Curse

3036 Words
BLAKE FLETCHER "Blake gising." "Gising  Blake." "Urrgghhh" dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko nang may naaninag akong hugis ng tao "Blake!" "tngina!" napatalon ako palayo nung makita nag mukha ni Logan na malapit sa mukha ko, hinatak ko ang kumot palapit saakin at tinabunan ang katawan ko "takte naman Logan, pinagnanasaan mo ba ako?!" di ko makapaniwalang tanong, kumunot naman ang noo niya. "I'm crazy for girls dude. kadiri ka." lumayo siya saakin at umupo sa kabilang dulo ng higaan. Nasa pangalawang palapag ako natutulog sa triple deck tapos sa third si Aiden at nasa first naman si Ash na mahimbing na natutulog, sina jayden nasa isa pang triple deck. tapos magkatabi si Elafris at si Kaylie sa malaking higaan na napapaitan ng dalwang triple deck. "Samahan mo kong mag cr" biglang sabi niya, sinamaan ko siya ng tingin "nababakla ka na ba Logan? kaya mo na yang mag isa, wag mo na akong istorbohin" inis kong singhal at nagtalukbong ng kumot "Di ako natatakot, gago ka na ba? di ko alam kung nasan yung cr samahan moko sige na" inis akong napaupo at tiningnan siya ng masama "Arrgghh!" nagpadyak padyak ako at inis na ginulo ang buhok ko. tumalon narin ako pababa at siya nama'y gumamit ng hagdan. "Ano ba yan ang bagal, bilisan mo" inis kong bulong dahil matagal siyang magsuot ng Tshirt at tsinelas. "Kunin mo na rin yung flashlight dun sa gilid" "Blake? san kayo pupunta?" napalingon ako kay Elafris na nakaupo at kinukusot ang mga mata. mukhang nagising siya dahil sa ingay namin ni Logan. takte ang cute. "Sinasamahan ko lang si Logan mag cr. babalik kami agad" sagot ko, tumango siya at humikab "Sige, ingat kayo. balik agad" pagkatapos ay bumalik ulit ng higa.  napailing nalang ako at napangiti. "Oh tapos na ako, leggo"  Paglabas namin ay binati kami ng malamig na simoy ng hangin, pareho kaming napayakap sa aming sarili. "bweset ang lamig" bulong ni Logan, naglakad lakad kami at nadaanan namin ang mga tent, bukod sa mga guard na naglilibot libot na pilit namin pinagtataguan ay wala na kaming iba pang makita na nasa labas, sabagay ay alas tres palang ng umaga. "Gusto ko nang makita sila mommy, naaawa na rin ako kay Kaylie" biglang sabi ni Logan na nakatingin lang sa dinadaanan namin. bigla akong nakaramdam ng lungkot "Ako rin naman. miss ko na yung nanay ko kahit ang sungit nun" huminga si Logan ng malalim habang pinapadyakan ang mga batong nadadaanan niya "Wala rin namang magagawa ang lungkot at luha natin, di naman nun mababalik ang mga magulang natin kaya kailangan talaga nating mahanap ang cure." sumangayon ako kay Logan. Kailangan naming magpalakas para namin sa kanila at sa buong Vindea.  "T-teka, eto na ba yung cr?" tiningnan ko sa Logan na nakatingala, tumingala din ako at nakita ang building na mukhang abandonado, tumingin din ako sa paligid. Mukhang malayo na kami sa mismong Academy. "Ewan. tignan nalang natin" sabi ko at naglakad papasok pero hinigit niya ako "Wag na kaya tayong tumuloy. di nako naiihi, balik nalang tayo" "takte ka pagkatapos nating maglakad ng malayo, tara na at naiihi narin ako" malakas ko siyang hinigit. pagkapasok namin ay mukhang abandonadong bahay, maalikabok din kaya napaubo kaming dalawa. "takte dude, alis na kaya tayo" "Wag ka ngang maginarte, makikigamit lang naman tayo" Pagkatapos ng ilang minuto ay nahanap din namin ang cr at surprisingly malinis yun. pagkatapos namin ay nagpasya na kaming bumalik pero nasa kalagitnaan palang kami ng paglalakad ay nakarinig kami ng mahihinang ingay. Nagkatinginan kaming dalawa at mabilis siyang kumapit saakin "Gago ang bakla mo" sabi ko sabay tulak sa kanya. "I told you already, I go crazy for girls" masungit niyang sagot. Di ko nalang siya pinansin at pilit na hinahanap kung saan nangagaling ang ingay. "Wag mong sabihing hinahanap mo!" di niya makapaniwalang tanong "Shhh. something's off" may kakaiba eh, mukhang hindi lang kami ang nandito. nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa umabot kami sa isang hagdanang pababa ng basement at mas lumakas ang ingay. "Blake wag na tayong tumulooyyy" pagmamakaawa niya, sinamaan ko siya ng tingin kaya tumahimik, parang hindi lalaki, ang duwag. nung bumaba kami ay may nakita kaming hallway sa isangdungeon? anong ginagawa ng dungeon sa ilalim ng bahay na 'to? "What the actual fck" mura ni Logan, pinatay ko yung flashlight ko since may ilaw naman na galing sa mga torch. "Take Logan sila Prof Alycia!" mabilis akong pumunta kay Logan na nasa harapan ng isang cellar, nakita namin si Miss Alycia na walang malay at mukhang tinorture. nag igting ang bagang ko, sino ang gagawa ng ganitong kahayupan?! naghiwalay kami ni Logan para lang makita na nandirito rin ang iba pa naming mga prof at mga kaibigan nila mommy na nasa matataas na posisyon, akala ko ba higher ups mismo ang gumawa ng organization? naloko ba kami? ano ang plano ng takteng Evania nayon?! "Headmaster!" tarantang sigaw ni Logan at pilit na pumapasok sa isang cellar, mabilis akong lumapit sa kanila, naikuyom ko ang kamao ko nung makita si Headmaster na nanghihina, nakakadena ang mga kamay at paa at mukhang hindi pinapakain ng ilang araw. "Headmaster!" pilit naming tawag ni Logan, dahan dahan siya nagigising at iniangat ang kanyang ulo. nung magtama ang mga mata namin ay nanlaki ang mga mata niya at napuno ng takot. "A-ano ang ginagawa niyo dito?! umalis na kayo at baka maabutan pa nila kayo!" taranta at paos niyang sigaw, takot ang nangingibabaw sa kanyang mga mata. "Huminahon po muna kayo, ano poba yung ginagawa niyo dito?! akala po namin kayo ang nagptayo ng organisasyon!" "W-walang organisasyon! sila ang may pakana ng lahat ng ito! sila din ang dahilan kung bakit nasa ganyang kalagayan ang mga magulang niyo!" Nangkatinginan kami ni Logan at nanginginig na tumingin kay Headmaster. "A-ano po ba ang ibig niyong sabihin?" " simula pa lang ay plinano na nila ito. mula sa pagkakasumpa sa mga magulang niyo at hanggang sa paglusob sa Vindea, planano ang lahat." "Kailangang laman 'to ng mga tao, may chansa kaming lumaban sa kanila." sabi ko pero iling lang ang sinagot niya saamin. "Wag, wag. sa ngayon ay wala pa kayong magagawa, Hawak nila ang mga magulang niyo at papatayin lang nila ang sinumang lumabag sa gusto nila at sa huli ay mapapangunahan ng takot ang mga tao. Mas malakas pa sila sa inaakala natin" "Ano po ba ang magagawa namin?" tanong ni Logan. sa sandaling iyon ay natakot ako, natakot ako sa mangyayari  "A-ang libro. nasa libro ang lahat" "Sinong nandiyan?!" nagulat kami ni Logan nung may nakita kaming anino na pababa ng hagdan at takot na lumingon kay Headmaster "Magtago na kayo bilis!" tumakbo kami ni Logan sa malapit na kanto at dun nagtago. Nakarinig kami ng mga yapak nga paa na mabilis na tumatakbo papunta sa dereksyon namin. Takte, malakas ang kabog ng dibdib ko, kung madakip kami ngayon ay mawawala ang pag asang maligtas namin ang mga magulang namin at ang Vindea. "Tulong! tulong! palabasin niyo kami!" isang boses ang sumigaw, nagsunod sunod na ang kalabog ng mga kulungan at nabigyan kami ni Logan ng pagkakataong tumakas nung pumasok ang mga kawal sa mga kulungan. Habang nasa hagdanan kami ay tumigil ako at lumingon. Nakita ko kung paano sila apihin at maltratuhin, naninikip ang dibdib ko. lalaki ako pero may puso parin naman ako. Gusto kong maluha nung ngumiti saakin ang isa naming prof at sinabing 'umaasa kami sa inyo' habang patuloy silang ginugulpi. pinikit ko na lamang ang mga mata ko tumakbo. bago pa kami makalabas ay may narinig kaming nag-uusap. tumago muna kami sa likod ng mesa at naaninag namin si Evania Grigor at isang lalaking hindi ko maaninag ang mukha dahil nakatalikod ito saamin. "I really hate those kids. They get on my nerve every time" Inis niyang singhal sa kausap niya, teka. Kami ba ang tinutukoy niya? "Did you see her? nasakanya ba ang libro?" "I'm not so sure yet. those petty kids made a deal with me at ang kapalit ay ang libro" "And you're going to fulfill that deal?" "Am I that pathetic? hawak ko ang mga magulang nila. they don't have the right" "Anong gagawin mo pag nalaman nila? baka magkagulo ng dahil sa kanila." "they won't, I will shut them up before they do." Wala silang balak na sundin ang usapan? kailangan na talaga naming makatakas bago pa nila kami madakip.  LADY ELAFRIS HALE "Bilisan niyo at baka maabutan pa tayo!" pabulong na sigaw ni  Blake samin habang sumisilip sa labas "dalhin niyo ang yung mga importante." tapos na akong maghanda dahil konti lang naman ang gamit na natira sakin after magiba yung Academy kaya nagpasya akong tulungan ang iba pa naming mga kaibigan. Lumapit ako kay Aiden na mabagal kumilos at tinulungan siya mag empake.  "Aiden bilisan na natin" sabi ko habang nilalagay ang iba pa niyang tshirt sa bag nung nakita ko ang isang larawan.  kinuha ko ito at tinitigan, malawak na nakangiti si tita Lean habang nakahawak sa isang braso ni tito Flamena kaunti lang ang ngiti pero ngumingiti ang mga mata nitokaya halatang masaya, nasa ibabaw din ng ulo iya si Black or meow yata iyon na mahimbing na natutulog. Si Aiden naman, ang liit pa niya dito, nakangisi din siya habang katabi si Rift na maliit pa, nakasuot sila ng pangsafari na outfit at mukhang nasa gitna sila ng gubat. natigil ang pagtitig ko nung kinuha ito mula saakin "It was my most treasured family picture. It was taken in Ovaro, The land of flora." Hindi ako nakapagsalita, I didn't think he'd open up to me about this. "here." sabi niya at binigay saakin ang isang maliit na paper bag. teka, ito yung bring home niya mula sa Human Realm nung bumili kami ng regalo para sa mama niya.  "Ano 'to?" tanong ko habang inaabot niya saakin yung paperbag.  "open it to find out." Hindi ako nag inarte at binuksan iyon at laking gulat ko na lamang nung makita ang nasa loob nun "omg" "I saw you looking at it at the store. I've been wanting to give that to you but alot of things are happening so I couldn't find the time." hinawakan ko ang raindrop pendant at napangiti, Hindi ko inakalang may side pala siyang ganito. "Don't think about any meaning. It's just a Thank you gift for accompanying me and helping me find the perfect gift." "Salamat hehe" nakangiti kong sabi sa kanya. tumikhim naman siya at nag iwas tingin "Oh ano, tapos na ba kayo diyan?" tanong ni Logan saaming lahat. mukhang tapos na kaming lahat kaya naman maingat na kaming lumabas, medyo maliwanag na kasi 5:00 am na kaya mas binilisan pa namin ang lakad. kaunti pa lang ang mga kawal kaya mabilis namin silang natatakasan, maingat kaming naglalakad, nasa unahan sila Logan, Jayden at Ash, sunod kami ni Kaylie at nasa likod naman namin sina Blake, Aiden at Tyler.  Nasa gubat kami at papunta sa Hidden Garden nina tita Lean at tito Flame, tinahak namin ang daan papunta sa likod ng school at tumigil sa aharap ng isang pader na natatabunan ng mga halaman. tinanggal ni Aiden ang mga halaman na nakaharang at pinakita nito ang isang pinto na may naka ukit na MYSTICA. May kinuhang susi si Aiden at binuksan iyon, dali-dali kaming pumasok sa takot na mahuli kami. "Ngayon, kailangan lang nating hanapin ang pinto papunta sa labas" sabi ni Tyler at nagsimulang maghanap. Hindi ako nakagalaw agad dahil napanganga ako sa gandang taglay ng kapaligiran. It really felt like I was in a fairytale, masyadong relaxing at magaan ang aura dito "Nahanap ko na!" sigaw ni kaylie habang nakatingala, Agad akong lumapit sa kanya. Oha. effortless ako pero nahanap namin yung exit. "ang taas naman niyan!" reklamo pa niya, napakagat labi ako, I'm not a fan of heights pero wala kaming magagawa. lumapit kaming lahat at tiningnan iyon. napagpasyahan naming may mauunang dalawang lalaki para tignan kung safe ba sa kabila at hindi maging mahirap bumaba at nagkataong si Ash at Tyler iyon. Lumuhod  na parang aso si Logan habang nasa harapan niya si Blake. Mabilis na inapakan ni Jayden ang likod ni Logan pagkatapos at tumalon papunta kay Blake na sinalo ang kanyang mga paa at nagpump, successful naman na nakaabot si Jayden sa taas ng bintana at dun naghintay.  Pinauna ko si Kaylie kasi kinakabahan ako. paano kung magkamali ako? ayokong mabalian ng buto huhu. Success din yung pagtalon ni Kaylie dahil member siya ng gymnastics at magaan siya. Lumapit ako at dahan dahang umapak sa likod ni Logan. "Tigil!" kumalabog ang dibdib ko nung suno sunod na pumasok sa loob ang mga kawal, paano nila kami nahanap? "Bilisan mo Fris, baka tayo maabutan!" dali daling sabi ni Blake saakin. Sa sobrang pressure ay nanginig nalang ako at gustong umiyak, natatakot ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin. "Fris dali na!" "Fris, andito lang kami!" Nanginig ako habang nakatingin sa mga kawal na palapit samin hanggang sa hinawakan ako ni Aiden sa beywang at kinarga.  "Jayden catch her! don't let her fall or I'll fcking kill you!" sigaw niya. Catch? anong catch?! hindi pa nagprocess ang isip ko ay nalaman kong nasa ere na ako, wala akong nagawa kundi pumikit. Pagnahulog ako talagang- "You're fine now." bulong ni Jayden at tumawa ng mahina, karga niya ako na parang bagong kasal at maingat na binaba. "She's here" tumingin ako sa other side. nasa baba na sila pero masyadong mataas, natatakot ako.  "Ayos lang yan Ela, tumalon ka!" sigaw ni Ash saakin "Sasaluhin ka namin!" "A-ayoko, nalulul-AHHHHHH!" naramdaman kong may tumulak saakin kaya nahulog ako, mukhang nagulat din sila Ash at nahulog ako sakanila pero hindi matigas kasi nasa ilalim ko si Tyler at Ash. "Elafrisss!" mabilis akong tinulungan ni Kaylie na tumayo, naiiyak ako sa takot at malaks ang kabog ng dibdib ko, galit akong tumingin sa taas kung saan sunod sunod na nahulog mula doon sina Blake, Logan at Jayden. may hinintay ako na tumalon pero hindi ko pa nakikita, kinabahan ako.  "si Aiden? di ba sumunod sa inyo?" tanong ko sa kanila pero maging sila din ay nag aabang, di nagtagal ay tumalon mula doon si Aiden kaya nakahinga kami ng maluwag. sinimulan naming tumakbo ng mabilis. "Habulin niyo sila!" rinig naming sigaw sa kabila kaya mas binilisan pa namin ang takbo. Kailangan na talag anamin makalayo, hindi namin alam kung saan pero ang mahalaga ay makatakas kami mula sa kanila. EVANIA GRIGOR "Pinatakas na po namin sila tulad ng sinabi niyo" sabi ng isang kawal sa nakaluhod sa harapan ko, binaba ko nag glass wine at tumingin sa kanya. "mabuti. umalis ka na" yumuko ang kawal na nasa harap ko at lumabas na ng silid. tumingin ako sa labas at muling uminom ng wine. "sigurado ka bang tama ang desisyon mo na pakawalan sila? mas lalong napalayo saatin ang libro at malalaman nila kung ano ang makakapagpagaling sa mga magulang nila, baka magalit si-" "Alam ko ang ginagawa ko Hiro, kaya kumalma ka lang diyan. Every page turned is an opening to a memory at dahil sa crisis na nangyayari, we'll just set out a reward then the people will bring them to us. Mga bata lang sila, mga batang madaling mauto." Hindi na siya umimik. ngumiti nalang ako habang nakatingin sa labas kung saan kitang-kita ang kabuuan ng Vindea.  one day, this will all be ours. KAYLIE HOLLOWS Napaupo kaming lahat dahil sa pagod, pakiramdam ko ay naubos lahat ng hangin sa katawan ko sa kakatakbo. "T-tubig!" paghihingalo ni Ash kaya naman bilis bilis akong kumuha ng tumbler galing sa bag ko at iniabot ito sa kanya. mukhang nagulat siya pero tinanggap parin niya ito "S-salamat" napangiti ako at napatingin sa sahig. umiinom siya sa tumbler ko, indirect  ang tawag don diba? omg yiiieee. "K-kaylie, may t-tubig ka ba diyan? painom nga" hingalong paghihingi ni Kuya saakin, tiningnan ko lang siya ng masama "wala na, ubos na"  ngumuso siya at kinuha ang tubig galing sa bag niya, may tubig pala siya tapos humingi pa sakin.  "Eto oh, salamat" binigay ni Ash pabalik ang tumbler at pinunasan ang kanyang bibig gamit ang kanyang braso. Napatulala ako bigla, ang gwapo talaga ni crush, hays. Tinitigan ko ang tumbler na walang laman at napangiti, di ko 'to huhugasan.  tiningnan ko ang kapaligiran, Hindi ko na alam kung nasan kami specifically since nasa south part ito ng Vindea kung saan hindi masyadong marami ang naninirahan. Malayo din ito sa sibilisasyon dahil mostly mga earth people at creatures ang naninirahan dito. Dito din matatagpuan ang Pack house nila Tyler, di ko lang alam kung saan banda. walang mga signage na makikita dito at wala ring mga sementadong daan, It's actually a rural place at puro halaman lang ang makikita mo. "Wooww ang ganda dito, parang nasa paraiso tayo" Elafris said in awe. I agree with her, kahit rural ito, dito makikita ang natural side ng Vindea, nandirito ang mga pinakarare na mga halaman at mga creature. "Ayos na ba kayo? kailangan na nating kumilos dahil pagabi na rin." Sabi ni Tyler at dahan dahang tumayo, kinuh anarin namin ang mga bags namin at nagsimulang maglakad, si tyler ang anngunguna. "Saan tayo pupunta?" clueless na tanong ni Elafris, tumabi ako sa kanya sa paglalakad. "To my house."  "Talaga? excited ako!" hindi ko mapigilang mapangiti sa inasal ni Elafris. Mukha siyang bata na walang kinalaman, kung sabagay, first time niya ito. habang naglalakad kami ay nagsisimula nang lumubog ang araw kaya mas binilisan pa namin ang lakad. "Pagdating natin don, ligo tayo sa hot spring nila ah!" masaya kong sabi kay Elafris at yumakap sa braso niya, pauli ulit naman siyang tumango habang nakangiti. Last time na pumunta kami dito nag hot spring kami kasama sila mommy, I miss them so much. napatigil kami ng lakad nung may nakita kaming usok. Kahit madilim na ay nakikita parin namin ang malaking usok sa di kalayuan at kinutuban ako ng hindi maganda. "Tyler, may active volcano ba kayo dito?" tahimik na tanong ni Ella, pinakiramdaman ko ang paligid. "No, we don't have any volcanoes."  dahil don tumakbo kami ng mabilis, wala akong pakialam kung nagkakasugat na ang mukha ko dahil sa mga maliliit na sanga, I do not feel good about this. Nakarating na kami sa Pack house nila at nakita ang hindi kaaya-ayang sitwasyon. "Oh my God" Elafris covered her mouth. maging  ako ay hindi makagalaw sa kinatatayuan ko, How could they do this? Everything was gone. lahat ng bahay na nakatayo sa paligid ng packhouse at pati mismo ang packhouse ay wala na. sunog. walang tinira kundi mga sunog na kahoy at abo. Madilim ang paligid and everything seemed empty. Dahan dahang naglakad si Tyler wala siya sa katinuan. He was spacing out at pagkarating sa kalagitnaan napaluhod siya, I wanted to run to him but Elafris stopped me, umiling siya like she was telling me to give him his space. tumango ako, maghihintay lang kami dito hanggang sa maging stable ulit ang emotions ni Tyler. Umupo lang kami doon buong magdamag while Tyler Howled his heart out.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD