Chapter 83: Martyr Nako si Inay talaga hindi naman ako magmamatigas ng ulo dahil alam kong hindi madali amg alagaan ako nahihiya na nga ako magmamatigas pa kaya ako ng ulo. Susunod naman ako kay Anton kong para sa ikabubuti ko hindi naman ako mag iinarte pa saka sinusunod ko naman ang mga bilin ni Anton. “Hindi naman po ako nagmamatigas ng ulo Inay,” sagot ko kay Inay. “Mabuti naman kong ganun iha dahil hindi madali ang ginagawa ng asawa mo ka pinili ka niyang alagaan kaysa sa trabaho niya at lalong mas pinili niyang diyan ka para siya ang mag alaga sayo.” “Alam ko naman po iyan Inay sinusunod ko naman po ang kanyang mga payo at utos sa akin kaya huwag na po kayong mag alala dahil hindi po matigas ang ulo ko sa pagsunod kay Anton.” “Mabuti naman iha siya nga pala kumain ka na ba?” tan

