sakanya na mag food chain nalang kami para hindi masyadong magarbo, yung tinutukoy ko na menu ay yung nasa counter
"Chicken nalang tapos dalawang extra rice tapos fries tapos burger tapos upgraded na drinks, yun lang" ngumiti ako sakanya ng matamis, he just stared at me like I'm crazy
"You can finish all that?" agad akong napasimangot "bakit? bawal na bang kumain ng marami ngayon?"
"Whatever" ngumiti ako ng palihim nung naglakad siya papunta sa counter
BLAKE FLETCHER
"Hoy! bat ba kasi tayo sumunod sa kanila?! naghihintay na ang mga babae sa acad-Hi, girls!" tiningnan ko ng masama si Logan , tignan mo ang playboy na 'to, may dumaan lang na mga babae todo pagwapo na
"Yiiieee! ang gwapo ni kuya!"
Kaya nga kami nagtago para hindi kami makita, nag aagaw atensyon naman ang isang 'to. nasa likod kami ng pader at tiningnan si Elafris na nakabusangot sa paghihintay kay Aiden
"Bakit ba natin sila sinundan? may gusto ka ba kay Elafris?" agad ko siyang binatukan "Gago wala no!"
"Nak ng! ano bang problema mo?!"
"Tss."
ininom ko yung potion na kinuha ko kanina sa lab, sinigurado ko muna na walang nakatingin. Nagbago ang itsura ko kaso 10 minutes lang ang effect nito
"Hoy Fletcher, ano ba kasi ang plano mo?" tanong nung panget na lalaki "Sinisigurado ko na walang masamang balak yung babaeng yan sa atin"
"Hindi ka ba nagtitiwala kay Elafris? mukhang mabait naman siya ah" napatigil at muling binalik ang tingin kay Elafris na pinapatawa ang baby sa kabilang table tapos paglilingon na yung nanay ay mag iiwas tingin siya. bumuntong hininga ako
"hindi naman sa ganon, I just want to make sure. ayoko nang may magdudulot ng g**o sa buong academy" sagot ko at naglakad palapit sa mesa niya, sinulyapan ko muna si Aiden na busy sa pag aantay sa linya
"Hello miss!" agad naman siyang lumingon saakin pero hindi ako pinansin, tumawa ako ng mahina "Okay lang ako miss, di ako mandurukot at wala akong masamang balak"
umupo ako sa upuan na nasa harapan niya at tiningnan siya ng maigi "Sorry, sabi kasi nung mommy ko na hindi makikipag usap sa hindi ko kilala" nakatungo niyang sabi, muntik na akong mapatawa ng malakas, ano siya bata?
"Okay lang, kumusta ka naman?" tiningnan niya ako tapos kumunot ang noo niya "Mukha po ba akong may sakit?" inosente niyang tanong tapos tumingin sa screen ng phone niya tila nananalamin
"pfft." muntik na akong mapatawa ng malakas, agad naman niyang binaling ang atensyon niya saakin "may nakakatawa po ba?"
"W-wala" tumingin ako sa ibang dereksyon, nakita ko si Logan na pasulyap sulyap din sa amin, malapit na siya ngayon at alam kong naririnig niya ang kwentuhan namin
kailangan ko na talagang malaman ang mithiin niya "Ehem" kunyari umubo ako tapos bigla niyang tinawag yung waiter at may binulong, tumango naman yung waiter at umalis
"may kasama ka ba miss?" tumango siya pero hindi nagsalita "marami akong pera, gusto mo bang makipagdate?" takte naman oh! hindi ko alam ang iba pang alibi kaya dinerecho ko na siya
nag isip muna siya, bago ngumiti. nak nang! sinabi ko na nga ba na gold digg- "Okay lang po ako, may pera din ako oh" tapos pinakita niya saakin yung laman ng wallet niya
ang tanga rin ng babaeng to, ipakita ba naman sa isang estranghero ang laman ng wallet niya?! paano kung itakbo ko yan?!
"may kotche ako" biglang nagliwanag ang mukha niya, sabi na nga ba! lahat ng babae ay gusto ang lalaking may kotche kahit panget pa yan! pare pareho lang sila! "Anong klaseng kotche po?"
"Mansory Carbonado GT" nagtiim ang bagang ko, I can't believe this. pinakita ko din yung picture ng kotche at mukhang naamaze siya "Magkano naman po ang bili mo don?" siguro, tinatanong niya yon para tingnan kung gaano ako kayaman para makabili ng ganoong kotche
huminga ako ng malalim bago sagutin ang tanong niya, sumulyap ako kay Logan at ganon din ang reaksyon niya, dismayado.
" 2 million dollars" kumunot ang noo niya at may kung anong kinuha sa bag, tiningnan ko tapos nakita ang isang notepad at ballpen, nagsimula na siyang magsulat
ilang minuto na nag lumipas at sinulyapan ko si Aiden, mahaba haba ang pila kaya matatagalan siya kaya nagtaka ako at kumunot ang noo ko "Miss, ano ang ginagawa mo?"
"Hmm? ah ito?" tapos pinakita niya saakin ang papel na maraming nakasulat na numero "kinacalculate ko lang kung ilang years ako kailangang mag ipon para sa kotche na yan, gusto ko din nga ganyan"
parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa narinig ko "H-hindi mo ba gustong makipagdate o sumama sa akin dahil may kotche ako? kaya kong ibigay yun sayo"
tumingin siya saakin at ngumiti ng pagkatamis tamis "para sayo po madaling ibigay yun pero para sa akin hindi po tama yun, sabi ni mommy mas mataas ang halaga ng isang bagay pag pinaghirapan mo, masasabi mo na 'Ah! ito pala yung pinaghirapan ko, worth talaga lahat ng pawis ko'. ayokong makuha ang isang bagay na hindi ko pinaghirapan, masayang makakuha ng ganon kadali pero panandalian lang ang kasiyahan na yon"
bago pa ako makapagsalita ay may dumating na waiter "Ma'am here's your water"
"salamat po!" kinuha niya yung tubig at ngumiti saakin "Kuya, tubig oh. inuubo ka kasi kanina"
"Who are you?" mabilis akong yumuko at mabilis na umalis nung narinig ko yung boses ni Aiden. mahirap na at baka magalit payun, ayaw pa naman nun na pinakikialaman ang mga bagay bagay
nung makalabas na kami ng mall ay agad akong binatukan ni Hollows "Adik ka! ano bang ginawa ko sayo?!" bulyaw ko sa kanya at hinimas ang batok ko
"Shunga ka ba?! When I say Vindea and Safiara Academy I think lots of money!" He said sarcastically, napapikit ako sa lakas ng boses niya "sira ka ba? sa tingin mo pera lang ang habol ni Elafris sa atin kaya siya pumunta sa academy?!"
ngumuso ako "Sorry naman! akala ko kasi ginamit lang niya si Kaylie para mapalapit sa atin, you know fangirl problems"
"Kung sa bagay nga naman" sabi ni Hollows sabay himas ng baba niya habang nakatingin sa malayo, takte naman kasi eh! mahirap na pag may pogi problems. ngumisi ako pero biglang nawala
"dang she's cute"
"hoy fletcher, may sinabi ka?"
"wala uy"
KAYLIE HOLLOWS
"Hoy Phantom, nakita mo ba sina kuya at Elafris?" tanong ko kay Ash na naglalaro ng xbox "pumunta yata sa human world para bumili ng regalo para sa birthday ni tita Lean" sagot niya ng hindi tumitingin, pero bakit ganon? ang gwapo niya
Crush ko si Ash, Oo pero ako lang nakakaalam, ayokong malaman ng iba dahil mahirap na. "Sina Kuya?"
"Mukha ba akong hanapan ng mga nawawala?" kunot noo niyang tanong, sumimangot ako "Oo, mukha kang manong sa lost and found"
inirapan ko at at tumalikod pagkatapos ay padabog na umalis pero bago pa ako makaakyat ay tinawag niya ako "Ano?!" inis kong sagot at marahas na lumingon sa kanya
bigla siyang lumapit saakin. siguro mga 1 feet away from me, siyempre nagulat ako! "laro tayo ng xbox? wala sina kuya eh" feeling ko namula ako, yiie inaya ako ni crush
"H-hindi ako marunong!" sabi ko habang nakatingin sa ibang dereksyon "Edi tuturuan! lika na!" hinawakan niya yung kamay ko at iginaya sa upuan, hindi ko maiwasang kiligin. ene beeyeeennn
LADY ELAFRIS HALE
"Who are you?" hala? biglang umalis si Kuyang car at hindi naman lang nagpaalam. nakakatakot kasi 'tong si Aiden eh
"Why were you talking to a stranger?" tanong niya habang inilalagay ang pagkain sa mesa tapos umupo siya sa inupuan nung kuya kanina, napatitig ako sa tubig sayang hindi niya nainom
"Hey, I asked you, why were you talking to a stranger? what did he say to you?" kunot noo niyang tanong, I just shrugged "inalok niya ako na makipagdate tapos bibigyan daw niya ako ng kotse"
"What?!" mabilis kong tinakpan ang bibig niya "Ang ingay mo Aiden! kumain na nga lang tayo! kanina pa ako nagugutom!"
"tss. I was just asking" hindi na ako sumagot at kumain na lamang, hindi din naman siya nagsalita pa, mabibilis na subo ang ginawa namin at hindi kami nag usap. mga gutom eh.
"Hayy salamat! busog narin ako!" sumandal ako ng upuan and patted my tummy, tiningnan lang ako ni Aiden na para bang nandidiri
"What is the purpose of your face?" napatawa ako. ang cute nung sinabi ko, kinuha ko mula sa movie na Home yung may mga alien na parang mga pusit.
"How can a lady be like that? you should sit straight and have poise like the other girls, you aren't even conscious that a guy is right in front of you?" nag shrug nalang ako at ngumisi "You don't seem to be a guy to me"
nanlaki ang mga mata niya at binigyan ako ng matalim na tingin "Shut it Lady" I just rolled my eyes at tumingin sa relo ko
"Omyghad! 6:30 na Aiden! kailangan na nating makabalik ng academy!" napatayo ako, pero relax lang yung mukha niya "Okay" tumayo siya kaya sumunod na ako
"may naisip ka na ba?" tanong ko, mukha kasing may mararating na kami ngayon eh "Yeah."
"Ano yung ibibigay mo?" tanong ko sa kanya "I'll just know when we get there" as if on cue, pumasok kami sa isang jewelry shop
"Alahas?"
"Yeah"
lumapit saamin ang isang saleslady "good evening, madam, sir. how may I help you?" sumama si Aiden sa saleslady habang ako naman ay maglilibot libot lang muna. may nahagilap ang mga mata ko, magandang necklace na may raindrop na pendant, bagay sakin kasi water yung ability ko.
bagay kaya 'to saakin pag nasuot ko na? I just looked at it. "Hey woman!" lumingon ako kay Aiden na lumapit saakin tapos pinakita yung necklace na ibibigay sa mommy niya
"Is it okay?" nerbyos niyang tanong, bracelet na may nakaengrave na 'to my loving mom' ngumiti ako "It's not okay"
"Wha-"
"It's perfect" nakahinga din siya ng malalim at naglakad na kami palabas nung store, nung malapit na kami sa exit ay napatigil siya "Wait, I have something to do, wait for me"
hindi na ako nakapagtanong dahil mabilis siyang tumakbo, I looked around at nakitang marami ang nakatingin saakin so I just stood there awkwardly, paminsan minsan ay kinukuha ko yung phone ko para hindi masyadong awkward.
nakita ko siyang bumalik at hingal na hingal "Oh, san ka galing?" umiling siya at naglakad kaya sumunod nalang ako
habang naglalakad kami ay may nakita akong isa pang supot, ano kaya yung nasa loob niyan? bring home?
-----
END