Meeting the Rykers

2026 Words
LADY ELAFRIS HALE "Dang Rift, how many times do I have to tell you to land swiftly?" Lumabas kami dahil sa malakas na ingay ng parang malaking pakpak sa itaas ng bubong ng bahay.  Hindi ako makapaniwala sa nasa harapan ko ngayon, A real life Griffin! Noon, nababasa ko lang siya sa mga libro, ngayon nasa harapan ko na!  It was a magnificent creature,  a legendary creature with the body, tail, and back legs of a lion; the head and wings of an eagle; and sometimes an eagle's talons as its front feet. Bumaba naman galing sa likod niya ang isang lalaki na hindi ko kilala. May pula siyang buhok that shined as soon as the sun hit it, It was like flames. You could say that he's the troublemaker type dahil na rin sa nakakatakot niyang mata na kahit titingnan ka lang ay gusto ka nang patayin. His eyes were sharp, pointed, dark and dangerous. "Aiden naman! Diba sabi ko sayo na bawal kang magland sa harap ng bahay?! Papagalitan tayo nina mommy neto eh!" bulyaw sa kanya ni Blake na pilit na pinapaalis ang Griffin sa bagong gupit nilang d**o but the Griffin only scoffed at him. Hindi naman siya nito pinansin at pumasok sa bahay at nilampasan lang ako, maya-maya't dahan-dahan siyang umatras at tinitigan ako Kumunot ang noo ko, hindi ba niya alam na ayaw ng mga babae ang tinititigan? Nakaka self conscious tuloy "Who the fudge are you?" mas kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya, how rude. "excuse me?" Pumagitna si Kaylie saaming dalawa "Kuya Aiden, siya si Elafris Hale. Yung bestfriend ko sa human realm" Tinaasan lang niya ako ng kilay at nagpatuloy sa pagpasok ng bahay, ang suplado ah, akala mo naman kung sinong gwapo. well, gwapo siya but who cares kung masama naman ang ugali. "pasensya ka na sa isang yun. May pagkasuplado talaga minsan" pagpapaumanhin saakin ni Jayden "Okay lang" ngumiti ako at nilibot ang tingin sa buong kapaligiran, grabe ang ganda talaga dito, mula sa malayo kitang kita ko na ang Safiara Academy. The place was full of trees and plants and flowers and somehow, all of them looked magical.  Ito yung gusto kong makita, ito yung matagal ko nang inaantay. The view was breathtaking. "Soooo, mag unpack ka na. ipapakita ko sayo ang kwarto mo at kakausapin natin sina tita Lisanna pagkatapos para mafinalize mo na ang pagtratransfer dito" sabi ni Kaylie. Tumango naman ako, excited akong makilala ang reyna ng mundong ito. I wonder what she looks like? sophisticated? Elegant? baka naman strikta at masungit. Mukhang masungit yata. -- Papasok na kami sa loob ng kasilya at hindi ko maiwasan ang mamangha. Ikaw ba naman makakita ng pagkaganda gandahang kasilya. The It was a victorian themed home, filled with chandeliers above, huge paintings and picture frames that I assumed to be the family portrait. Napakunot ang noo ko.  isang lalaking gwapo, the man gave a gentle smile at babaeng may pula na buhok. They were holding a toddler that looks annoyed during the pictorial. Nagulat ako sa babae, she was tiny and was smiling from ear to ear, she was so beautiful and happy. Pumunta na kaming walo sa sala at dun naghintay. We were sitting at a ruby colore sofa facing a medieval styled furnace, sa harap nito ay mat mula sa balat ng isang oso.  Mukhang hindi mahilig ang mga tao dito sa modern style. Most of the homes and styles that I see are Victorian/Medieval themed. "Manang, nasan po ba sina tita Lisanna?" tanong ni Kaylie sa isang katulong, yumuko naman muna ito bilang paggalang bago siya sagutin. "nasa garden po, kasama si King Flame" tumango naman si Kaylie at nagpasalamat. Nakaramdam ako ng may nakatitig saakin kaya lumingon ako at nakita yung Aiden na nakatitig saakin, kumunot ulit ang noo ko at umiwas ng tingin. Ano ba ang problema niya? Nakakakilabot. simula nang pumunta kami dito ay palagi na niya akong tinitingnan. Hindi ko siya kilala dahil hindi naman siya kasama sa banda at hindi ko naman siya nakikita sa tuwing nagpeperform ang Blood Empire sa human realm. Narinig ko mula kay Kaylie na yung mga magulang ng iba niyang mga kasama ay nasa iba't ibang kaharian kaya sila lang ang nandito, hindi ko nga lang alam kung sino ang mga magulang ng Aiden na yun. "Lika Fris, puntahan natin sina Tita" sumunod ako sa kanya habang nagpaiwan ang mga boys sa sala at nagmeryenda o di kaya naglalaro ng video games. "Meow! Kunin mo oh! Bat ayaw mong gumalaw? Fetch!" naririnig ko ang mga sinasabi ng isang babae sa likod ng pintuan na nasa harap namin ni Kaylie. She had red hair na umaabot sa kanyang balakang, I couldn't fully see her face since she has her back turned at me. She was playing with the black cat, hinahagis niya ang bola pero ang itim na pusa ay walang ginawa kundi humiga at matulog. Nagtaka tuloy ako kung reyna ba talaga o bata ang namamahala sa buong Vindea "Baby, Black is not a dog, he's a cat and cats don't do fetch" sagot naman ng isang lalaking boses, hindi ko makita ang lalaki dahil natatabunan pa ang ibang parte ng kwarto dahil sa pinto. "Shut it Flame, ako ang kauna-unahang reyna na makakapagpafetch sa pusa" "Riiggghhhtttt." the voice answered sarcastically. "Sorry, they tend to be more hyper for a royal couple" bulong na sabi ni Kaylie saakin pagkatapos ay kumatok siya. medyo matagal ang pagbukas pero nung nagbukas na, may babaeng may pula ang buhok na nakasilip saamin, She was small and adorable, she had big doe eyes and a pointed nose and pinkish lips. Di mo maiisip na lampas 30 or 40 na ang edad nito, she looked so cheerful. "Oy Kaylie!" tuluyan na niya itong binuksan at niyakap si Kaylie ng mahigpit "kumusta na ang pinakamaganda kong babae na pamangkin?" "Tita, ako lang po ang babae niyong pamangkin" natatawang sabi ni Kaylie at yumakap pabalik. The woman chuckled. "hehehehe, ganun ba?" niyakap niya ulit ito at lumingon saakin "ikaw ba si Elafris?" "Opo" ngumiti siya at niyakap ako, she was warm and welcoming "I'm Lisanna, but I prefer Lean." "A-ah, hello po" I said politely, who knew the queen could be so casual. "You must be tired, upo muna kayo" Humalik si Kaylie sa pisngi ng isang lalaki na hindi ko kilala pero gwapo siya kahit may edad na but he reminds me of someone though. He had black hair, black eyes that were like sinkholes and his body was bulky, fit for a king hindi tulad ni queen Lisanna. Napatingin ulit ako sa reyna na kumakain ng chocolate sa taas ng mesa at napangiwi, The king was actually looked like and behave like a king. "Hi po tito" "Hey, did he come with you?" tanong sa kanya ng hari, tumango naman si Kaylie at umupo sa tabi nito "Good, akala ko ay tatakas nanaman iyon." lumingon siya saakin pagkatapos " and what brings you here young lady?" ngumiti naman ako ng alanganin, I'm still not used to this whole king and queen thing. "Gusto ko pong mag aral sa Safiara Academy"  tumango tango siya at nagtanong pabalik  "and why is that?" Napatigil ako dun. Bakit nga ba? Bakit ko ba gustong mag aral dito? Bumuntong hininga ako bago nagsalita "Feeling ko po kasi pag dito ako mag aaral accepted po ako. I really feel like I belong here at marami pa po ako gustong matutunan" huminga ako ng malalim  "It's just that my whole life I believed that I was weird, a monster, a freak. different. then nakilala ko si Kaylie and she said that she was just like me and she told me about this amazing place tapos napag-isipan ko na pumunta dito. I wanted to feel okay." tumango tango siya at ngumiti pero saglit lang "Alright then, welcome" nagulat ako, ganun lang kadali? Natouch ba siya sa sinabi ko? but yet again I was happy, my heart was delighted. "P-po?" "You are already enrolled to Safiara Academy, class starts tomorrow. enjoy your stay"  nakanganga ako habang nakatingin sa kanya, akala ko marami pang kaechosan kaya nag dala ako ng marami raming documents, I wanted to jump for joy but it's not proper to behave like that infront of the royal couple. "Mom, dad" lumingon kami ni Kaylie sa bagong pumasok. kumunot ulit ang noo ko, napapadalas na yata ang pagkunot ng noo ko ah? di magtatagal magkaka wrinkles na ako neto. Si Aiden? anak siya ng Reyna at Hari? "Prinsipe ka?" gulat na tanong ko sa kanya, he just smirked at me. The Naalala ko yung portrait sa loob ng bahay, siya pala yung chubby toddler na nakasimangot sa picture! bat di ko nakilala? sabagay ang taba niya don at napakacute pa. Di tulad ngayon. narinig ko ang pagtawa ni Tita Lisanna, wow maka tita feeling close agad. "What a familiar scene" umiiling-iling pa niyang sabi habang naglapag ng juice sa mesa. hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya pero yaan na. "Lika dito babyyy kooo!" yumakap si Tita Lean kay Aiden at pinaghahalikan ito. halata aman sa mukha ni Aiden na parang nahihiya siya "Mom, stop that  please" "C'mon. you're still mommy's big boy" walang nagawa si Aiden kundi mapangiti nalang. bigla naman akong kinilig ng hindi malaman na dahilan. ano ba yan ang landi ko, falling for guys who love their moms. "What room did you give her?" tanong ni Tito Flame kay Kaylie, tumigil naman si Kaylie sa pagkain at napaisip. "yung kwarto po ni Tita Lean kasi yun nalang po yung available" pagsagot nito. ngumisi ulit si Tito Flame "History really repeats itself" agad naman siyang siniko ni Tita Lean "magsalita ka pa" "I'm sorry alright?" The king let out a low chuckle at tumingin saaming dalawa ni Aiden. nagulat nalang ako at pareho kami ni Aiden ng reaction. nalilito and we spent the rest of the afternoon chatting pero nakakailang parin dahil nakatitig saakin si Aiden buong magdamag  -- "So, ito yung mga rules at mga upcoming tests" nandito si Kaylie sa kwarto ko at sinasabihan ako tungkol sa mga pasikot sikot at grading system ng Safiara Academy. so apparently, there are four classes (A-D) with 4 different years Freshmen to Senior). Napatango ako, hindi naman pala ganon kacomplicated dito. "marami ang nagbago simula nung sina tita Lean ang namuno sa buong Vindea and trust me, it's way more better and fun than the last one." tumango tango ako habang tinitingnan ang mga binigay niya saaking papel, maka sabi ng 'fun'akala mo naman dito nag-aaral. "Ang saya talaga dito, hindi ako nagkamali na dito magtransfer" nakangiti kong saad habang nakatingin sa uniform at ID kong nasa hanger "Pero Ela, okay lang ba talaga 'to sa mommy mo?" sandali akong napaisip, I shrugged it off. "Nah, mom won't know, she doesn't need to" patuloy akong kinakain ng konsensya ko habang dumadaan ang mga araw.  "Well, if you say so. sila kuya ang makakasama natin since sila lang naman ang mga kaclose natin" naalala ko tuloy ang tanong ko na dapat kanina ko pa tinanong "bakit ikaw lang ang babae? bakit magkakaedad lang sila? bakit sila puro lalaki? bakit hindi ko nakikita si Aiden tuwing concert nila?" natawa naman siya sa tanong ko at napailing, What? I'm just curious. "Una, ewan ko ba sakanila. baka dahil tinadhana na mga lalaki ang sunod na mamumuno? sabay sabay din yung mga mommy namin na nagdalantao, ewan ko ba, destiny yata. at si Kuya Aiden naman, ayaw niyan ng exposure at maraming tao pero pag sa Academy na, lakas makahatak ng atensyon ng mga babae kahit huminga lang" tumango nalang ako ng tumango. grabe na talaga 'to, pagnalaman 'to ng mga dati naming mga kaklase ni Kaylie, sasabunutan talaga ako nun. Magiging classmate ko yung idol nila eh, hindi lang classmate, housemate pa. Okay lang kung si Kaylie kasi popular siya at maganda, eh ako? din naman ako kagandahan at bookworm din ako. Nakakapagtaka kung bakit napabilang ako sa kanila, I think I just got lucky that Kaylie was my bestfriend. "Tulog ka na Elafris, may pasok pa tayo bukas. excited na talaga ako! first time ko 'to!" masya niyang sabi saka humiga sa higaan niya na katabi ng saakin. Hers was all pink and mine was yellow. Both of our favorite colors. tumawa din ako, taga dito si Kaylie pero ngayon lang siya makakapag enroll dahil sa human realm siya nag aral nung maliliit pa kami. She just came hear for vacation or kapag nahohomesick siya or namimiss niya parents niya. mga bata palang din kami nung malaman niyang may ability ako at pinakilala niya ang Academy, ang mundo nila at ang mga kuya niya. I'm so excited! -- END
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD