LADY ELAFRIS HALE
I woke up with a pounding headache. dahan dahan akong umupo habang hawak ang ulo ko, I hissed at the pain. para itong paulit ulit na pinupukpok. What happened last night?
I froze when realization hit me. bumilis ang t***k ng puso ko at nagsimulang manginig ang mga kamay ko, sana lahat ng nangyari kagabi ay hindi lang imahinasyon. mabilis kong kinuha ang backpack ko at kinuha ang Book of Fate sa loob nito. Binuksan ko ang libro.
"oh god."
Biglang bumaba yung zipper ng tent at pumasok si Kaylie, bagong ligo.
"Oh Ela, gising ka na pala. lika na at kakain na daw" sabi niya habang nilalagay sa loob ng bag ang damit na ginamit niya kahapon "Thank God at nakaligo na rin ako. bilisan mo na at maligo ka na rin" tumigil siya nung napansin niyang hindi ako kumikibo.
"Oh, ayos ka lang ba? bat hindi ka nagsasalita?"
"K-kaylie. yung l-libro" Sabi ko habang dahan-dahang inaangat ang ulo ko para tumingin sa kanya. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa libro at saakin.
"Bakit? anong meron sa libro?" she asked with a concerned voice
imbis na magsalita ay binigay ko nalang sa kanya ang libro, tiningnan niya ito ng maigi at dahan-dahang nanlaki ang mga mata. mabilis niya itong isinara at tiningnan ako
"We need to let them know! quick!"
"teka! di pa ako naliligo!"
"Hindi yan ang importante ngayon! we finally have a clue! We can finally save mom, dad and the others!" sigaw niya na para bang ito ang pinakamagandang nangyari sa kanya.
Lumabas kaming dalawa, hila-hila niya ako. tumakbo kami papunta sa malaking mesa na puno ng pagkain, they were already eating out in the open that is. the boys were there too.
"What are you doing?" tanong saamin ni Tyler. tiningnan nila kami ni Kaylie na para bang may sira kami sa utak. "No need to run, maraming pa namang pagkain."
pakiramdam ko ay namula ako ng husto, halos lahat rin ng nasa hapagkainan ay nakatingin saamin. "Shut up kuya! That's not it! importante ang sasabihin ko!" pagalit na sabi ni Kaylie. tumingin si Logan saakin mula sa taas pababa.
"Importante ba yan masyado na pumunta kayo dito ng nakapaa at mukhang mula sa gera?"
tiningnan ko ang mga paa ko na walang saplot, hinawakan ko din ang buhok kong nagkakalat, kinapa ko rin ang mukha ko kung naglaway ba ako habang natutulog. Hindi ko alam kung bakit pero tumingin ako sa gawi ni Aiden na nakatingin lang ng blanko saamin.
pakiramdam ko tumaas lahat ng dugo ko papunta sa mukha ko dahil sa sobrang hiya, lupa kainin mo na ako ngayon! hindi ko na nakayanan ang hiya at tumakbo ako pabalik ng tent.
--
"When did this appear?" tanong ni Aiden saakin, hindi ako makatingin sa mukha niya. Nahihiya parin ako sa nangyari kagabi tapos kanina. "K-kanina lang, nung binuksan ko ito."
I lied
Nasa loob kami ng bahay na gawa sa kahoy at nipa na nagsisilbing meeting hall at lalagyan ng mga armas nila Levos, maliit lamang ito pero kasya naman kami. May malalaking bintana na nagsisilbing daanan ng ilaw at may tamang laki ng mesa sa gitna na gawa rin sa kahoy pero napansin kong may mga guhit ito ng mga maliliit na simbolo.
Nakapatong ang libro sa gitna ng mesa at nakapalibot kaming lahat dito, maigi namin itong tinitingnan.
"ano ba ang ibig sabihin ng Deux Dregory? Is it some sort of language? or spell?" biglaang tanong ni Ash. Dalawang salita lang ang nakasulat sa libro at hindi rin namin alam kung ano ito so in the end its still kind of useless.
Deux Dregory
Biglang nawala ang lahat at nasa gitna na ako ng kagubatan, tall trees were everywhere at nararamdaman ko ang paghampas ng malamig na hangin sa mukha ko. Tumatakbo ako na para bang hinahabol, and then there was someone holding my hand. Nakasuot siya ng cloak and I was wearing one too, napansin kong napaka liit ko, tiningnan ko ang mga kamay ko, they were the size of a child's hand.
I looked up to see who was dragging me in the woods pero portion lang ng mukha niya yung nakikita ko but it did not prevent me from knowing who it was. it was my mom. She looked down on me, her eyes were full of fear, mas bumilis pa ang takbo namin.
"Kailangan nating magmadali, Kailangan nating mahanap si Deux"
Bigla kaming nawala sa gubat and I was all alone, then that person appeared, wearing that usual evil smile. Nasa gitna kami ng kadiliman and only the two of us are present
"Long time no see, Elafris" parang may lason ang bawat salita na sinasabi niya, puno ng puot at pagkagalit. I wished for that person to disappear na hindi na ulit magpakita saakin but that person just seems to keep coming back.
"I see that you agreed to open the secrets of the book. That also means you're willing to accept me into your life." naglakad siya ng mabagal palapit saakin, I wanted to run but my feet were still as if it was glued to the floor. Gusto kong sumigaw, humingi ng tulong but no voice came out. I was just left in the dark, staring at that person.
tumigil siya sa harapan ko, that person leaned unto me, papunta sa tenga ko and whispered with the coldest voice.
"Oh wait, I'm already a part of your life."
"Oy Ela!" bigla ako nagising sa realidad nung nasa harapan ko si Kaylie at hawak hawak ang mga balikat ko "H-ha? ano?"
"What's happening to you? bigla ka nalang natulala at namutla. Ayos la lang ba?" Kaylie asked with a concerned voice. Tumingin ako sa kanila, they were all staring at me.
"A-ayos lang ako. I was just thinking about something." Tumingin ako sa sahig at huminga ng malalim. Iniisip ko yung nangyari, yung sinabi ni mommy.
"Isn't Deux Dregory a person's name?" they all looked at me with puzzled faces "I mean, naisip ko lang 'to ah. parang pangalan siya ng isang tao. I don't know, I was just guessing" I said meekly.
Natahimik ang paligid nung biglang pumalakpak si Ash "Tama! baka nga pangalan yung Deux na yan! baka may alam siya sa spell!"
"We can't be so sure" pahabol ni Jayden. But I'm sure. my mom referred to a person "Hindi natin alam. maybe that phrase is a spell or a place or a thing. It could be anything"
"What could be anything?" biglang pumasok si Levos at tumingin sa libro. Kumunot ang noo niya "Anong ginagawa ng pangalan na yan sa libro?" She sounded scared and confused.
Lahat kami napatingin sa kanya, kilala ba niya ang taong ito? I anticipated to what she was going to say. my mom knew that person at hindi ko rin alam kung ano ang ginagawa namin sa gitna ng gubat para lang mahanap ang taong iyon. Nalilito rin ako, How could my mom know someone from Vindea. Mom never believed in magic and the sort.
How could she be connected into this world?
"Do you know that name?" Tanong ni Aiden. He looked so serious and urgent. tumingin si Levos sa amin at huminga ng malalim, binalik niya ang tingin niya sa unang pahina ng libro.
"This person is famous in this Realm. But specifically, He was a famous wizard in Zaldea bago pa ito sinakop ng Vindora." Lahat kami ay nagulat, kung nagmula ang taong ito sa Zaldea, does that mean he's evil?
"Please tell us more" Panghihingi ng pabor ni Ash. "Well, he was famous for making dangerous spells and potions. Sa sobrang galing niya ay umabot ang pangalan niya sa Vindora that's why I knew him but not personally."
"Pero bakit parang takot ka sakanya?"
"The thing is, gumagawa siya ng spells at potions para sa mga matataas na posisyon o organisasyon o kahit na sinong kaya siyang bayaran ng malaking halaga. The spells and potions are for punishing people, torturing some para magsalita at minsan ay para pumatay in the most painful way. He was known as the untouchable criminal because the authority couldn't put him to the dungeon or simply 'touch' him because aside from people high positions backing him up, He was cruel, evil at kaya ka niyang patayin with a single spell."
If he is that cruel, bakit hinahanap ni mommy? Why was she desperate to bring me to him?
"Buong akala ko ay masayang lugar Vindea, the King and Queen were great" malungkot na sabi ni Blake, ngumiti ng mapait si Levos.
"If they were so great then why do people still suffer?" I felt bad, no terrible. How could she say that infront of the prince? How could she say that knowing that the present and previous King and Queen were family to the people around her? Not to mention she was mocking not only the king and queen of Vindea but also the rulers of the kingdoms within it.
"Hindi ko sinasabing masama silang pinuno, But I just wish they took a closer look to the small villages and parts of Vindea. People are still suffering at wala silang ginagawa. The same goes for the other kingdoms"
Nakakabinging katahimikan ang bumalot saamin, I saw them clenching their fists. I opened my mouth to defend them pero inunahan ako ni Aiden.
"Why is it easy for you to say those words?" His voice was cold as eyes, full of authority. He stood tall and proud
"Our parents did their best to help people like you. They maintained the balance of this world. protected you from harm, sent your kids to the Academy without asking for anything in return, so they will learn and help you in the future. They provided you a place that you could call your own. They helped you rise after the war, They have prevented many wars that could end any race, they made peace between the Lycans and the Vampires and now they live in harmony."
Nagulat ako sa pinakita ni Aiden, This was the first time I saw him like that. tumataas-baba ang dibdib niya dahil sa paghinga. He looked so furious, His eyes were dark like black holes and vine-like tattoos started to appear in every part of his body. His voice was deep and full of rage. Huminga siya ng malalim, trying to calm down.
"Vindea is what it is now because of them. You cannot expect them to help every single one of you if you people cannot even help yourselves first. We can't even have all the time we want just to be with them, that our families would always be complete because they are always busy thinking for what's best for people like you."
That moment, natulala si Levos then smile crept into her face
"Now I see the true blood of the royalty, You my Prince are truly deserving to be our next ruler" A small gasp escaped my lips nung bigla siyang lumuhod gamit ang isang tuhod while supporting the other, she showed respect.
"Well you should look outside" Ash said with a small voice. Nakita namin sa labas ang mga nakaluhod na mga amazona, they were showing deep respect for the Princes and Princess of Vindea and the kingdoms in it.
So now I feel out of place.
"I am sorry if I agitated you, I was just testing you if you truly care about your parents and the whole place of Vindea."
Tumingin ako sa mga kaibigan kong seryoso ang mga mukha, huminga ako ng malalim, malapit ko nang makalimutan na mga prinsipe at prinsesa pala ang kasama ko, they showed authority at si Aiden ang nangungunahan sa kanila, They were proud. I'm really proud of them.
--
Nagsimula na kami sa paglalakbay. pagkatapos ng nangyari ay agad kaming naghanda para umalis. tinanong namin si Levos kung saan posibleng nagtatago si Deux pero iling ang isinagot niya.
'Hindi ako sigurado pero huli kong narinig ay nakatira siya sa Friar'
"Where is Friar anyway? malayo ba yan? ayokong maabutan tayo ng gabi. I heard there are many wild beasts and creepy things during the night" sabi ni Kaylie na niyayakap ang sarili niya, naglalakad kami ngayon sa tabi ng ilog, ang sabi ni Levos ay sundan lang namin ito hanggang sa marating namin ang isang maliit na village na makakatulong saamin para makapunta sa Friar.
"It says here that we can reach the village within 5 hours of walk then 7-8 hours from there to Friar using a carriage." sabi Tyler habang nakatingin sa mapa. Lumapit ako sa kanya at sumilip, napansin niya sumisilip ako kaya mas binaba niya pa para makita ko ng buo.
"Woah." Napahanga ako sa mapa, pinapakita nito ang buong lugar ng Vindea pero kung tinatapat ni Tyler ang kamay niya sa isang lugar ay lumalaki ito at pinapakita ang itsura ng lugar. May nakasulat din sa gilid kun ilang oras ang paglalakbay, mga creatures na naninirahan dito at iba pang impormasyon na kakailanganin.
"Ano yan?" tanong ko sa asul na bilog na umiilaw, gumagalaw ito dahan dahan palapit sa village na sinasabi ni Tyler "Tayo yan," sagot niya "Pinapakita kung nasaan tayo at kung papunta ba tayo sa tamang dereksyon"
"Ahh"
Makalipas ang dalawang oras ay nagpasya kaming magpahinga. Umupo ako sa isang malaking bato at hinimas ang mga binti kong pagod dahil sa paglalakad. I was never a physically fit person. I'm more like a couch potato, si Kaylie yung active sa sports and she always works out kahit bata palang kami kasama na siya sa soccer team. Mom would encourage me to join pero nung jogging palang sa field nahimatay na ako kaya hindi na ako sumubok ulit. Ngayon lang naman akong napilitan mag work out kasi kailangan para ko mahandle ng mabuti yung ability ko but eh, if I were to choose between training for my ability and couch. I'll choose couch.
nakita ko si Aiden, galing sa ilog. Basa yung buhok at mukha, ginulo niya ang basa niyang buhok and bits of water sprinkled through the air. may tuwalya ding nakalagay palibot ng leeg niya na para bang bago siyang ligo. commercial ba 'to ng shampoo? because I'm convinced enough to buy whatever he's selling. Natauhan ako nung nakatingin siya saakin, mabilis kong kinuha kung ano ang nakalagay sa tabi ko at napasigaw nung may nahawakan akong uod.
mangiyak ngiyak akong tumakbo papunta sa ilog at hinugasan ang kamay ko. Ayoko sa uod pakiramdam ko mamamatay ako kapad nakulong ako sa isang lugar na puro uod ang laman. I mean, they re so squishy and slimy, Iniisip ko palang ay tumatayo a ang balahib ko. Pagkatapos kong maghugas ay tumayo ako at kinuha ang tuwalyang nakahanda sa harap ko pero natigil ako at tiningnan kung sino ang nagbigay ng tuwalya.
Nakatayo sa harapan ko si Aiden at serysong nakatingin saakin. He was just wearing a white plain V neck shirt na nakikita yung neckline niya at itim na jeans. He looked like a handsome vampire with his pale white skin and sharp features, His eyes were the best. They were saying something. pwede siyang model, kung magbubukas ako ng shop siya yung gagawin kong model siguradong yayaman ako kahit gaano kapangit yung mga damit ko.
"What are you thinking about?" boses palang niya parang sasabog na yung puso ko, pogi na nga pati boses pogi pa. ang daya, ako pangit na hindi pa binigyan ng magandang boses kainis.
"Mukha kang bampira" sabi ko nalang, kumunot yung noo niya. "Do I look ugly to you?"
kumunot yung noo ko, gwapo kaya yung mga bampira. Tulad nalang kay Edward sa twilight, crush namin ni Kaylie yun eh.
"Unfortunately, Kung gaano kagwapo si Edward natin, ganun naman kapangit yung mga bampira dito. hindi naman majority pero mabibilang lang yung mga pinagpala" Malungkot at disappointed na sambit ni Kaylie habang nagsusuklay
"Edward? sa twilight yun diba? sabi ko na nga ba fake lang yung edward na yan. wala pa akong nakikitang bampira na may ganoong mukha dito sa Vindea" sabi bigla Blake
"Tapos yung Edward na yun kumikinang pa pagnatatamaan ng araw dito satin nasusunog tapos ang panget tingnan " dagdag ni Logan "May mga pinagpalang bampira pero kung gaano sila kaganda o kagwapo ganun naman yung ikinapanget ng iba nilang kalahi."
"ahh, ganun pala yun." bulong ko sa sarili ko, tumingin uli ako kay Aiden, ang layo naman siya sa definition ng pangit. kung pangit siya eh ano ako?
"Who's Edward?" nagdilim ang mukha ni Aiden nung sinambit niya ang pangalan na iyon. "Is he your suitor?"
"Pfftt" Natawa ako sa sinabi niya, grabe ka Aiden how I wish.
"gago" sabi ni Jayden na pinipilit ang sariling hindi tumawa. Silang lahat kilala si Edward Cullen pero si Aiden hindi. Ah! hindi nga pala pumupunta si Aiden sa Human Realm kasi hindi siya kasama sa Blood Empire.
tiningnan ko siya ng may malulungkot na mata at dahan-dahang umiling, kawawang bata.
"You know what, just abandon him and come to me. Just give in you know, I think you should be thankful enough to have me"
Nanlaki ang mga mata ko at tiningnan siya na para bang nababaliw. Gwapo siya and maybe he has it all but he is being creepy, one moment pinapaalis niya ako sa Vindea tapo bigla-bigla siyang magcoconfess.
"You keep making me think about you all the time. Just give in" kunot noo niyang sabi. Sinabi niya yun na para bang wala lang sa kanya. Hindi lang siya nahiya. I wanted to run. pinagtitinginan kami nila Kaylie na kinikilig at natatawang mga lalaki, gusto kong magtago.
"Y-you should only keep that to y-yourself! you d-dummy" mabilis kong sabi at nagwalk out. He's too honest to the point na kung ano ang nasa isip niya ay sasabihin niya. How could he be so innocent?
"Just give in"
"go away"
"Give in"
"go away and stop following me!"
"Give in"
--
"Malapit na tayo, only 5 minutes left" sabi ni Tyler, we all sighed in relief. taman- tama at pababa na rin ang araw. I just want to sleep. ginugutom narin ako, nmimiss ko tuloy yung masasarap na pagkain nila Levos.
Habang naglalakad kami ay naaninag akong bata na umiiyak sa kalagitnaan ng daan, agad akong tumakbo palapit dito
"Don't!" rinig kong sigaw ng isa sa kanila but it was too late, lumingon ang bata at tumawa ng malakas, namumula ang mga mata nito at may matatalim na ngipin, tinalunan niya ako kaya pareho kaming napahiga. Sumigaw at ginamit kong harang ang bag ko para hindi niya makagat ang mukha ko. Bigla itong naglaho at tinulungan akong tumayo ni Ash.
tumakbo ako papunta kay Kaylie na nasa likod ni Jayden.They are all in fighting stances ready to face whatever that thing is.
"rogue"
sambit ni Blake, dahan-dahang tumayo ang bata sa malayong distansya at tumingin saamin, ngayon ko lang napansin ang punit punit nitong damit, naglalaway na bibig at malalaking pangil, halos lahat ng ngipin niya ay pangil which made it more creepy. He just stood there and made an ear screeching scream, tinabunan namin ang mga tenga namin dahil sa ingay.
"Tinatawag niya ang mga kasama niya!" sigaw ni Jayden. Tumakbo palapit Tyler sa Rogue habang nagshishift, he turned into a black wolf that is five time larger than he originally was in human form. Kinagat niya ang ulo rogue at pinunit ito mula sa katawan. blood splattered everywhere and everything was silent, strangely silent.
I covered my mouth to hide my whimper. May narinig kaming kaluskos mula sa mga puno.
"They're coming"
Logan's fist turned into huge demon-like hand with long and sharp claws, vine-like tattoos were also showing in his arms, si Blake naman ay gumawa ng spear mula sa ice, Aiden has vine-like tattoos again from his arms up to his face, his hands were also emitting fire then his eyes, yung isa niyang mata ay naging itim lahat like a demon. Tyler stood with them, in wolf form.
Jayden and Ash stood beside us, Ash was surrounded by black smoke while Jayden has electric sparks around his body. Kaylie also had vines, it runs in the blood ata. ako naman gumawa ng bow and arrow gamit ang tubig.
May nagsitalunan at takbuhan na mga rogues mula sa gubat papunta saamin, they were all shouting and wild. They were crazy as if their humanity was wiped away from them. The fight began with Tyler jumping in the air catching 3 or more rogues in his mouth and killing it violently. Many jumped at his back but he just shook them off, habang parami parami ang pumupunta sa kanya ay tinulungan siya ni Blake na hinahagis ang mga ice spear na paulit ulit niyang ginagawa.
Ash was just standing still, his eyes were the color of gray at sa harapan niya ay rogue na pinapatay ang iba niyang kasamahan. He made them kill each other with his body manipulation ability. Jayden made a whip out of electricity which encircled the rogue's body while electrifying it. Aiden was also standing still pero pag may nagtatankang lumapit within 1 meter ay nagiging abo. Kaylie was also making little fire bullets and throwing it at the rogues, tumutulong rin naman ako gamit ang palaso ko na gawa mula sa tubig, Kaylie and I could help just as much.
Busy ako masyado sa pagtitira ng mga rogues na nagtatangkang lumapit sa kanila, I was more of a back up for them. "Parami lang sila ng parami!" sigaw ni Kaylie, unti-unti kaming napapagod dahil parang hindi maubos-ubos ang mga rogue. Nararamdaman ko rin na nangangalay na ang mga braso ko sa walang tigil na pagkakawala ng mga palaso.
I heard Aiden curse under his breathe while he was making any rogue within his sight turn into ash. "Tyler gather them! Jayden, put up a barrier!"
"Gago sigurado ka ba?!" Sigaw ni Jayden, Tyler growled and ran, he picked up Blake and Logan, fast but gently. Nilagay niya ang dalawa sa gilid namin "Baka mo sunugin ang buong gubat!" dagdag pa niya
"Well do you want to get fcking eaten by filthy rogues?!" galit na sigaw niya not breaking eye contact with the rogues. Jayden cursed, Tyler turned back into a human at binigyan agad siya ni Blake ng robe. so that's why he always has a robe with him.
May kinuha na potion si Jayden mula sa bag and poured it around us, maya-maya ay nagkaroon ng glass na umabot sa taas at gumawa ng dome with us in it.
"Okay na!" sigaw ni Jayden, tumango si Aiden at tumayo sa harapan ko, I was in the middle front. Aiden was infront of me with the barrier in the middle, his features softened as he saw me.
"T-teka, bakit tayo lang yung nasa loob? S-si Aiden?" I started to panic, ano yun? isasacrifice ba si Aiden para kainin ng mga rogues?
"Chill, he won't get himself killed" sagot ni Tyler. Tumingin ulit ako kay Aiden, I'm worried. please don't die.
"Give in" hindi ko narinig ang boses niya pero nabasa ko ang mga labi niya. Takte ka, sana kainin ka ng rogue jusko.
"Wag mong sunugin yung gubat gago ka, kontrolin mo yang ability mo!" sigaw ni Blake mula sa likod. Bigla siyang tumalon papunta kay Ash nung may lumitaw na rogue sa labas ng pwesto niya.
"Coward" bulong ni Jayden. I can see that he's worried, may mangyayari bang masama? "Jayden, natatakot ka rin ba para kay Aiden?" bulong ko sa kanya
He smirked at me "Hindi ako natatakot para sa kanya, natatakot ako para sa mga rogue, sa gubat at pati narin saakin." bulong niya pabalik, nalito ako sa sinabi niya.
Lumingon ako kay Aiden nung umapoy ang buo niyang katawan
"Nasusunog ka!" sigaw ko bago tinakpan ni Tyler ang mga mata ko mula sa likod. nagkaroon ng matagal na katahimikan. Maraming katanungan ang tumatakbo sa isip ko, biglang uminit ang paligid nasusunog rin ba kami?!
marahas kong tinanggal ang mga kamay na nakatakip sa mga mata ko, gusto kong tingnan kung nasusunog kami. Pero imbis na apoy ang nakita ko ay sunog na kapaligiran, yung gubat malaking parte ang nasunog. nawala na ang barrier at nakatayo si Aiden sa harapan namin, completely fine. There is no rogue to be seen.
"S-so, yung init kanina galing sa kanya?" tanong ko, tumango lang si Kaylie. "Infairness, hindi na ganun kalala, nag improve ka 'pre" sabi ni Blake habang tinatapik ang balikat ni Aiden.
"may mas malala pa dito?" gulat kong tanong "kung tulad ng dati siguro wala ka nang nakikitang puno ngayon" natatawang sagot ni Ash. ganun siya kalala?
nagpahinga kami at pagkatapos ay naghanda na kami para magpatuloy sa maglalakbay nung nahulog yung tumbler ko at gumulong palayo
"Teka, kunin ko lang yun" paalam ko, mukhang hindi naman nila napansin dahil busy din sila na paghahanda. pagkapulot ko ay parang may naramdaman akong dumaan sa likod ko, paglingon ko wala naman.
naglakad ako palapit sa kanila. Nagkatinginan kami ni Aiden, biglang nanlaki ang mga mata niya ang huli kong natandaan ay sumigaw ako ng may humapit sa beywang ko at tinakbo ako palayo sa kanila.
--
END