LADY ELAFRIS HALE
Hindi talaga ako makapaniwala! nasa Safiara Academy na talaga ako! nasa harapan kami ni Kaylie ng malaking hallway kung saan namin makikita ang iba't ibang estudyante na ginagamit ang mga abilities nila.
"Elafris, excited ka na ba?!" tanong niya habang mahigpit na hawak ang strap ng backpack niyang kulay pink. marahas akong tumango, My heart is beating fast, excited sa susunod na mangyayari.
"Yes, mas excited pa ako sayo!" tumawa lang siya dahil alam niya na totoo ang sinasabi ko, paano kasi ginising ko siya 3:00 palang ng umaga.
"nasaan yung mga kuya mo?" pansin ko kasi wala sila sa dorm pagkagising namin
"ewan. nagwork out yata, alam mo naman yung mga yun" tumango tango nalang ako, nilanghap ko ang hangin. Amoy Magic! nasa Vindea na talaga ako! I wish I could scream right now, lahat ng nababasa ko lang sa libro ay nasa harapan ko na.
"tara na, baka mahuli pa tayo sa klase!" hinila ko siya pero hinatak niya ako pabalik "Wag kang excited, maaga pa oh. maglibot libot lang muna tayo" sagot niya kaya ngumiti nalang ako
"Nice idea" naglakad lakad muna kami, ang ganda talaga dito, parang pinaghalo na modern socialization at nature.
makikita mo ang apat na malalaking buildings, yung classrooms, cafeteria, Gym at yung pinagsamang Office at Healer's station
sabi ni Kaylie, nilagyan ng mga sign sa tig-iisang building para hindi mawala ang mga studyante, idea daw ni Tita Lean, walang sense of direction daw yun eh.
pumunta kami sa malawak na field at umupo sa damuhan malapit sa malaking puno, pinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang paligid.
"Kaylie, hindi parin talaga ako makapaniwala na nandito na tayo sa Academy"
"Haha, masanay ka na. you belong here"
hindi ko na siya sinagot, It's weird that I don't miss the human realm. dahil na rin siguro sa mga nakaraan ko. Everytime na malalaman nilang may kakaiba saakin, magtratransfer na kaagad ako ng school para hindi na mas lumalim ang problema, buti nalang at natiis akong sundan ni Kaylie kahit saan mang school ako pumunta.
but I'm sick of running away, I'm sick of hiding and pretending to be someone I'm not. nakakarelate ako kay Queen Elsa sa Frozen, kailangan niyang itago ang totoo niyang pagkatao para lang hindi mahusgahan ng mga taong nasa paligid niya
kumunot ang noo ko nung biglang dumilim, uulan ba? nung minulat ko ang mata ko ay tumambad saakin ang isang grupo ng hindi ko kilalang mga babae
"Excuse me?" imbis na umiwas ay ngumisi lang siya, I mentally rolled my eyes. this is so cliche! yung totoo? mean girls versus poor new transferals?!
"I believe that you are the new ones?" taas kilay na tanong nung isa sa kanila, tumayo kami ni Kaylie at tinanggal ang mga dahon na dumikit s amga uniform namin.
"Obviously?" pambabara sa kanya ni Kaylie, usually saaming dalawa, si Kaylie yung matapang. I'd rather hide in a corner. Yep. matatakutin ako
"What relationship do you have with the Blood Empire?"
Eto nanaman?! aawayin nila kami ng dahil lang sa mga lalaki?! nakakasawa na talaga, I mean ano ba ang issue nila? It's not like papatulan sila kapag lumayo kami. Isa pa hindi sila yata alam na kapatid ni Kaylie si Logan Hollows ng Blood Empire.
"Excuse me lang ha? hindi kami pumunta dito para makipag away, pumunta kami dito para mag aral and don't you dare think that we're one of those typical cowards whose going to say 'oh, I'm sorry. I didn't mean to'" ayan na, nagsisimula nanaman si Kaylie, umiling nalang ako at pinilit siyang tumigil. She is a war freak. sa tuwing nabubully ako sa dati naming school siya palagi ang nakikipag away.
"Kaylie, pabayaan mo na." bulong ko sakanya at hinila ang kamay niya para tumigil pero bigla naman akong hinatak ng isang babae kaya napaatras ako, I hissed at the pain when I sprained one of my ankles.
everything I do from now on is considered self defense.
"You messed with the wrong girls!" sinuntok ko yung isang babae kaya tumba agad siya, hinawakan ko yung kamao ko. matatakutin ako yes, but better stay away from my bad side.
pati din si Kaylie ay napasabak na sa g**o, tinadyakan ko yung isa sa kanila at pinagsusuntok ito. sinubukan naman siya akong sabunutan pero iniwas ko ang buhok ko, pulling hairs are only for girls.
nagulat ako nung nagkaroon ng chains ang mga kamay at paa ko kaya hindi ako makagalaw, tiningnan ko si Kaylie, ganoon din ang sitwasyon niya. we were both tied an restrained.
tumayo yung Leader nila at inayos ang buhok at damit niyang kita pati kaluluwa. lumapit siya saakin at hinawakan ng mahigpit ang buhok ko, I winced at the pain.
"You btch!"
nagsilabasan ang pangil at mga tattoo ni Kaylie, na namana niya sa mommy niya. nabahala ang ibang mga babae kaya pinakalma ko si Kaylie, I was scared for her. hindi pa siya nagkakaroon ng proper training knowing that she didn't have to use her ability pero lumalabas ito sa tuwing nacocorner siya or nauubos na ang pasensya niya.
"Kaylie, calm down. hindi mo pa kontrolado ang ability mo!" pabalik balik kong sabi sa kanya, she calmed down at bumalik sa dati niyang anyo pero masama parin ang tingin sa mga babae
"You monster!" sigaw sa kanya ng isa sa mga kasamahan
"You ugly fat witch!" sigaw niya pabalik at binelatan ito. napanganga ang babae at hindi makapaniwala, alam talaga ni Kaylie ang mga weakness ng ganoong mga babae
pinagtitinginan na kami, in fact. nasa gitna kami ng malaking crowd, oh I hate attention.
"What the hell are you doing to my sister?!" nagsitahimik ang lahat at nahati ang nagkukumpulang tao. nagsidatingan ang Blood Empire at nauuna si Logan sa kanila na masama ang tingin sa mga babae. He looked like he was about to explode, namumula ang buong mukha nito at nahahalata na ang mga ugat sa leeg.
nahulog kami ni Kaylie nung pinakawalan na kami ng mga kadena, mabilis naman kaming inalalayan nina Jayden. napahawak ako sa pulso ko, I hissed dahil mahapdi at namumula din. tinayo nila kami it pinagitna sa kanilang anim.
"That's right kuya! inaway nila kami ni Elafris! tingnan mo yung kamay niya namumula!" siniko ko si Kaylie, they looked at me kaya tinabunan ko ito gamit ng isa kong kamay.
"What?! totoo naman ah!" pinandilatan ko siya. Kaylie talaga, napakaspoiled sa kuya niya! hindi ko napansin ay hawak na pala ito ni Aiden at tinitingnan ng maigi.
"A-aray"
"Akala mo invincible ka, weak ka naman." yun lang yung sinabi niya at tumalikod at naglakad paalis habang nasa bulsa ang mga kamay, kumunot yung noo ko. How rude!
"Wh-what? kapatid m-mo?" gulat na tanong sa kanya nung babaeng nangaway saamin kanina, bigla silang nahiya ng mga kasama niya. good for her!
"fcking yes she is! hindi ko nga pinapadapuan ng lamok yan mga tulad mo pa kaya!" bumilis ang t***k ko dahil sa kaba. tiningnan ko si Kaylie na patigilin na ang kuya niya dahil baka may magkasakitan pa
"b-but, what about that btch over there?! kapatid mo rin?!" dinuro duro niya pa ako ng may mga galit sa mata nung may naramdaman akong hangin na dumaan sa tabi ko, like a fast thing ran before me.
"Don't you dare call her that you low life vermin!" gulat ang lahat nung makita si Aiden na nasa harap ng babae at masama ang tingin nito at nandidilim ang mga mata. mas lalo akong kinabahan, bakit ba nakakatakot ang mga tao dito?!
"C'mon people! there is nothing to see!" pagtataboy nina Tyler, Jayden at Ash sa mga studyante dahil mas dumadami na ito. "balik na sa classroom!"
"tama na yan, magkakagulo lang tayo pag pinatulan niyo ang mga yan" pagsasaway ni Blake sa masasama ang tingin na mga babaeng umiiyak na ngayon.
"Okay ka lang?" binigyan ako ng tubig ni Jayden, tinanggap ko naman ito "Okay lang ako, salamat"
"Ang weak mo talaga kahit kailan! hindi mo parin ba nagagamit ang ability mo?" pangangantyaw ni Ash kay Kaylie, tinarayan naman siya nito
"Hindi ako weak no! kulang pa talaga ako sa training!"
"edi mag training ka!"
natawa ako sa kanilang dalawa, nakakakita ako ng bright future! I you know what I mean hehe.
"bakit hindi mo ginamit ang ability mo?" bigla nalang nag appear si Tyler sa harapan ko. seryoso yung mukha niya at halatang hindi mahilig sa 'fun'
"H-hindi ko pa kasi alam magcontrol eh. natatakot ako na baka maraming masaktan" iwas tingin kong sagot, nakakahiya man pero yun ang totoo.
"tutulungan nalang namin kayong magtrain" sabi pa niya ulit "kung gusto mo, sabay pa kayo ni payatot" dagdag ni Ash, binatukan naman siya ni Kaylie
"sige magandang idea yun!" masaya kong sabi at pumalakpak pa. tumingin ako sa likod, si Blake at Aiden seryosong na uusap, maya maya't titingin si Aiden kay iiwas ako.
--
"Miss Hollows and Miss Hale, balita ko umagang umaga ay napasabak na kayo ng away?" taas kilay na sambit nung Prof namin. nakayuko naman kami ni Kaylie. napagalitan kami first day na first day. huhuhu. sabi ko pa naman kay mommy na magiging goodgirl ako
"S-sorry po" sabay kami ni Kaylie. tumikhim naman siya at bumaling sa iba naming mga kaklase na ngayon ay kilalang kilala na kami. paano naman kasi, bantay sarado na kami dahil nasa likod lang namin ang Blood Empire
pag may lalapit na babae na parang aawayin kami ay nakakaramdam kaagad kami ng itim na aura sa likod namin na nagsasabing 'back off or die'
"Kuya tinatakot niyo yung mga nakikipagkaibigan saamin!" pananaway ni Kaylie
"Oo nga! akala nila mamamatay sila pag nakipagkaibigan kami sa kanila!" protesta ko rin. ang over protective naman kasi masyado
"Seryoso? you don't need friends. andito naman kami ah!" sagot ni Blake, kumunot ang noo ko.
"Iba parin ang girl na friends!"
"kahit na!"
hindi na kami sumagot at nakinig nalang sa professor namin. balita ko may announcement daw eh.
"Okay so we all know that there will be an exam for the next two weeks. better train yourselves Safiaras. To the strongest" tumingin siya sa likod namin "I hope you maintain your place and as for the newbies and low ranks, I expect more of you. do not disappoint me in this one"
napasimangot ako. bakit 2 weeks lang?! di ko kaya yun. tumingin nanaman ako sa likod kasi parang may nakatitig ang likod ko
And there he is again. looking at me, Aiden Knight Ryker what is the deal with you?!
--
END