LOGAN HOLLOWS
Sa lahat ng lugar na pwedeng gawing tambayan, bakit dito pa sa cafeteria?! Alam naman nila na maraming naghahabol saakin pero pinipilit parin nila! tsk tsk
"Matagal pa daw ba?" tanong bigla ni Ash na nasa tabi ko, lumapit ako sa kanya at nginisian "Bakit? miss mo na ba yung kapatid ko ha?"
kumunot bigla yung noo niya, aba halatang halata kaya na may gusto siya sa kapatid ko! wag na niyang ideny. okay naman ako pero saktan lang niya at makikita niya ang impyerno
"Pinagsasabi mo kuya?"
"Wag ka mo nang ideny, halata naman talaga eh"
"tumahimik ka nga"
"sinasabi mong tumahimik ako kasi totoo?"
"Ewan ko sayo"
"Would you two just shut up?" lumingon ako kay Aiden na inis na nakatingin sa labas ng cafeteria, ngumisi ulit ako at lumapit sa kanya, ang sarap rin netong asarin eh.
Pero bago pa ako makalapit sa kanya ay pinakita niya saakin yung kamay niya na nagliliyab ng itim na apoy
"Don't test me Hollows" napasipol nalang ako at mabilis na tumabi kay Tyler
"Kuya Tyler-"
"I'll rip your head off" pananakot niya habang may hawak na hawak na libro, nakakatakot din to minsan, lalo na pagtinatawag na 'Kuya'
umalis nalang ulit ako, ano ba yan! tinatamad ako! napasalampak nalang ako sa isa pang upuan, tiningnan ko ang mga chikababes na nasa baba at kinawayan ko sila, siyempre nagtilian
pinagawan kami ng second deck ni tita Lean dito sa cafeteria, safety precautions lang daw at hindi kami dapat ang mag iingat kundi sila, pag masyado na kasing maingay naiinis si Flame kaya ayun sunog lahat ng nasa paligid niya, parang si tita Lean lang. I also guess that this could be the perks of being royal.
"Asan na ba kasi sina Elafris?" lumapit sa railings si Blake, hindi ko siya nilingon dahil busy ako sa pagpapagwapo sa mga chikababes ko
"Ewan ko, ba may dinaanan lang" sagot ko, nakita ko sa peripheral vision ko na umiling siya "Nadaanan? eh sino naman yung dadaanan nun eh tayo lang naman ang mga kilala nila"
kung sa bagay, sa totoo lang ay naguiguilty ako na wala silang nagiging kaibigan, para naman sa kanila 'to, prinoprotektahan lang namin sila sa mga taong pwedeng manakit sa kanila
Mahal ko ang kapatid ko at gagawin ko ang lahat para hindi siya masaktan, ganun din naman kay Elafris, kahit baguhan lang yun sa grupo namin hinding-hindi namin hahayaan na may mangyari sa kanya. Mabait naman kasi talaga siya tapos cute pa minsan
pasok siya sa mga type ko pero di ako pumapatol sa mga kaibigan ng kapatid ko.
sila na nga lang ang babae sa grupo namin, why not treat them as princesses? deserve naman nila yun kasi mga baby pa sila.
"Are they still not here yet?!" ayan nanaman ang prinsipe! kahit kailan talaga palaging pikon ang lalaking 'to! hindi naman siya nagmana kay tita Lean! baka nakuha niya kay tito Flame pero mabait naman yun eh.
"Chill lang, malapit na sila nararamdaman ko" bigla biglang sabi ni Jayden na kadadating lang din
"San ka nagpunta?" tanong ni Blake at lumingon sa kanya, napasinghap ako at pinandilatan siya ng mata
"bakit ka nagtatanong? may relasyon ba kayo?!" agad naman nila akong binatukan, nak ng siomai naman oh! tiningnan ko lang sila ng masama Ano ba ang masama sa nagtatanong? tanggap ko parin naman sila kahit na you know.
"Napuno na yata ng hangin ang utak mo kaya kung ano ano nalang ang pinagtatanong mo" pailing-iling na saad ni Jayden habang umiinom ng juice
"Bweset, kailangang mambatok?!"
"kailangang maging tanga?!"
"Tsk."
"Yaaahhhhhh!" lahat kami napalingon sa dalawang babae na parang tanga kung magtatatakbo papasok sa cafeteria na mukhang umiiyak, siyempre nag kick in ang brotherly instincts ko at napatayo para salubungin ang panget kong kapatid na panget kapag umiiyak
"Oh? ano nanaman ang nakita niyo?" nung unang araw kasi nasa library kami para maghanap ng solusyon dahil nagpalit palit ang katawan namin tapos sabi ni Elafris na maghahanap pa daw siya ng libro, bumalik saamin nag iiyak at nagsisigaw, may malaking gagamba daw sa taas ng shelf na pinagkukunan niya ng libro
"Huhuhu. eh kasi, inutusan kami ni prof na ilagay yung mga papel niya sa potion lab tapos sinunod namin" nanginginig na saad ni Elafris na pinapatahan ni Ash
"t-tapos, may nakita kaming magandang potion sa taas ng cabinet tapos nacurious kami at nung aabutin na namin nasagi namin ang isang potion kaya natapon"
kumunot ang noo ko, anong pinagsasabi nila? natapon lang iiyak agad?
"yun lang?"
"Teka lang hindi pa kami tapos eh!" sinigawan ako ni Kaylie kaya napatakip ako ng tenga, tsk. buti pa si Elafris nanginginig at namumutla lang, napatahimik ako.
hindi ko alam kung ano yung mas maganda nagsisigaw na umiiyak o nanginginig tapos namumutla?
"hoy painumin mo nga ng tubig yan, baka madehydrate dahil sa luhang nagsilabasan!" singhal ni Blake, mabilis namang nagsalin ng tubig si Jayden at binigay ito kay Ela.
"Oh tapos?" biglang sabi ni Tyler na kanina pa tahimik pero alam namin na nakikinig.
"Tapos nahulog pala sa lalagyan ng ipis na ginagawang test subjects ang potion. Ang problema nga lang ay hindi ordinaryong potion yun, growing potion yung eh!"
napaface palm nalang ako, sinabi ko na nga bang wag pairalin ang mga curiosity ng dalawang 'to dahil siguradong may panganib.
"Eh asan na yung ipis?" tanong ko, sumigaw naman si Ela at nanginginig na tinuro saamin ang nasa likod. nagsigawan narin ang mga safiaras sa loob ng cafeteria.
Why do we always have to clean up their mess?
--
LADY ELAFRIS HALE
nakatungo lang kami ni Kaylie dahil sinermonan nanaman kami ng magaling naming Headmaster, kasalanan ba namin kung bakit andun yung ipis?! and why did they have to put the pretty potion high above where we can't reach it?! ang unfair!
"sumasakit ang ulo ko sa inyong mga bata kayo" pinaikot niya yung swivel chair niya at pinaglaruan nag ballpen at pinalipad lipad ito
'wala na nga ang mga magulang niyong pasaway pero kayo naman ang pumalit'
may binulong siyang hindi namin masyadong naintindihan kaya tinanong namin pero 'wala' lang yung sinagot niya, nagkaroon ng katahimikan.
"malapit na ang examinations, handa na ba ang mga sarili niyo?" dun unti-unting nanlaki ang mga mata ko, napaangat ako ng tingin just to find na ganun din ang reaction ni Kaylie, oo ng pala, we only have 1 week to train
Ano ba kasi 'to? gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil napakapabaya ko, how can I prove to my mom na okay ang Academy na ito para saakin kung beginner's test palang ay hulog na ako?! napakastupid ko talaga!
napayuko ulit kami at narinig ang pagbuntong hininga ni Headmaster.
"Alam ko na mangyayari at mangyayari yan kaya gumawa ako ng back-up plan. ang gagawin nating paraan ay ang mentor-student basis"
kumunot ang noo ko, napapadalas na yata ang panonood ko ng K-drama dahil ang naiisip ko ngayon ay magiging kapartner ko ay yung taong pinaka ayaw ko.
"And it's not what you think ladies, lahat ng kasali sa blood Empire ay magiging mentor niyo, araw-araw ang training niyo simula ngayong araw na 'to mismo"
may binigay siya saaming tig-iisang folder at sinilip ko kung ano yun. Teka, schedule 'to diba?
"Yan yung schedule niyo, ang pag iiba iba ng mentor niyo ay base sa araw na nakasulat diyan, may 7 days pa kayong natitira, good luck and I hope na makapasa kayo sa padating na exam, you may go now"
nagpasalamat muna kami ni Kaylie bago umalis, nung makalabas na kami ay agad kaming nagtilian, ang bait talaga ni Head Master at binigyan pa kami ng pabuya!
"Yeess! akala ko hindi na ako matututo, buti nalang at may mentor-student basis tayo!" nag apir kami ni Kaylie
"Teka, sino ba yung nasa unahan ng schedule mo?" tanong ko sa kanya, magkaiba kasi kami ng schedule para di hassle.
"Hmmm, Ah! si Kuya Logan, bakit si kuya panget pa?" natawa naman ako bigla "magkamukha kayo Kaylie"
"Ewan ko basta panget siya" tumango nalang ako habang pinipigilan ang tawa, sabay kaming naglakad palabas ng Office pero agad din namang nag iba kami ng daan na tatahakin, papunta ako sa first training ko. Si Tyler
pumasok ako sa loob ng maluwag na gym at nakita siyang nakatayo sa gilid at may dala dalang wushu stick.
"Magwuwushu tayo?" tanong ko nung makalapit ako sa kanya, hindi niya ako sinagot at tumango na lamang. hindi ako nag eenjoy, hindi kasi siya nag sasalita eh.
"mag wa-warm up muna tayo" tahimik niyang saad, sinunod ko lang siya sa mga ginawa niya, buti nalang at nagpatugtog dahil baka di ko makayanan ang nakakabinging katahimikan dito
nagstretching kami, nag jump and jacks, sit ups at inhaling exercises, na eexcite tuloy akong matuto pero may pinagtataka lang ako, bakit kailangang mag wushu kung ability lang naman ang basehan?
"Ang lakas ay hindi lamang nakasalalay sa ability ng isang Safiara kundi pati narin sa physical abilities ng mga 'to, wag na wag kang aasa sa ability mo dahil paniguradong matatalo ka"
sinagot niya ang katanungan sa isip ko na para bang nababasa niya ito, bigla siyang gumawa ng movements kung saan ay napahanga ako, kaya niya pa ngang tumadyak sa hangin at kung ano ano pang exhibitions.
Nung tumigil na siya, lumapit siya saakin, napatalon naman ako dahil sa excitement "magagawa ko rin ba yan Tyler? ha? gaganyan ba ako kagaling in one week?!"
"I started learning wushu when I was 5 so I think it's impossible" medyo nalungkot ako sa sinabi niya pero hindi ako nagpaapekto, I mean nagsisimula palang naman ako diba? kayang kaya ko 'to!
"Okay lang yun, at least matututo ako, hindi ba?" tanong ko sa kanya pagkangat ko ng tingin, nginitian niya ako pero konti lang.
"Bago ang lahat, sa paparating na examinations natin ay base sa mabubunot ni Head Master. Depende ang klase ng test at may limang aspeto lang ito, Ang: Hand-on-hand combat, Wushu, Ability basis at ang dummy style. ang ituturo ko sayo ang Wushu just in case at sa iba mo na malalaman ang tungkol sa ibang aspeto"
"Simula na tayo?" tumango ako, tinuruan niya ako ng mga basics tulad ng pag ilag at pag atake, medyo natuto naman ako. sa katunayan, masaya.
tinuruan niya ako ng mga wushu basics, yung mga stances tulad ng horse stance, bow stance, cat stance tapos yung kicks, inside circle kick, outside circle kick, slap kick at iba iba pa.
"Ngayon, iilagan mo ang bawat atake ko, I won't go easy on you so better focus"
huminga ako ng malalim at inihanda ang sarili ko, we walked in circles with each other dala dala ang wushu stick namin then he began to attack
"Ow!"
"Aw!"
"Ha!"
Hinampas niya ako galing sa likod kaya medyo natumba ako, hinampas niya ulit ako sa may balikat, naiinis ako kasi mahirap makaiwas, masyadong mabilis ang mga galaw niya.
Medyo nangangalay na ang katawan ko galing sa mga hampas na natatamo ko, lilinlangin na sana niya ako sa pag aatake galing sa likod pero nakita ko ang galaw ng may mata niya kaya mabilis akong nakailag at hinampas ang wushu stick sa kanya
"Hahahaha!" napatawa ako sa kasiyahan dahil pinaka first ko iyon "Aray!" agad akong natumba sa lakas ng impact, tiningnan ko siya ng masama
"never let your guard down"
Hindi ko na siya sinagot at iniabot na lamang niya saakin ang kanyang kamay, tinanggap ko yun. Tinayo niya ako at pumunta sa bench at naupo
"Mahina ka pa but you're learning pretty fast so it won't be a problem" tinanguan ko siya at uminom kami ng tubig, narinig ko naman ang pag ring ng cellphone ko, agad ko naman itong sinagot
"Hello?"
"Where are you?" napakunot ang noo ko, kilala ko yung boses pero hindi nakasave yung number niya sa phone ko
"Aiden? bat ka tumawag?"
"I asked, where are you?"
"Nasa gym kasama si Ty-"
"Aba bastos 'to ah!" singhal ko pagkatapos niya akong babaan ng telepono, ang rude niya talaga promise! kakabanas 'to, bumalik lang kami sa dati nbaming katawan ay nagsusungit na!
"Masanay ka na, pinaglihi yata yan sa ampalaya" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Tyler "Ampalaya?"
"Oo, bitter yung ampalaya diba? hahahaha! gets mo? kakatawa kaya yun! hahahaha"
~DEAD AIR
joke ba yun? parang hindi naman nakakatawa ah? tatawa ba ako? baka kasi siya mapahiya pero hindi talaga ako natatawa eh, ang korny sobra. Tumawa ako ng alanganin at napansin niya siguro ito. bumuntong hininga siya at yumuko, hinilot din niya yung sentido niya
"It was a joke, you were supposed to laugh." dismayado niyang saad, I felt bad kaya tumawa ako
"ha ha ha ha" gusto ko yung hindi halata na fake na tawa pero iba yung lumabas sa bibig ko, tiningnan niya ako at ngumuso
"now you're making it more awkward" umiwas siyang tingin, napatawa tuloy ako ng malakas
"And now you're making fun of me!" he said disbelievingly, huminga muna ako ng malalim "E-eh kasi naman, natatawa ako sa kakornyhan mo tapos first time kitang marinig magjoke! hahahahah!"
hindi ako makaget over sa kanya, hindi ko akalain na yung tulad niya ay magjojoke ng ganun kakorny omygawd haha!
"Ang sama mo"
"Hindi naman sa ganun. pft."
"Don't you dare start" hindi na ako makahinga sa pagpipigil ng tawa, grabe naman talaga ang isang 'to!
"S-sige, ganito nalang, pag makaisip ka na ng joke na hindi korny, sabihin mo tapos babawi ako sa pangdedeadma ko sayo ngayon hahaha, I'm so sorry di ko talaga ma hold in!" tapos tumawa ulit ako, yung tipong nawawalan ka na ng hininga? ganun yung katawa ko ngayon
dun lang kami napatigil nung bumukas yung pintuan sa gym at niluwa si Aiden na nakabusangot, nagmartsa siya palapit saamin
"Anong problema niya?" pabulong na tanong saakin ng katabi ko, I shrugged "ewan ko sa kanya"
"may ginawa ka nanaman ba?" tiningnan ko siya ng nakakunot noo "Wala no! anong tingin mo saakin ganun ka tanga?!" hindi niya ako sinagot at nagsmirk lang
"Wow. talking about a person when he's infront of them!" dahan dahan kaming lumingon sa kanya
"May kailangan ka?" tiningnan lang niya ako ng masama at kinagat ang labi niya na para bang nahihiya "Oy, may kailangan ka ba?"
"I-I" the heck?! why is he stammering?! "I have a favor to ask"
kumunot ang noo ko, ano nanaman ba 'to?! nung una kasi sa kalagitnaan ng gabi binulabog niya ako sa kwarto mag papatimpla lang pala ng gatas.
"I need you to come with me, my mom's birthday is coming soon and I need to buy something for her" walang tigil niyang sabi pero sa iba siya nakatingin
"Ay oo nga pala, malapit na yung birthday ni tita Lean!" nakalimutan kong may Tyler pa pala kaya medyo nagulat ako nung nagsalita siya, na awe-struck kasi ako nung marinig ko yung favor niya, biglang namula yung pisngi niya
wow ha? may ganitong side pala ang Aiden na 'to?!
"I did not choose you, It's just that I had no choice because Kaylie will just spill it out and blabber all about it and mom will know, don't be too flattered"
dagdag niya habang nakaiwas tingin parin, okay na sana eh, maganda na kaso wala siyang choice?! like what the hell?! nakakahiya naman sa kanya eh lalapitan lang niya ako pag wala siya choice, wow! ikaw na te!
"Ayoko"
kumunot ang noo niya sa sinabi ko, tinaasan ko lang siya ng kilay
"Why?"
"Find someone else, hindi ako available"
"But you and Kaylie are the only girls I know!"
"makipagkaibigan ka!"
"No way! they will only annoy me!"
"Edi wag!"
"C'mon! please?!" bahala siya, hinding hindi ako magpapauto sa kanya! anong akala niya saakin easy to ge-
"I'll buy you any food you want!"
"Deal"
"Tsk. bunch of kids"
"TUMAHIMIK KA TY!"
--------------------------------------------------------------
END