CHAPTER 3: PAGHATID
Maaga pa rin akong nagising sa araw na ito dahil may pasok pa kahit gustong gusto ko pa talagang matolog, bumangon na lang ako at saka naligo at naghanda sa pagapasok sa paaralan. Pagkatapos maligo at maghanda kumain na ako agad at nagsipilyo pagkatapos. Mabuti na lang at hindi ko naabutan si Inay dahil sernon na naman ang aking aabutin sa kanya.
“Bunso aalis na ako,” pagpaalam ko sa nag iisang bunso naming lalaki.
“Pakisabi kay Inay Na may hihingin ako sa kanya mamaya,”
“Opo ate.” sagot nito.
Tumahak na ako patungong daan nagbabakasakali na maabutan ko doon si Andrew na naghinhintay sa akin kahit magkita lang kami saglit ngunit matamlay akong naglakad ng natanaw ang daan na walang katao tao. Nalungkot ako bigla at naghintay pa talaga ako ng ilang minuto dahil nagbabakasali na darating si Andrew. Napagod na lang ako sa katatayo ngunit wala pa ring Andrew na dumating, pinara ko na lang ang jeep na dumaan at sumakay kahit alam kong late na ako sa una kong klase sa kakahintay.
Nang makarating sa paaralan ay dumiritso agad ako sa room namin at naabutan ko si sir Anton na nagdidiscuss sa harap at natigilan ito at humarap sa akin.
“De Los Santos anong oras na bakit ngayon ka pa lang nakarating?” tanong nito sa akin.
“Pasensya na po sir matagal po akong nakasakay ng jeep papunta dito,”pagpapaumanhin ko dito.
“Sige pumasok kana,”
“Salamat po sir,” sabi ko sabay pasok at upo sa upuan na para sa akin.
Nagpatuloy si sir Anton sa kanyang ginagawa habang ang magaling kong kaibigan tanong ng tanong sa akin kung bakit ako na late sa pagpasok.
“Hoy bruha saan ka galling huwag mong sabihing nagkita pa kayo ni Andrew bruha?”
“Pagagalitan ka na naman ni Aling Martha pag nalaman niya na naman yan bruha ka talag,”dagdag na wika nito.
“Paano kami magkikita kung wala siya? sabi ko nito.
“Ano bruha hindi ko naintindihan,”
“Mamaya na lang tayo mag usap baka pagalitan tayo nito.”
Tumahimik naman ang bruha at saka nakinig na lamang kay sir anton. Pagkatapos ng klase namin ni sir Anton ay may klase na naman kami bago ang recess time. Kaya pagkatapos ng pangalawang klase naming ay kinaladkad agad ako ng bruha.
“Bruha puwede ba dahan-dahan lang kung makakaladkad ka para akong aso niyan,”
“Tumahimik ka beshie dahil marami kang sasabihin sa akin ngayon anong nangyari at nahuli ka hindi ka naman ganyan,”
Pagkarating naming sa canteen sa aming paaralan ay umupo agad kami at nag order ng pagkain. At pagkatapos sinimulan na niya akong ipaliwanag kung bakit kaya sinabihan ko na kasi hindi talaga titigil ang bruha pag hindi nito malaman.
“Nag usap kasi kami ni Andrew sa nagdaan araw at sinabihan ko siya na huwag muna kaming magkita pansamantala dahil gusto kong magfocus sa pag aaral pero hindi naman talaga iyon ang dahilan alam mo na yun kung bakit bruha,”
“Oo na ipagpapatuloy mo dali,”
“Tapos nag away kami dahil hindi siya papayag sinabihan ko siya na intindihan niya muna ngunit hindi talaga eh nagalit lang lalo bakit raw ngayon pa ehh matagal na kami.”
“Tinanong pa talaga niya ako kung mahal ko ba talaga siya kaya sinabihan ko na oo at alam na alam niya iyon,”
“Alam mo beshie mahal lang ni Andrew yang sarili niya hindi ka talaga niyan mahal dahil kung mahal ka niya maiintindihan niya iyon,”
“Teka nga muna saan doon ang paliwanag mo kung bakit ka nahuli kanina?”
“Puwede ba bruha patapusin mo muna ako.”
“Ayy sorry naman beshie sige pagpatuloy mo.”
“Iniwan ako bigla ni Andrew sa araw na iyon bruha hindi na kami nag usap pang muli tinawag ko siya ngunit hindi niya ako nilingon kahit sa unang beses man lang, kaya din nahuli ako kanina dahil hinintay ko pa talaga siya nagbabakasakali ako na magkita man lang kami saglit pero bigo pa rin ako.”
“Tarantado pala yan si Andrew ehh hiwalayan mo na lang kaya yan beshie sabi ko naman sayo diba.”
“Alam mo na ang sagot niyan bruha hindi ko na kailangan magpaliwanag sayo.”
“Oo na oo na alam ko na,” wika nito.
Hindi na naming natapos ang usapan dahil nag bell na hudyat na may panibagong klase na naman kami kaya tumayo na lang kami at pumunta sa room naming strikta pa naman din ang guro naming. Natapos ang araw na puro discussion ang nangyari hapon na at uwian na naman. Lumabas na kami ng aking kaibigan at naglakad patungong jeep ,ng makarating sa sasakyan pinasakay ko lang ang aking kaibigan dahil naisipan kong maglakad na lamang papuntang bahay hindi naman masyadong malayo kaya okay lang.
Habang naglalakad ako bigla na lamang may huminto na sasakyan sa aking tabi akala ko ay may bababa nito ngunit nabigla ako ng magbaba lng ito ng salamin at nakita ko ang mukha ni sir Anton. Tinawag niya ako at pinasakay sa kaniyang sasakyan tatanggi na sana ako ngunit nahihiya ako dahil maraming sasakyan ang nakasunod sa kanya baka ipagpilit niya pa at matagalan pa.
“Bakit k naglalakad kaya rin ba nahuli ka kanina dahil naglalakad ka lang?” tanong nito habang pinapaandar ang sasakyan.
“Hindi po ako naglalakad kanina sir naghihintay po talaga ako ng jeep at natagalan kaya po ako nahuli,”
“Okay,”
“Taga saan ka pala?” tanong ni sir.
“Taga Danapo po ako sir,”sagot ko naman.
“Ganun ba taga roon din ako so magkapitbahay lang tayo,” Lingon nitong sabi.
“Saan ba banda ang bahay niyo?”
“Sa may tabi po ng may tindahan ni Mang Tomas,”
“Ihahatid na lang kita kung ganun talagang magkapit bahay tayo.” sabi nito
Hinatid nga ako ni sir sa tapat ng bahay nagpasalamat ako nito at kung minamalas ka rin naman nakita kami ni Inay at pumunta pa talaga siya sa sasakyan at tinanong kung sinong kasama ko.
“Anna sino yang kasama mo?” tanong nito.
“Si sir Anton ang sumagot ako po pala si Anton nanay ako po ay guro ng iyong anak ihinatid ko lamang po siya dahil nakita ko sa daan at magkapitbahay lang po talaga tayo,”
“Ganun po ba sir salamat po kung ganoon,”
“Walang anuman po nanay, Anton na lang po itawag niyo sa akin,”dagdag pa nito.
“Iho pasok ka muna at magmeryenda,”sabi ni Inay.
Sana hindi papaya si sir Anton sa alok ni Inay dahil nakakahiya machismiss pa ako ng mga kapitbahay, ngunit ng biglang sabihin ni sir na,
“Sige po epa park ko lang po ng maayos ang aking sasakyan nay,”
“Sige pasok ka lang iho hah maghahanda na ako ng meryenda at ikaw Anna hintayin mo ang guro mo,”
Wala na akong nagawa hinintay ko si sir Anton at ipinasok sa bahay at doon nagmeryenda si sir at nag usap silang dalawa ni Inay.sss