Chapter 96: Nang gising ng maaga Nakatulog na rin naman si Anton sa kagabi umalis na siya agad pagkatapos niyang nakawan na naman ng halik ang asawa habang natutulog ito. Pumunta na rin siya ng kanyang kwarto saka ginawa ang trabaho na naiwan niya kanina at natulog pagkatapos. Pagkagising ni Anna ay nagtataka siya kasi nasa kama na siya ang naalala niya kagabi ay napahiga siya sa lamesa habang naghihintay kay Anton. “Hindi ko ata namalayan ang paglipat sa akin ni Anton kagabi.” Bumangon ako ng dahan dahan ar tumingin sa bintana medyo madilim pa ang labas maaga pa siguro ngayon madaling araw pa ang aga ko palang nagising. Hindi pa nagpapakita ang araw at alam kong tulog pa si Anton ngayon ayaw ko naman siyang istorbohin kahit nauuhaw na ako nakalimutan niya atang maglagay ng basong tubi

