Change

3117 Words
LADY ELAFRIS HALE people crying. broken buildings. burning wood. dead people. di ko matanggap ang mga nangyayari. masyadong mabilis ang lahat, I tried to blink back the tears at ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para maging matatag but everything just seems to all break down.  isang buwan na ang lumipas at naging tahimik ang lahat but I didn't know that this would happen in an ordinary day, parang kailan lang ay nag family dinner sila sa palasyo kasama ako and it was really fun kaya di ko matanggap na ganito ang mangyayari sa susunod na araw. "Healer! kailangan kayo dito!" "9 are still missing from this section."   nagkakagulo ang mga tao pero eto ako, nakatulala. Ganun din sila Kaylie, sila ang pinaka apektado dahil sa nangyari sa mga magulang nila. FLASHBACK... It was a normal day at Vindea, lahat ng tao ay ginagawa ang kani-kanilang mga gawain, naglalaro ang mga bata, maingay sa palengke, at may klase sa  Academy. pero eto kami. nagcracramping para sa mga gawain na malapit na ang deadline, ewan ko ba kung bakit di namin 'to sinimulan nung malayo pa yung deadline. "Ang hirap naman ng reporting! ayoko na!" singhal ni Logan at pabagsak na humiga sa sofa. nagkakalat ang mga cartolina na nagsisilbing visual aid sa sala at marami ring kalat na balat ng mga junkfoods. "Kakainis naman yang si Prof Alycia! pwede naman kasing mag powerpoint bakit kailangang isusulat pa" "Wag ka ngang tatamad tamad, ang dali lang naman ng report mo" sagot ni Tyler habang hindi inaalis ang mata sa laptop, halata ring antok ito dahil sa eyebags, nagmumukhang panda tuloy. Inabot ko yung chips at binuksan ito pero bigla itong inagaw ni Aiden.  "You know junk foods are  bad for your health" inismiran ko siya, palibhasa walang ginagawa kasi tapos na siya sa lahat. ang weird nga niya bigla biglang naging mabait saakin, masungit pero mabait but it creeps me out. "Ang dali para sayo kasi nerd ka" sagot pabalik ni Logan. "Teka, ano nga ba yang ginagawa mo?" "mga articles na dapat kong i-edit para sa school paper. deadline na mamaya" sagot nito with eyes still on the screen. I eyed on Kaylie and Ash sleeping peacefully on the floor, pagod na pagod siguro. wala pa kaming tulog mula kahapon pagdating namin mula sa palasyo para sa family dinner dahil sa mga gawain. Napangiti akong pinagmasdan ang mga kaibigan ko, ang swerte ko sa kanila, sobra. Si Jayden na nagsusulat sa mesa, si Blake na nagluluto sa kusina, si Tyler na nag ta-type, si Logan na nakahandusay sa sofa, si Ash at Kaylie na natutulog tapos si Aiden. Si Aiden na walang ibang ginawa kundi tumitig, kanina pa ako naiilang tapos minsan inaamoy pa yung buhok ko, siyempre nagsisitayuan yung mga balahibo ko. binalik ko ang atensyon ko sa essay na ginagawa ko. naiiyak ako sa inis dahil wala akong maisip, as in walang pumapasok sa utak ko. napatigil ako ng may pumasok sa isip ko, isang buwan na simula nung nangyari sa cr at laking pasasalamat ko kasi nakakatulog na ako ng mahimbing. Sana lang ay tuloy tuloy na ito, hindi rin nagsalita si Aiden tungkol sa nangyari, buti naman kasi ayaw kong mag-alala pa sila. kahit ganito nalang palagi, sana di na 'to matapos pa. pero naglaho ang kaunting pag asa na iyon nung may sunod sunod na malalakas na pagsabog ang nangyari sa labas. agad kaming nagsitakbuhan para tingnan ang nangyari at ako ang nagbukas ng biglang may malaking batong lumilipad palapit saamin, mabuti nalang at nahigit ako ni Aiden. tumalsik kaming lahat dahil sa impact at nakita kong dilat na dilat na si Ash at Kaylie "Everyone take cover!" bahalang sigaw ni Logan, yung kaninang pilyo ay sobrang seryoso na ngayon. lahat kami ay pumunta sa gilid para magtago. "A-ano  nanaman ba ang nangyayari?!  nalilito na ako! sino ba ang ang may pakana ng lahat ng ito?!" tarantang sabi ni Kaylie "malalaman din natin yan pero sa ngayon, tumulong muna tayo" sambit ni  Jayden but despite all our efforts, despite of all the sacrifices it was not enough. umalis na yung mga nakacloak leaving behind nothing but sadness. may mga kaibigan kaming nawala, ang Safiara Academy ay sira sira na. It was a disaster and it broke my heart.  The place that I treated like home was nothing but broken debris. Tinulungan ko si Tyler na buhatin ang malaking bato na nakapatong sa paa ng isa sa mga studyante.  "tulong! may injured dito!" sigaw ko habang binubuhat namin ang studyante papunta sa mas patag na lugar. "T-tulungan niyo ako, t-takot na takot na ako" patuloy ito sa pag iyak. naiiyak din ako habang tinitingnan siya at walang nagawa si Tyler kundi umiwas nalang ng tingin. "W-wag kang mag alala, m-magiging okay din ang lahat." pagpapalakas ko ng loob niya "Wag mo na akong paasahin! alam kong di na magiging okay lahat! sira sira na ang Academy! at ang mas masahol pa diyan ay masyado tayong mahina! wala tayong nagawa para ipaglaban ang Academy!"  mabilis na lumapit ang mga healer para s kunin siya and I was stoned. totoo lahat ng sinabi niya and it made me think more. mahina ba talaga ang academy?  Mabilis kaming napatayo ng tumatakbong lumapit saamin si Kaylie, halata ang pagod at takot sa mga mata nito. Lumapit ako sa kanya at mahigpit siyang niyakap.  "K-kaylie? anong problema? ayos ka lang ba?"  "S-sina Kuya Aiden! nandun silang lahat, mukhang may masamang nangyari pero di nila kami pinapapasok sa quarters!" Dahil don ay mabilis kaming pumanik sa Quarters kung saan nagtratrabaho ang mga Healers at mga taong tuutulong saamin. pagdating namin ay nagkakagulo ang lahat, may mga taong hinahanap ang kanilang kamag anak at mga Studyanteng hinahanap ang kanilang mga kaibigan. Kami naman busy sa paghahanap kung nasaan sila Aiden. "Ayun!" Sigaw ni Kaylie habang nakaturo sa grupo ng mga lalaking nakikipag away sa mga lalaking naka armas. Ang weird dahil hindi ito ang normal na itsura ng kawal ng palasyo dahil ang kulay ng uniporme ng palasyo ay kulay  pula na may tatak na korona na may pakpak ng ibon sa likod pero ito iba. Kulay indigo na may  Cursive na mga letra ' MK'  sa likod nito, bakit may ganyan? "kuya!" mabilis kaming lumapit at inawat sila laban sa mga kawal. "Nasan sila?! kailngan namin silang makausap!" galit na sigaw ni Jayden, I've never seen him look so Angry kasi sa lahat ng boys siya ang pinakacomposed. "Let us talk to our parents you faggots!" nalilito ako, ano ba talaga ang nangyayari?  bakit sila galit na galit at sino ba ang mga taong ito? "damn. bat di ko magamit ang ability ko?" rinig kong bulong ni Tyler sa sarili. hinawakan ko ang braso ni Aiden na mukhang galit na galit, siguro ay hindi niya ako napansin kaya malakas niya akong naitulak at napaupo ako sa sahig. "A-awww" daing ko.  "Fris!" sabi ni Kaylie at lumapit saakin para ako tulungang tumayo, napatigil silang lahat at nagkatinginan kami ni Aiden. Di naman ako galit kasi mukhang focused talaga siya sa pagtatanong kung saan ang parents niya.  "fck." bulong nito at mabilis na nagwalk out "A-aiden!" hahabulin ko na sana siya pero nagsalita ang isang di samin kilalang babae. "I see you are the sons of the Kings and Queens" napalingon kami pabalik ni kaylie, mukhang di kami napansin at sina Jayden lang ang kinakausap. "Nasaan ang mga magulang namin? and who are you people?" kalmadong tanong ni Ash sa kaniya. ngumiti ang babae at tumingin sa sahig "Well, I'm Evania Grigor and i'm the lead-" "we didn't ask for your fcking name. tell us where our parents are" tahimik pero mapanganib na banta ni Blake sa kanya, my gut tells me she is not an ally. I eyed on her amused face, smirking at us.  "Let me get this straight kids.." Ano? kids?  "Your parents are in a very critical condition where they won't wake up until the next 100 days or they won't wake up ever again..." "Ano ba yang sinasabi mo? tngina di ako naniniwala sayo!  nasan na yung mga magulang namin!?" Logan finally blew up at umatake kay Evania pero ngumiti lang ito habang tinigilan ng mga kawal si Logan. "damn I can't use my ability!" frustrated na sigaw ni Jayden "Well, this quarters is Ability proof so you kids won't do anything funny." 'H-ha? anong ibig mong sabihin?" tahimik na tanong ni kaylie na nasa tabi ko. "Kaylie" bulong ko. Ngumisi naman ang babae sa kanya. "Ang mga magulang niyo ay nasa ilalim ng isang sumpa kung saan nakatulog sila at hindi pa magigising, hindi ko alam kung ano ang rason pero ganun na nga ang sitwasyon." Biglang natahimik ang lahat, mukhang hindi pa nila mawari ang mga nangyayari. "S-sino naman kayo? may ginagawa na ba kayo para sa sitwasyon?" buong tapang kong tanong. lumingon siya saakin at halatang nagulat pero bumalik ito sa normal niyang ekspresyon. "And who are you, miss? I'm sure that you are no princess since isa lang naman ang prinsesa dito" at lumingon siya kay Kaylie na nakatulala. "kaibigan ko sila, now please answer my question."  "well, We are the Organization that will be ruling Vindea for the meantime while the experts are looking for the cure to wake the Royalties before the 100 days end which answers to your second question, we are doing everything we can to wake them up." "are you really?" nagngingitngit sa galit na tanong ni Tyler. Evania smirked "mas mabuti pang magpahinga lang muna kayo."  wala kaming nagawa kundi lumabas dahil tinulak kami ng mga tauhan niya. FLASHBACK ENDS... tumingin ako sa kanila, nasa loob kami ng tent na nakaassign sa amin, nakaupo lang sila at nakatingin sa malayo, I feel bad for them No, I feel bad for myself too. But something is definitely wrong here. Bakit ganun ang nangyari sa mga magulang nila? seriously, sila ang pinakamalakas but the enemy still managed put them to sleep and worse may biglang susulpot na di kilalang tao. Sino ba ang hindi makakahalata na may mali dito? tumayo ako dahil parang nasusuffocate ako dito sa loob, dinala ko ang bag na laman ang libro. Mahirap na lalot wala kang dapat pagkatiwalaan dito ngayon.  Naglakad lakad ako sa isang parte ng gubat ng may nahagilap ang mga mata ko, isang lalaking nakaupod at nakasandal sa puno. Oh Aiden. alam kong ikaw ang may pinakamabigat na dinadala kaysa sa kanila. FLASHBACK Ang laki naman ng palasyo, saan na nga ba yung cr? kanina pa ako naiihi jusko. kanina pa ako naglilibot pero di ko parin mahanap kung saan. habang hinahanap kung saan ang cr ay may narinig akong nag uusap, nacurious ako kaya lumapit ako  "Aiden, makinig ka naman sakin please?  para naman 'to sa kaligtasan mo" "No mom! and what?! leave my friends behind?! never!" "Aiden nanganganib ka! hindi ako papayag na may mangyaring masama sayo!" "then don't! I'm an adult now and I can do anything i want! I'm strong enough to protect myself!" "No you are not! bata ka pa Aiden and there are alot of things that you don't understand! nanganganib ka lalo nat hindi  ako palaging nasa tabi mo!" "stop it mom! you are weak yourself! you can't even protect your friends back in the day right?! you still needed them to protect you!" nakita kong sinampal ni Tita Lean si Aiden, I covered my mouth and gasped. namuo na ang luha sa mga mata ni tita Lean, she looked really hurt. "Alam ko! alam kong mahina ako but you of all people! ikaw ang pinakahuling taong akala ko pagsasalitaan ako ng ganyan! walang araw na hindi ko pinagsisisihan yun!" with that Tita Lean ran out of the room. naiwan si Aiden at kinalat lahat ng gamit na nakapalibot sa kanya.  FLASHBACK ENDS... Hindi ko inakalang nag-aaway din pala sila, There is no perfect family after all. naglakad ako palapit sa kanya at naupo sa tabi niya "oy" tawag ko sa kanya "ayos ka lang ba?" umiwas siya ng tingin. did he cry?" "Sorry for pushing you earlier, I didn't mean to-" "No, wag ka nang magsorry, alam ko namang nag-aalala ka lang sa mga magulang mo kaya ka nagkaganyan." we both looked at the moon. "ang ganda ng buwan no? such a shame na may nangyaring hindi maganda sa ilalim niyan." tumingin ako sa kanya, he was also looking at me. "I-I messed up" his voice began to c***k. Agad ko siyang niyakap at nagsimula na siyang humikbi "I-i didn't mean to say those things, i'm so stupid." "I love my mom, sooo much. And me, of all people chose to hurt her. I didn't want to hurt her, I never would" "she and dad forced me to go to the human realm and I didn't want to, I didn't want to leave them behind, I hurt her and now..." He sobbed, mas lumakas ang iyak niya at mas humigpit ang yakap niya saakin. "And now she's not here. She's asleep. she is under a curse and I didn't even get to say sorry." huminga ako ng malalim, I patted his back "ayos lang yan. Ayos lang na masaktan ka, It's okay to cry but make sure to get back in shape. kailangan nating magpalakas para mahanap ang gamot na makakapagpatanggal sa sumpa and when they wake up go and apologize to her, bumawi ka with spoiling her and tell her that you love her." "It's okay to make mistakes, normal lang yan. You'll be okay, Everything will be okay, I promise." -- The next day pinasok ang tent namin ng mga kawal at s*******n kami ginising at pinalabas nalaman kong pinatawag lahat ng taga Vindea sa Academy. nagkaroon ng assembly and I hated how they treated people with less respect and more violence. Kung makatulak sila, palibhasa hindi sila ang nasasaktan. sa di kalayuan, may namataan akong batang babae na punit punit ang damit, mukhang wala siyang kasama at hinahanap yata ang mama niya pero tinulak siya nung kawal gamit yung b***l. "aww! mama! huhuhu" mabilis akong tumakbo palapit, dahil sa galit na nararamdaman ko, hindi ko na rin pinansin ang tawag nina Logan. pagkarating na pagkarating ko ay tinulak ko yung kawal at tinago sa likod ko yung bata. Tinutukan niya ako ng b***l na pero di ako natinag, walang tao ang pwedeng tratuhin ng ganito kahit pa mataas ang ranggo nila. "ANO BA ANG PROBLEMA NIYO?!" galit kong sigaw kung saan nagsilingunan silang lahat saakin, mabilis akong linapitan ng mga kaibigan ko. agad namang nagsitakbuhan ang ibang kawal at pinalibutan kami, nagdulot ito ng komosyon at nagsimulang magbulung bulungan ang mga tao sa paligid. "leave them" Sabi ni Evania mula sa stage, iniwan naman kami nung kawal at pumunta sa ibang lugar. nagkakagulo ang lahat dahil wala silang alam sa mga nangyayari. nakatingin kaming lahat sa stage kung saan nakatayo ang ibang mga kawal at si Evania Grigor.  Her presence  shouts authority at the same time betrayal. her eyes were strict and firm that matches her corporate outfit and her clean bun. "alam kong naguguluhan kayo sa lahat ng nangyayari ngayon..." pagsisimula niya "But Vindea is in a very serious condition. kaya andito kami, the higher ups concluded na dapat gumawa ng isang organization para pansamantalang magpatakbo sa Vindea dahil sa crisis na nangyayari" "nasaan na ang mga hari at reyna?! bakit di namin sila makita sa lahat ng nangyayari ngayon?!" isang sigaw mula sa mga tao. Marami naman ang sumang-ayon at nagbulung bulungan. "Well unfortunately, the Royalties are busy with something else."  kumunot ang noo ko, ano ba ang pinagsasabi nila? tumingin ako kay Aiden na walang imik, nakakumo din ang kamao niya. tahimik akong lumapit at hinawakan ang kamay niya ng hindi tumitingin sa kanya. "Anong something else na yan?! di a nila na naghihirap ang mga mamamayan nila ngayon?!" "Ngayon namin sila kailangan saka lang sila may gagawing iba?!" "Anong klaseng mga pinuno yan?!"  "oo nga!" nagkagulo na ang lahat at nagsasabi ng kung ano anong hindi magagandang bagay tungkol sa mga magulang ng mga kaibigan ko na tahimik lang, wala silang magawa dahil kung hindi sila sumunod ay maaring hindi na talaga magising ang mga hari at reyna. FLASHBACK Nag hahanda na kami para patulog nung pumasok si Evania na may kasamang kawal.  "What are you doing here?" may kapintasan na tanong ni Tyler.  "Wow, it actually feels like this room hates me" pabiro niyang sabi sabay tawa ng nakakirita.  "Wow, at ngayon mo lang talaga napagtanto" sarcastic na sagot ni Kaylie. masama ang tingin niya kay Evania and we all feel the same way. "well, so much for that. I'm here to tell you a little something, The public should never know about the situation of your parents" "Bakit?! may karapatan silang malaman yun kasi mamamayan sila!" hindi pagsangayon ni Blake. He's right, may karapatan silang malaman kasi sila ang apektado at hindi tamang gawing tanga ang publiko. "Well that's what you think pero dahil hindi pa kami official na organization ay hindi pa namin hawak ang buong karapatan..." I rolled my eyes, as if we'd let that happen. " At pag nalaman iyon ng publiko ay may chansang mag alsa sila laban saamin lalo nat wala ang mga hari at reyna na namumuno sa kanila, hindi rin namin sila makokontrol dahil nga wala pa saamin ang karapatan. So in the end, pag malabas to sa publiko ay magkakagulo ang lahat, factions will be created and the peace and unity that your parents worked hard for will all go down to waste." natahimik kaming lahat sa sinabi niya, she has a point pero hindi parin maganda ang magsinungaling. "We won't let that happen. kami ang mga anak at kami ang may karapatang mamuno" singhal ni Jayden, tumawa naman si Evania na para bang hindi makapaniwala. "Are you in your right mind boy? everyone knows that you are still not fit to rule the whole kingdom. " "Plus, if you keep doing this juvenile act of yours, there is a possibility that your parents will never wake up again. pinapaalala ko lang sa inyo na kapag nag alsa ang mga tao ay magkakagulo ang lahat,pati rin ang organisasyon then we won't be able to find any cure within 100 days" natahimik kaming lahat, damn nakahanap siya ng loophole.  "Let's make a deal" biglang tumalon pababa ng triple deck si Aiden kung saan nagulat si Evania pero binalik naman niya ang kanyang composure.  "I will let you rule Vindea temporarily but you will let us go out  of the Academy and help find the cure and  let  us make any changes and you will follow our request." tumaas ang kilay ni Evania sa sinabi ni Aiden. "And why do I have to do that?" "We have the book of fate that you are dying to have"  nagulat kaming lahat sa sinabi niya, maski si Evania. Napahigpit ang hawak ko sa libro, mukhang nainis si Evania at tumingin saaming lahat. "Fine. do whatever you want" FLASHBACK ENDS... Sa ngayon ito lang ang pinanghahawakan namin, that tiny bit of hope. Hindi rin namin magamit ang mga ability namin dahil naka ability proof ang buong academy for 'safety' purposes daw. "Let's all work together to stand up again while our leaders are doing something else. I, Evania Grigor promise to do all that I can and make Vindea a better place." With that said, alam na anming marami ang magbabago and we have to face whatever that change is.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD