Chapter 82: Huwag Matigas Ang Ulo Dahan dahan akong binuhat ni Anton at dahan dahan rin siyang naglakad patungo sa kusina kahit na mahina lamang ang kanyang lakad ay nakakapit pa rin ako sa leeg nito sa takot na baka sakali na mahulog ako. “Dont worry hindi kita hahayaang mahulog,” sabi naman ni Anton sa kanya ng maramdaman siguro nito ang pagkatakot ko. Kaya ng nakarating na kami sa kusina ay pinaupo niya ako sa upuan nalahanda na lahat sa lamesa mainit pa masyado ang ulam ehh. Sinabawang baboy pala ang niluto ni Anton kaya di ko tuloy maiwasang matakam dahil paborito ko iyon ehh basta may sabaw saka masarap ang timpla niya. “Ayos na ba?” tanong ni Anton. “Oo ayos na komportable na akong nakaupo,” sagot ko sa kanya. “Alright.” “Nagluto ka pala akala ko nag order ka lang ng pagkain

