LADY ELAFRIS HALE
My head was pounding with pain. Napangiwi ako sa pagkahilo at dahan-dahang minulat ang mga matako. Naalala ko agad ang nangyari kahapon at napunta ang mga kamay ko sa aking leeg. I hissed at the pain at mabilis na tumakbo palapit sa salamin, napasimangot ako ng makita ang pasa na naghuhugis ng dalawang kamay pero hindi na ito asyadong halata, Thank Vindea for Healers.
Nakaramdam agad ako ng takot at tumakbo pababa, I saw them talking to each other with serious looks at bago paman nila ako makita ay tumago muna ako sa may hagdanan.
"Hindi pa sila nakuntento sa mga Vindeans na napatay nila at patuloy parin silang naghahasik ng lagim"
"Ano nanaman kaya ang pakay nila? Hindi pa talaga sila makapag move on?! I mean, mag isa na ang Vindora at Zaldea bakit kailangan pang mag away-away?!"
"I don't know pero kailangan tong malaman nina tita"
"Tyler and Blake are on their way"
Dahan-dahan na akong lumabas, at nakita ako ni Kaylie na mabilis na lumapit saakin, She cupped my face and checked my neck. She had worry all over her face.
"Okay ka na ba? Sorry talaga I wish I didn't leave you there" yinakap niya ako ng mahigpit at niyakap ko din siya, I told her that it's not her fault.
"Okay lang ako, ano ka ba" ngumiti ako sa kanya at lumapit sa iba naming kasamahan
"Are you sure you're okay? Bakit namumutla ka?" tanong saakin ni Jayden, lahat naman ng atensyon napunta saakin
"gago ka ba?! Siyempre namumutla kasi natatakot!" sagot naman ni Logan kay Jayden kaya tiningnan siya nito ng masama
"Ano ba yung nangyari sa halimaw na nakacloak?" tanong ko, Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil nawalan ako ng malay. I just hope everything went smoothly at wala nang nasaktan.
"I killed it" simpleng sagot ni Aiden pero kinabahan ako bigla, bakit ba ang dali-dali lang para sa kanya na sabihin ang I killed it.
"Okay? So sino ba sainyo ang makakapagsabi kung ano yun?"
"Yun yung mga rogue, pagkatapos ng pagkakaayos at pagkawala ng Hari at prinsesa ng Zaldea ay naging isa na ang ating mga mundo pero iilan sa Zaldeans ay ayaw na mangyari ito kaya pakalat-kalat sila at pilit na naghahanap ng kahit anong mukha ng kasamaan"
Mabuti akong nakinig sa mga sinabi Ash pero hindi ko maiwasang itanong kung bakit nila ginagawa yun, kung bakit masasama sila.
"Hindi lahat ng tao ay mabait, our souls have black and white shades and those rogues let the dark side take over them at kung ganoon ang gagawin nila, then wala kaming choice but to kill them"
"It's fun anyway" I gawked at Jayden, mukhang mahilig talaga sila sa mga laban at p*****n. umiling nalang ako at napaisip, I felt so weak ni hindi ko naman lang naipagtanggol ang sarili ko sa halimaw na yun.
"Uhhh, Guys magpapahangin lang ako ha" paalam ko at lumabas ng bahay. malamig ang simoy ng hangin dito sa garden, umaga pa lang. Tiningnan ko ang relo ko, it's 5:30 in the morning. bakit kaya gising na sila? o baka naman hindi sila natulog?
Nah. hindi naman ako importante para hindi sila makatulog. tumingin ako sa langit, medyo madilim at parang uulan pero pilit paring sumisilip ang mga bituin
nagmumui-muni ako when I heard some rustling in the bushes kaya tumayo ako mula sa pagkakaindian sit at lumapit dito. Sinilip ko ito at nakakita ako ng maliit na pixie na umiiyak, It was color pink and was showering with glitters, bigla ang naawa.
"U-uhm, okay ka l-lang ba?" nanginginig ang kamay ko na hahawakan na sana siya pero bigla siyang lumingon at tumawa ng malakas kaya napatalon ako sa gulat.
"Hey don't come near-"
lumingon ako at nakita si Aiden na papalapit pero huli na ang lahat, bigla akong nahilo at nahimatay pero bago ako mawalan ng diwa ay nakita ko si Aiden bumabagsak din katulad ko.
What happened?
--
AIDEN KNIGHT RYKER (Omg, frist POV niya LADY ELAFRIS HALE
Hindi ko alam ang nangyayari, naiiyak ako at naguguluhan. Ang weird kasi ng set up! nasa katawan ako ni Aiden at nasa katawan ko naman siya and it's really weird!
umupo ako sa sofa at umupo naman siya sa upuan na nasa harapan ko. Maya-maya't may iniabot siya saakin na sticky note na kinuha niya mula sa mesa.
"They already went to school since it's 8 in the morning" kalma niyang sabi at nag-isip ng malalim. Nagpanic agad ako, hindi ako pwedeng mag absent! hindi na nga ako makakabawi sa examinations na paparating tapos ganito pa ang mangyayari
"kailangan kong pumasok kundi hindi aabot ang grades ko na nakakota and if that happens my mom will be really disappointed!" sabi ko sa kanya pero umiling lang siya, I started to sob, disappoint my mom is one of my biggest fears.
"would you just listen to me first?" galit niyang sabi saakin, I could see that he was really annoyed I zipped my mouth "Why don't you just us your head and think rather than panicking and shouting nonsense?"
"We are spell bounded-" pagpapatuloy niya.
"teka, delikado ba yun? forever na ba tayong ganito? ha? ha?" tiningnan niya ako ng masama kaya natahimik ako. ngayon ko lang napansin nakakatakot pala ako pag magalit.
"Let me talk first Elafris" tumango ako kaya nagpatuloy siya
"You encountered a mischievous pixie, those kind of pixies like to play games and put spells on people and unfortunately we were spell bounded but in order for us to get our bodies back, we need to look for that pixie and ask to reverse the spell"
Hindi ako nagsalita, grabe magaenglish tong si Aiden, so far yun ang pinakamahabang nasabi niya since day one. I like his English though ang ganda, ang ganda ko pala pag nag E-English? akalain mo yun?
"You didn't understand a single thing I said, did you?"tanong niya saakin habang pinanliliitan ako ng mga mata. Ngumiti ako ng alanganin, he massaged his temple out of frustration at bumuntong hininga.
"Let's just solve this after school, Get ready" pagkatapos niyang sabihin yun ay pumunta na siya sa taas.
Ako naman pumunta sa kwarto ko, naghanap ako ng pwedeng suotin and then I realized na Aiden pala ako ngayon. Binuksan ko ang pinto dahil lalabas sana ako at hihiram ng damit niya pero laking gulat ko na nasa harapan ko na siya sa labas ng pinto at naghihintay.
"Here, wear this." tapos tinapon niya saakin yung damit na susuotin ko. huminga ako ng malalim
"I think I have a better idea" nasabi ko nalang bigla
--------------------------------------------------------------------------------
END