To the City

2343 Words
LADY ELAFRIS HALE "Kaylie, paano na tayo neto?" kanina pa ako nagrereklamo kay Kaylie, malapit na yung exams pero clueless parin kami sa mga dapat gawin. Ayokong magkazero, lagot ako kay mommy neto. Pero aaminin ko, medyo nawawalan na ako ng pag asa na magkaroon pa ng A+ sa exam, I mean paano ko gagawin 'to?! Everything is so freaking new to me at iba ang grading system nila dito, mostly physical and there are names of potions and spells na ngayon ko lang narinig. "Huwag kang mag alala, sabi nina kuya na tuturuan tayo nila diba? Madali lang yan" tiningnan ko siya ng masama, isa rin 'to nasa harap lang ng salamin at nag aayos.  Tumayo ako mula sa pagkakadapa sa kama at sumilip sa bintana "Mukhang hindi naman sila maasahan eh!" reklamo ko ulit, tinabihan niya ako at tumingin din sa labas ng bintana "Nah, playtime lang nila yan wag kang mag-alala" relax parin niyang sagot, tiningnan lang namin sila nung biglang hinabol ni Aiden si Blake na may  hawak na ipis at pinagtatawanan sila ng iba pang mga lalaki. Blake was shouting his mind out. Napangiwi ako, ano ba ang mapapala namin dito? "On second thought, they're pretty stupid. We should start training" umalis na kaming dalawa mula sa pagtingin sa bintana at umupo sa sarili naming mga higaan at nag-isip. Mukhang wala kaming maaasahan sa mga taong iyon. "Anong plano mo ngayon?" kinuha niya yung bag niya at inayos yung buhok niya "We should go to the city first." sagot niya. Kumunot ang noo ko "Huh? Anong gagawin natin dun?" Hindi niya ako pinansin at tumingin sa mga damit ko na nasa closet, kumuha siya ng skinny jeans at tiningnan ito na para bang nandidiri siya. "Don't you ever wear dresses?" She muttered under her breath. I rolled my eyes at her at kinuha mula sa kanya yung pantalon "Skinny Jeans are better" I like how I could run in pants and never being worried of my dress flying all over. "Whatever, magpalit ka na ng damit, aalis tayo" I groaned "bakit ba kasi tayo pupunta dun?!" "Kasi, bibili tayo ng mga libro"  tumalon yung puso ko sa excitement. I loved to buy books, nakaka-high yung amoy at it helps me relax.   "Talaga? Talaga?" "Tsk.tsk. basta libro talaga, oo nga. Mag aaral tayo para malaman natin ang takbo ng exam" "wala ba nun dito sa Academy?" "Meron, gusto ko lang na magshopping" napailing nalang ako at nagpalit ng damit. nagdala ako ng pera na ginagamit nila dito sa Vindea. Binigay ni Tita Lean, panggastos daw. Bumaba na kami ng hagdan at nakitang nanunuod ng TV yung mga lalaki mukhang nagsawa nang maglaro sa labas. Ilang araw na akong nakatira dito  at nasanay narin ako sa kanila at mas naging close na rin kami sa isa't isa. Alam ko na yung pagkakuli at pagkamahilig sa babae ni Logan, nagugulat nalang ako na wala pa siyang girlfriend. kesyo  'I'm not ready for that type of commitment'.  Si Tyler naman na tahimik at seryoso, mahilig din sa libro tulad ko. Sa kanilang lahat siya ang pinakaresponsable pero minsan ay makulit din. Siguro ganyan siya dahil Alpha ang papa niya sa isang pack. Si Ash naman yung malambing. Tinuturi kong nakababatang kapatid, mabait na tao at maalalahanin. Hindi siya masyadong makulit tulad ng iba at tumtulong sa mga gawaing bahay. Si Jayden naman may pagkamasungit at suplado sa  mga taong hindi niya masyadong kilala. Pero mabait siya saamin, mahilig siyang gumawa ng potion at siya ang nag-eexcel sa class na 'yon. Si Blake naman ang pinakanormal ko sa kanilang lahat. Pilyo siya pero normal lang naman iyon sa kanila pero sa kanilang lahat ay siya yung balanced. Balanced yung pagkapilyo, mabait, matulungin at marunong magluto. Finally si Aiden. The weird, weird, Aiden. Pinakasuplado sa kanilang lahat, minsan lang magsalita pero puro English lang ang alam akala mo naman nasa ibang bansa. Clean freak din yan, pagbumababa ako para uminom ng tubig sa gitna ng gabi, naabutan kong naglilinis sa kusina. Mahilig din siyang tumitig, madaming beses na kaming nagkakatinginan kahit hindi sinasadya. "'San punta niyo?" Tanong ni Ash na lumingon saamin, sumunod narin ang iba niyang kasama.   "Bibili-" tinakpan ni Kaylie yung bibig ko at tumawa ng alanganin. kumunot ang mga noo nila. "Punta lang kami sa library at magbabasa" kumunot ang noo ko at tinanggal yung kamay niya, mula sa bibig ko, ano ba naman yan! di ba niya narerealize na madami ang germs sa kamay niya? pinandilatan ko siya. Bakit kailangan pa niyang magtago? Bibili lang naman kami ng mga kakailanganin "Magshoshopping ka nanaman 'no?" sabi ni Logan na mula sa kusina may dalang sandwich. Tumawa si Kaylie na parang ninenyerbos. tiningnan ko siya, she was sweating and doing all kind of weird gestures. "mga libro lang naman" "Uy diba may utang ka pa na libre saakin?!" biglang sabi ni Jayden at tumalon mula sa likod ng sofa, nakita kong sumimangot  si Kaylie "Ito na nga ba yung sinasabi ko" bulong pa niya sa sarili at pilit na iniiwasan ang titig ng mga kuya. "Ako rin! Natalo kita dati sa chess!" dagdag pa ni Blake tapos sunod sunod na yung pagsasabi na sasama na daw sila, edi sumama na kayong lahat! gusto ko sanang isigaw kaso nahiya ako. "Ikaw Aiden, sama ka?" umiling si Aiden at binalik yung headset sa tenga niya, pinansingkitan ko siya ng mata. Weird guy. Maya-maya't tumingin siya sa dereksyon ko kaya mabilis akong umiwas. May binulong siya kay Tyler at tumango si Tyler. "Sama na ako" tumayo siya at naglakad palapit saakin Ako naman narbigla dahil hindi ko alam ang gagawin ko, Akala ko lalapit siya saakin pero nilampasan lang ako. 'dun ko naibuga ang hangin na kanina ko pa palang pinipigilan. Bakit ko ba siya iniiwasan? ano ba ang meron? para akong tanga. -- Sumakay ako kay Rift, yung Griffin kasama si Aiden. Hindi nga ako nagsalita kasi nakakatakot yung tingin niya, baka mamaya pag nagsalita pa ako baka itulak niya ako bigla, ang taas pa naman nung nililiparan namin Sana sumama nalang ako kay Kaylie, nakasakay sila sa karwahe but I was also curious about the griffin kaya ito yung pinili ko. Its fur was soft at pumikit ako feelingthe air in my face, nakakarelax. nung nakaland na kami safely,  ay lumapit kaagad ako kay Kaylie at kumapit sa braso niya. Nasa harapan namin ang napakalaking gate na gawa sa kahoy. It's about a hundred feet tall with beautiful twirling designs. Nasa taas niyo ay mga dalawang white flag sa magkabilang banda at nung nakita kami nung guard na nasa taas ng tawer sa gilid ng gate ay agad kaming pinagbuksan napahanga ako sa mga nakapaligid. Just like any other market, it had a crowd of people. Maraming shops at stall ang nakapalibot dito. Just like any other home na nadaanan namin ay medieval din ang style nito. People were and creatures alike. You could see wizards showing their magic to little children, serene in the fountain in the middle of the town square singing beautiful songs. Napakaganda ng lugar na ito. Lumapit ako sa isang stall na nagbebenta ng kakaibang pagkain, some were exotic and some were sweet. May mga pagkain din na buhay at gumagalaw pa. "What do you think?" biglang sumulpot si Ash sa tabi ko at nakangiti ng malapad, mukhang proud na proud talaga siya sa bayan nila. "Ang ganda dito grabe" sagot ko at lumapit sa isang stall ng mga pagkain, nung una medyo gusto kong masuka dahil parang mga buhay na uod at mga kamay ng octopus yung binebenta, at kinakain nila yun ng hilaw narinig ko namang tumawa si Jayden sa likod ko "masanay ka na, marami talagang mga exotic food sa lugar na 'to, kilala dito dahil maraming binebentang pagkain galing sa iba't ibang parte ng Vindea" "Mas maraming exotic food saamin" pagyayabang ni Logan "You could see people feasting on serpents this big" he extended his arms para ipakita kung gaano kalaki ang napakalaking uod na tinutukoy niya.  "Well duh, tayo ang supplier ng Capital 'no." sabi ni Kaylie "In the underworld, my homeland. We have different kinds of exotic creatures you know." Kaylie's and Logan's parents are the ruler of the underworld kaya pala maraming exotic food dito.  "Oh my gosh! Dito ka lang muna may nakita akong magandang dress!" She squealed at  binitawan  yung braso kong nakakapit sa kanya at tumakbo sa malapit na boutique. "H-hoy!" sigaw ko pero hindi niya ako pinansin, Wala akong alam sa mga shop dito at iniwan pa niya ako. Bumuntong hininga nalang ako at lumingon sa mga lalaing kasama ko at agad na napasimangot. si Logan, nakikipaglandian sa tatlong mga fairies na nandun sa stall ng mga bulaklak na gumagalaw, si Ash at Blake nagkukulitan at naghahabulan, Si Tyler naman nagbabasa ng libro sa may gilid tapos si Jayden at Aiden ay tahimik na nag-uusap. I just rolled my eyes nang mahagilap ang mga babaeng kanina pang nakatingin sa kanila, some were even bowing their heads to greet them. Iba talaga pag royalty ka.  Nilibot ang tingin sa buong lugar, hindi ko maiwasang mapangiti ang ganda dito. Parang bumalik ako sa oras kung saan hindi pa modern ang mundo, kung saan simple lang ang pamumuhay ng mga tao. The people here looked happy and contented with what they have. maraming mga karwahe ang naglalabas-masok sa gate, siguro mg imported goods sa iba't ibang kaharian. Exotic food came from the underworld kung saan namumuno ang parents nina Logan, Kaylie at Jayden, Tyler's family is incharge of Security and safety of the kingdoms, Seafood came from the Aqua Faction kung saan namumuno ang mga magulang ni Blake. At finally, dito sa Capital ng Vindea kung saan namumuno ang mga magulang ni Aiden at Ash.  Di ko pa nakikilala ang parents ni Ash na dito lang nakatira dahil palagi silang nasa travel, meeting with other Factions. "Uhhm" lumapit ako kay Tyler, he looked at me at hinihintay ang sasabihin ko "maglilibot lang muna ako, pwede ba?" tumango siya at tipid na ngumiti "Sige basta wag kang lalayo"  ngumiti ako at mabilis na tumango, para ko siyang kuya. naglakad lakad lang muna ako "Miss, eto magandang kwintas para sa binibining katulad mo" "Tinapay Miss, mainit init pa" "Preskong isda! bili na kayo!" natutuwa ako sa mga taong nadadaanan ko, mukhang mababait pero sabi ni Blake wag daw magtitiwala agad kaya ngiti lang ang itinugon ko sa kanila. nagliwanag ang mga mata ko nung nakakita ako ng bookstore, agad akong pumasok dito at ngumiti sa matandang babae na nagbabantay. The bookstore was old and the paint around it looks faded, kulay brown, cream at red ang theme ng store. Mukhang makaluma na ang mga libro at tanging mga lampara ang nagbibigay liwanag sa loob.  naglibot libot ako at kumuha ng mga libro na gagamitin at babasahin ko, kasama narin ang History, creatures, weapons, abilities at training. May libro din para sa kung anong nangyari kung bakit nabuo ang Vindea. pero librong itim na nakita ako sa may pinakamataas na shelf, inabot ko yun dahil marami akong naapakan on my way to the top  tinanggal ko ang mga alikabok na nakapalibot dito. It was really old, parang limampung taon nang hindi nabubuksan. Hinawakan ko ang letrang nakalagay sa baba D.D. Nang binuksan ko ito ay biglang humangin ng malakas, ang bell ng store na tumutunog pag may pumapasok ay patuloy na nag-iingay pero wala namang tao. Nakaramdam ako ng laming habang binubuksan ang mga pahinang nagkukulay dilaw dahil sa kalumaan ngunit walang nakasulat dito. Hindi ko nalang ito pinansin at patuloy na naghanap ng libro. Masaya akong tumitingin at nasa walong libro na ang nakuha ko, maliit palang ito kumpara sa mga dinala ko dito sa Vindea, halos mapuno na yung maleta ko sa mga libro, most of them were my favorite novels. narinig ko ulit yung bell na hudyat na may pumasok, nasa huling bookshelf ako at liblib ang lugar, sumilip ako at may nakita akong pumasok na nakacloak bigla akong hindi  mapakali at kinabahan ng hindi alam ang dahilan. inilagay ko yung mga librong nakuha ko sa bag at mamaya nalang ito babayaran, hindi kasi mabuti ang pakiramdam ko sa lugar na ito. Aalis na sana ako nung narinig ko yung sigaw nung matandang babae, nanginginig akong sumilip at nakita kong hawak hawak siya nito sa leeg, lumilitaw. The lady looked at me and begged me to help. Nabahala ako at naawa dun sa matandang babae kaya lumabas ako mula sa shelf na pinagtataguan ko at pinagdasal ko na hindi pa ako mamatay. Hindi ko iniwas ang tingin sa taong nakacloak at kinapa kung ano man ang nasa likod ko, sa huli ay isang mabigat na libro ang nakuha ko at mabilis itong naibato sa tao.  binitawan niya ang babae, mabilis itong nahulog sa sahig at pilit na humihinga, nakaramdam ako ng kaluwagan nang bumalik ang dating kulay ng babae. "Grraaahhhh!" Tumakbo ang taong nakacloak palapit saakin at mabilis akong  hinawakan  sa leeg  at pinilit akong iangat sa sahig, takot na takot ako nung makita ko ang buo niyang pagmumukha, para siyang halimaw, tao na halimaw. He was sharp needle like teeth and grayish skin color, his face was that of an ogre and his eyes were b****y red. naiiyak na ako at nafrufrustrate, ang ayoko sa lahat ay yung parang ginagapos ako at wala akong magagawa, ito na ba yung kamatayan ko? ayoko pa ni hindi pa nga ako nakakapagsabi ng totoo kay mommy na hindi ako sa university nag aral. I struggled under his hold that was trying to block all of my airways. nagsimula akong makaradam ng pakahilo  slowly drifting into darkness, di ko na marinig ang mga sinasabi niya, I was drowning in my own thoughts, unable to breathe. "Where is the book?!" hindi ko siya maintindihan pero naramdaman kong mas humigpit ang hawak niya sa leeg ko, pinilit kong gamitin ang ability ko pero hindi ko mapalabas, I was too weak. I was losing consciousness when I heard muffled screaming, at bigla akong bumagsak sa sahig. Umubo ako ng umubos, gasping for air and trying to survive. My head was still swirling in the sensation and I felt like I was going to p**e. "Omygosh, I'm so sorry Fris"Naiiyak na sabi ni Kaylie na nasa tabi ko pero wala akong lakas na sumagot, biglang nawala ang lakas ko. She hugged me tight pero wala akong maramdaman. "Hey" "Hey" isang malalim na boses ang narinig ko at ang mahinang pagtapik sa pisngi ko ang huli kong narinig at naramdaman bago umitim ang lahat. ---------------------------------------------------- END
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD