sss

2646 Words
LADY ELAFRIS HALE I woke up with the smell of burnt wood. dahan dahan kong minulat ang mga mata ko only to see that we fell asleep on the ground full of dried leaves.  nag adjust ang paningin ko dahil sa pagtama ng sinag ng araw sa mukha ko. umupo ako at pinagmasdan ang paligid The remains of the bonfire that Aiden made was still there.  We were still here, with the same situation. buong akala ko isang masamang panaginip lang ang lahat. na pagkagising ko ay babalik ang lahat sa normal. Warmth enveloped me nung makita ko ang jacket na nagsilbing kumot habang natutulog ako. dahan dahan ko itong tinanggal at pinagmasdan. Kay Aiden 'to ah? kung nasa akin ang jacket niya ibig sabihin--  Nilibot ko ang paningin ko at hinanap ang may ari ng jacket at don ko siya nakita, nakasandig sa ilalim ng puno, dahan dahan akong lumapit trying my best not to make any noise. umupo ako sa tabi niya, looking at his face made my stomach churn and I don't know why, his facial features already spell the word perfect. I bit my lip as I put the jacket over him, slowly and gently trying very hard not to wake him up. pero nung time na makaabot ang kamay ko sa may balikat niya ay bigla niyang minulat ang mga mata niya. natigilan ako at tumitig sa mga mata niya. confusion was written all over his face. Hindi ko napansin kung gaano katagal kami nagtitigan at kung gaano kalapit ang mukha ko sa mukha niya.  Ako na mismo ang lumayo pero bigla niyang hinawakan ang pulsohan ko at hinatak ako palapit sa kanya, I was once again drowned by his stare. His eyes were telling something pero di niya ito masabi, his eyes were jet Black that shouted danger but I saw warmth in it. was I just hallucinating?  Muli kong binawi ang kamay ko at tumayo, I just stared at my feet dahil pakiramdam ko'y namumula ako and my heart pounded like crazy, nahirapan akong huminga still overwhelmed by the unfamiliar feeling. "A-ano, s-salamat sa pagpapahiram, binabalik ko lang sana yan sayo." pagkatapos kong magsalita ay agad akong pumunta kung saan sila Kaylie natutulog, hinanap ko ang bag ko at kumuha ng tubig na maiinom.  Then it hit me. Agad kong hinanap kung nasaan si Tyler, tiningnan ko yung pwesto kung saan siya kagabi pero wala siya dun, tiningnan oko din kung nasa tabi ba siya ng kung sino sa mga kaibigan namin pero wala.  Agad akong lumapit kay Ash at ginising siya. "Gising Ash! Si Tyler nawawala!" taranta kong sabi sa kanya.  "Ano? sinong nawawala?" tanong ni Logan na kagigising palang din, magulo ang buhok at walang suot pang itaas. "Si Tyler nga! Nawawala si Tyler! kailangan natin siyang hanapin!" dinukot ko din ang pinakamalapit na damit sa paningin ko at tinapon ito sa kanya. "Magdamit ka nga, ang lamig lamig na nga klima oh!" Ginising namin ang iba naming kaibigan at nagsimulang maghanap. Mahirap ang ginagawa namin lalo nat hindi namin magawang gamitin ang ability namin sa ganitong kasikip na lugar. There are tall trees everywhere at baka may mabulabog kaming mga creatures na naninirahan sa lugar na ito. Not to mention na hindi namin alam ang lugar which makes it harder to find him. "Hush." napatigil kaming lahat dahil sa pagtigil ni Kaylie. "May nararamdaman ako" We became alert the moment Kaylie said that. Pinagmasdan namin ang paligid ng biglang may isang palaso na lumipad sa dereksyon ko. Buti nalang at hindi ako nito natamaan, sunod sunod na nagliparan ang mga palaso kaya mabilis din kaming umilag.  We used our abilities to survive hoping na wala kaming masira na kahit ano sa gubat na iyon. We respect nature's balance they kept attacking us pero parang may mali. Yung mga attake nila ay hindi ganon katindi, parang sinasadya nilang hindi kami tamaan. It's like there is something deeper happening in the situation. Then it hit me. Arrows, trees, forest. We are dealing with the amazons. napag aralan namin ito sa Academy dati and they hunt down ability users to use as slaves. Since wala silang abilities, They only use their superhuman strength in hunting and surviving. Alam kong by now narealize na ito ng mga kasamahan ko We quickly dodged the attacks carefully, with our abilities trying not to hurt the amazons. Sabi kasi ni Prof Alycia na kahit sila ganon, they are just abiding by the law of nature. Amazons are illiterate at nadadala lamang sa kanilang mga instincts. Just like how humans create new technology in the human world to make things easier for them, amazons find ability users na makakatulong sa kanila.. Habang tumatalon at tumatakbo sa gubat, dahan dahan kaming lumalapit sa isat-isa. Isa kasi sa mga paraan ng mga sss para madakip ang mga ability users ay pinapalayo nila ito sa isat isa at pagtutulungan but we knew this and did the other way.  "Right at that dead tree!" sigaw ni Kaylie. I guess she got that keen sight from her dad. Mataas na talon ang ginawa ni Ash papunta sa patay na puno, andun kasi ang leader ng mga amazons and the best way to defeat an army is through their leader. Pinaulanan kami ng mga palaso habang palapit at palapit kami naiilagan namin pero minsan ginagawa itog yelo at nahuhulog sa lupa. We arrived at the tree, tinangka pang tumakas nung leader pero agad itong nahawakan ni Aiden. "Try and we kill her" sabi ni Blake habang lumalapit kay Aiden at sa babaeng Amazona. gumawa ito ng Ice sword at tinutok sa leeg nung leader.  Hindi maintindihan ng mga amazona ang sinasabi namin pero agad nilang nakuha ang ibig naming sabihin.  Biglang may sinabi ang babae sa kanilang lingwahe na siya nakapagpatigil at kalma sa mga amazonang nakapaligid saamin. "Nasan siya?" Tanong ni Ash. "Hindi ko alam ang sinasabi niyo" nagulat ako dahil naintindihan at nakapagsalita siya ng wika namin. Sabagay leader siya kaya baka ganyan kalawak ang kaalaman niya. "Nasan siya?"tanong ulit ni Ash pero may diin na ngayon.nalito muna pero mukhang may naalala ang babae at bumuntong hininga ito "Sumunod kayo saakin" "paano ka namin mapagkakatiwalaan?" "The wolf boy is the one you're looking for right? Well, his people are taking refugee in my home." -- Habang naglalakad kami, narating namin ang tagong tribo sa tagong parte ng gubat, pagabi na at kitang kita ang malaking apoy ng bonfire sa tribo, narating namin ito at nakita ang malawak na lugar. may mga batang nagtatakbuhan, mga nagsasayaw sa paligid ng malaking apoy, mga taong nagpapatunog ng instrumento, malaking handaan. It looks like a happy place. Bigla kong naalala ang dating Packhouse nila Tyler sa malaking apoy. Naalala ko ag mukha niya habang umiiyak at walang magawa, nakahinga ako ng maluwag nung nalaman kong nailigtas ng mga amazona ang mga tao sa pack house bago ito tuluyang maglaho Pagpasok namin sa Tribo, agad na tumigil ang musika, nagtago ang mga bata at mukhang takot ang mga tao. pumunta sa harapan ang babaeng amazona at nagsalita sahindi namin maintindihan na lenggwahe. agad namang nagsilapitang ang mga tao palapit saamin. "Guys?" nahati ang grupo ng mga tao at nakita namin si Tyler, Naiyak ako at patakbong lumapit sa kanya. Hindi mapigilan ng mga mata ko ang pagtulo ng mga luha. Nakahinga ako nga sobrang maluwag nung nakita kong ayos lang ang kaibigan ko. Niyakap ko siya ng pagkahigpit  Sumunod ang iba pa naming mga kaibigan hanggang sa hindi na kami makahinga. Kaylie was still sobbing and the same goes with me. Parang madalas na akong napapaiyak and it's really weird. "A-akala namin may masamang nangyari sayo! nababaliw ka na ba?! wag kang aalis ng basta basta! Hindi mo alam kung gaano mo kami pinag alala! P-paano kung may nangyari sayo?!" Sigaw ko sa kanya, galit na galit ako dahil sa pangambang naramdaman namin. nakatingin lang siya saamin at hindi makapagsalita "P-paano kung hindi ka namin nahanap?!  P-paano kung hindi ka na namin nakita?!" hindi muna siya nagreact pero yumuko din ito at ngumiti "Ang swerte ko sa inyo sobra. pakiramdam ko kakayanin ko ang lahat ng ito dahil sa inyo" ngumiti siya saamin kasabay ng pagpatak ng luha "Gago ang bakla mo" sabi ni Blake sabay suntok sa braso nito. nagtawanan kami -- "I was looking for traces nung nakasalubong ko si Levos, yung leader na nagdala sainyo dito. Siguro namukhaan  niya ako kaya dinala niya ako sito I didn't get the chance to tell kasi nagmadali ako. I needed to see if my people were okay" "Bakit naman di mo naikwento yung tungkol sa mga kaibigan mong naghihintay? yan tuloy napagbantaan pa namin yung amazona tapos habul habulan pa kami sa gubat." reklamo ni Logan habang kumakain ng manok  "Pasensya na, naging busy ako sa pag hehead count ng mga pamilya sa pack house kaya nawala sa isipan ko iyon. Hindi naman ako nag alala sa inyo kasi alam kong kaya niyo na iyon" natahimik kaming lahat at pinakiramdaman lang ang init na nagmumula sa maliit na campfire na napapalibutan namin, para kaming nagcacamping lang. Maingay parin ang tribo dahil nagsasayahan ang mga tao. may nagkakantahan din at nagsasayawan. "99 days nalang ang natitira at alam kong pinaghahanap na tayo ngayon" sabi bigla ni Jayden. namuo ang kalungkutan sa paligid, maski ako ay natahimik. "Wala parin tayong alam dahil wala pang nakasulat sa libro" "Elafris. Kung nahihirapan ka na pwede kang bumalik sa Human Realm, mas ligtas ka doon kaysa dito" sabi ni Blake na nakapagpagulat saakin. nagtinginan silang lahat saakin at naghihintay ng sagot. napangiti ako ng tipid "Siguro kung yung dating ako pa baka matagal na akong umalis dito. Pero hindi na eh" tumawa ako ng mahina habang inaalala lahat ng pinagdaanan namin sa maliit na panahon "Ang bago ko palang. Hindi katulad niyo na mula baby palang magkakakilala na. pero kahit ganon parang ang tagal niyo na akong kilala, parang pamilya narin ang turing ko sa inyo kaya wag na wag kayong mag iisip na iiwan ko kayo." You accepted me when I couldn't accept myself. Natahimik ang paligid pero bigla akong niyakap ni Kaylie ng mahigpit "Ano ba yan, ang drama drama mo hahaha. alam mo naman na mahal na mahal ka namin" napangiti nalang ako at yumakap pabalik.  "Baka gusto ng mga kasamahan mo na sumali saamin. Alam kong malaki ang pinagdadaanan niyo pero pwede bang magpahinga lang muna kayo?" Lumapit at nagtanong si Levos kay Tyler. Nagsitinginan lang kami, tama bang magsaya sa ganitong panahon? "I know that you think it's not right but the future is unpredictable. Marami pa kayong haharapin and I doubt that you'll have happy moments so why not enjoy the little things?" Natamaan ako dun. Marami pa ang mangyayari saamin dahil nagsisimula pa lang ang laban. Tumingin ako sa full moon at mga bituin. Magiging ayos ang lahat "Luna will always be there guiding and protecting us that's why you don't have to be scared. Your parents will lend you the strength that you need" pahabol nito. Luna ang tawag nila sa moon goddess. Sa gabing iyo ay nagkantahan kami at sayawan, festive music was playing at masayang nagpapalit palit ng partner sa pagsayaw, sumasakit ag tiyan ko sa kakata habang nakakasayaw ang mga kaibigan ko, para silang mga siraulo. para kaming nasa ibang bansa dahil sa sayaw na ito.n "Wag kang mag alala Ty, magiging ayos ang lahat" ngisi ko sa kanya, binigyan niya ako ng ngiti at halik sa noo " I'm really glad you came into our life Ella. I really am." ngumiti ako sa kanya "Ako rin, masaya ako at nakilala ko kayo" sumayaw kami hanggang dumating ang oras na ibang tao naman ang makakapareha ko. Napawi ang ngiti ko at tumingin sa ibang dereksyon, pakiramdam ko ay uminit nanaman ang pisngi ko. hinigpitan niya ang hawak sa beywang ko at mas nilapit ang sarili ko sa kanya, hindi ako huminga. too close. "Why do you smile when it's with them then become grumpy with me?" masungit ni tanong ni Aiden habang sinasayaw ako, napatingin ako sa sahig. Parang ano naman 'to, hindi naman lang nakaramdam ng ilang dahil sa titigan session namin kanina. "Hey answer me" "Ano ba, naiilang ako" "Why?" "Anong why, why ka diyan. tumigil ka nga" "Does your heart race and breath hitch when it's with me?" Hindi ako nakasagot dahil sa hiya, fudge ano bang pinagtatanong mo?! mas naiilang at nahihiya ako! "Does your heart skip a beat when your eyes meet mine? Do you smile at the thought of me?" "A-ano bang mga tanong yan Aiden jusko. t-teka" Nakahinga ako ng maluwag nung time na para magchange partners. hahawakan ko an sana yung kamay ng kasunod kong makakasayaw nung hinablot  ako ni Aiden. napakamot nalang yung makakasayaw ko sana. kawawa naman. "H-hoy ano bang ginagawa mo?! change partners na oh!" sabi ko sa kanya habang iniiwasang makita ang mga mata niya. "Why can't you look into my eyes?" "A-anong hindi?!" tumingin ako sa mga mata niya. I knew it was a trap, I shouldn't have looked into those eyes, those black holes. His eyes were so hypnotizing at hindi ko mapigilang mapatitig doon.  Aiden you bewitched me. "When I look at you my heart races, it skips a beat an I feel like an idiot for wanting to be beside you all the fcking time. I hate it when other guys look at you. I can't understand myself. Can you tell me?" Hindi ako nakapagpigil at tumakbo palayo. Pumasok ako sa tent namin ni Kaylie at doon nagkulong. Hinawakan ko ang dibdib ko na sasabog na sa kaba. Hinawakan ko ang mga pisngi ko, It's hotter now! jusko ano ba yung nangyari?! Was that a confession?  I shook my head. Ano ba Elafris yung pinag iisip mo para kang tanga. Pinagtritripan ka lang nun kasi masaya yun na nakikita kang naghihirap! oo tama! Matutulong nalang ako para mas better! tama! Ito yung tamang gawin! "Ano yung tamang gawin?"  "AY CAN YOU TELL ME!" napasigaw ako sa gulat nung pumasok si Kaylie sa tent at humikab. tumabi siya saakin "hoy Elafris ano  yan? nasisiraan ka na ba?" natatawang tanong nito saakin, hindi ko napansin na kinakausap ko na pala sarili ko. nasisiraan na nga yata ako. "W-wala, antok lang 'to" "Psh. may tinatago ka eh" "Wala ngaaa" "Wag ako Ella. malalaman at malalaman ko rin yan hehehe" "Ang creepy mo" "Tulog na ko, good night!" Huminga ako ng malalim at kinuha ang bag ko. tiningnan ko ang Book of Fate. sabi nila ito daw yung sagot pero bakit walang nakasulat? bumuntong hininga ako "Please naman, sabihin mo na saamin kung saan kami magsisimula." Binuksan ko ang libro ng bigla itong umilaw. nagulat ako at gigisingin na sana si Kaylie pero bigla siyang naglaho. Ako anlang yung nandito sa tent. Tiningnan ko uli ang libro, mas lumakas ang liwanag at parang hinihigop ako nito. Nasa Hardin ako, hindi ko alam kung saang hardin pero napakaganda dito. May nakita akong bulaklak na pinaghalo halong kulay pula, itim, dilaw at asul. malaki siya kasinglaki ng dalawang palad ko. Ngayon ko lang ito nakita. "Mama, paglaki ko po punta tayo sa Vindora ah? balita ko po maganda doon" sabi ng isang batang babae sa kanyang ina, malungkot na umiling ang ina sa kanyang anak "Hindi tayo pwede doon kasi hindi tayo doon nabibilang. Maganda naman dito ah? di ka pa nagagandahan sa hardin na ito?" nakangiting sabi ng ina "Nagagandahan po! dito nalang po tayo!"  Hindi ko alam kung bakit may mga luhang tumutulo galing sa mga mata ko gayunding wala naman akong nararamdaman? baka dahil si Mommy at ako ang nakikita ko? pero bakit? wala akong maala na ganito. Naglaho ang mag ina ako nalang ang natira. Nasa kalagitnaan ako ng puting kapaligiran as in puti lang talaga, wala ng iba "You are fated to be the keeper of the book. To have the opportunity to see the future and the past. To make things  happen or not. But beware of the cost it will bring." "T-tulungan mo po akong maligtas ang mga magulang ng mga kaibigan po, para na rin po bumalik sa dati ang lahat." pakikusap ko sa boses "What is it that you want? what you truly want to know? If I tell you will you be ready for the consequences and hardships that you will face?" "Y-yes.  I'll do anything" "Very well then." ------------------- END GUYS SORRY TALAGA KUNG NGAYON LANG! MAHIRAP PO TALAGANG PAGSABAYIN HUHU  Let me know your thoughts through the comments!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD