Chapter 42: Kung Ganyan Lang Sana Kami “Hihiramin ko muna itong kapatid mo iha dadalhin ko sa kwarto ni Anton para masukat niya ang ibibigay na damit ni Anton,” sabi nito sa akin. “Sige po pa.” Umalis na nga ang papa ni Anton saka ang kapatid ko naglakad sila paakyat ng hagdan habang naiwan naman kaming dalawa ng ina ni Anton rito sa sala. “Kamusta kayo iha?” tanong sa akin nito. “Ayos lang naman po ma kayo po rito kamusta kayo na lang dalawa ni papa ang nandito?” “Medyo nakakamiss si Anton dahil nasanay kaming uuwi siya rito pero ayos lang din naman iha kahit nangungulila kami sa kanya dahil alam naman namin na may asawa na siya,” nakangiting wika ng mama nito. Hindi ko tuloy maiwasan makonsensya sa kanila dahil unang araw pa lang nga namin na mag asawa ni Anton inaway ko na siya.

