CHAPTER TWO

1010 Words
CHAPTER 2: Anton Nang makarating sa paaralan ay may limang minuto pa lamang bago magsimula ang aming klase kaya napagpasyahan ni Anna na pumunta muna sa upuan sa harap ng kanilang library. Walang ibang laman ang kaniyang isip kung hindi ang katipan lamang na si Andrew. Nagulat na lamang ako ng bigla na lamang limitaw sa aking harapan ang aking matalik na kaibigang ngiti ng ngiti sabay talak ng bibig na. “A-Anna….” Hindi ako agad nakasagot sa sobrang gulat sa kanya kaya winagayway niya ang kanyang kamay sa aking harapan sabay sabing, “Hoy anong nangyari sayo ba’t ang lalim ng isipan natin? tanong niya bigla. “Wala,”sagot ko. “Alam ko na ‘yan nag away na naman kayo ng boyfriend mo ano,”sabi pa nito. “Hindi na lang ako sumagot sa kanya dahil alam kung kilalang kilala niya na ako,” “Huwag muna ngang isipin yun sabi ko naman sayo hiwalayan mo nay un eh hang tigas parin ng ulo mo,” “Alam mo naman na mahal na mahal ko si Andrew Sang kaya hindi ko kayang gawin yan,” “Hay nako bahala ka nga Anna,”sabi na lamang nito. “Ayyy teka may chika ako sayo alam mo bang may gwapong teacher at macho na papalit kay Ginang Dolores? patuloy pa nito. “Tara na Anna,” Hindi na ako nakasagot dahil kinaladkad na ako ng bruha kong kaibigan atat na atat ata na makapasok sa aming room akala mo naman may kailangan gawin. Nang makapasok kami sa room ang iingay ng mga kaklase namin naabutan naming ang iba ay nagkagulo sa paglalagay ng kolorete sa kanilang mukha at ang iba ay sa pagsusuklay ng kanilang buhok. Dumiritso na lamang ako sa aking upuan at hindi na sila pinansin. “Anna, hindi k aba maglalagay din ng make up? Lingon na tanong sa aking kaibigan. “Bakit naman ako maglalagay? tanong ko din pabalik. “Malay natin diba?” ngiti na sabi nito. Hindi ko na lang pinansin ang bruha kong kaibigan na akala mo walang problema dahil ngiti ng ngiti. Bigla na lang tumahimik ang maingay kong mga kakalse at nagsibalikan sa kani-kanilang mga upuan akala ko kung bakit ng magtaas ako ng tingin sa harapan, perpektong mukha ang una kong nakita maliit na hugis nito, ang makakapal na pilik mata, matangos na ilong nito at ang mapupulang mga labi. Maganda din ang katawan nito sobrang kisig ng tangkad nito at ang nakadepina na panga nito na mas lalong nakakaattract nito. “Good morning sa lahat,”ani nito. “Good morning din sir,” masigla na togon pabalik ng aking mga kaklase. “Alam niyo na siguro na ako ang iyong pansamantala na guro sa subject na ito, I am Anton Presko, 28 years old. Hindi talaga ako guro pero napag utusan lang kaya nandito, isa akong license engineer and a gym instructor. May iba siguro dito ang nakita na ako kung mahilig kayo mag gym,”sabi nito Sabay na sabay sumagot ang aking mga kaklase kaya akala mo palengke itong napasukan ko. Kaya minabuti ko na lamang na manahimik kaysa sumabay pa sa kanila hindi naman ako interesado. Alam kung gwapo talaga itong si sir Anton hindi mo talaga madedeny pero pumasok bigla sa isipan ko ganitong klaseng mga lalaki ay habulin ng mga babae kahit sino kaya nitong mapaamo at hindi ito mawawalan ng babae kaya hindi ako maniniwala kung wala itong girlfriend. Nagpakilala kami isa’t isa dahil iyon ang gusto ni sir Anton. Ng ako na ang tumayo ay hindi ko alam kung bakit totok na totok si sir Anton sa akin kung makatingin. “Good morning sir again, I am Anna De Los Santos 24 years old thank you,” Uupo na sana ako ngunit biglang may tinanong sa akin si sir Anton. “what is your motto in life?” “My motto in life sir is that do whatever makes you happy, because happiness is priceless,”sagot ko sabay upo. Ngumiti lang si sir Anton sa akin at nagpatuloy na sa susunod na magpakilala, kinalabit bigla ako ng kaibigan ko at sinabi, “Interesado ata sayo si sir Anton beshie,” tawang sabi nito. Sinipat ko ito at saka sinagaot. “Tumahimik ka at wala akong pakialam malabo ata yang sinasabi mo bruha,” “Hoy bruha malay natin baka ma head over heels sayo si sir Anton ang haba ng hair beshie,” Hindi ko na lang pinansin ang aking kaibigan at tumahimik na, may pinagawa lang sa amin si sir Anton at nagdismmised na agad kami. Natapos ang araw at uwian na ngunit hindi pa rin ako tinantanan ng aking kaibigan, sabay kaming uuwi pero magkahiwalay ang daan na aming tatahakin. “Beshie iba talaga ang pakiramdam k okay sir Anton ehh parang may kakaiba talaga,”ani pa nito. “Lagi ka niyang tinitingnan minuto minuto beshie, hindi mo ba talaga napapansin,” “Hindi bruha normal lang naman para ka lang talagang nasisiraan ng bait diyan sa pagmamasid mo puwede ba bruha tantanan mo muna ako may iba akong iniisip,” “Galit agad beshie? Sinabihan lang naman kita kug anong napansin ko ahh bawal bay un?” “Iwan ko sayo bruha,” lang ng iba or di ba ipalit mo na lang kaya si sir Anton,” “Baliw kang bruha ka,” Tumawa lang ito palayo at saka sumakay sa jeep na sakayan patungo sa kanila habang ako ay ganun rin, magkasabay lang na tumakbo ang jeep na sinakyan naming dalawa. Pumara ako sa kanto papuntang bahay namin dahil hindi na pupunta pa ang jeep papasok sa amin. Naglakad pa ako ng limang minute para makarating sa bahay, pagpasok ko sa bahay ay nagbihis agad ako dahil akala ko pupunta ako ng palengke dahil maninda ng mga prutas ngunit nadismaya ako ng sabihin ng aking nakakatandang kapatid na si Inay na raw ang maninida sa hapong ito. Kumain na lang ako ng maaga at saka nagkulong sa kwarto at nakatolog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD