Chapter 8: Inakalang manliligaw
“Hindi na ako magtatagal at aalis na ako,” pagpapaalam nito sa akin.
“Sige po sir maraming salamat sa paghatid kay ate,” wika ng aking kapatid
“Walang anuman.”
“Salamat sir ibgat kayo sa pag uwi,” sabi ko na lang sa kanya.
“Sige,” ngiting sabi nito bago umalis.
Hinatid ko iti ng tingin patungo sa labas haanggang nakasakay ito sa sasakyan niya.
“Uyy ate ang gwapo nun ahh,” sabi ng kapatid ko.
“Nanligaw ba?” tanong pa nito.
“Ano kaba Alma guro ko iyon sa paaralan hinatid lang ako kasi wala na kaming masasakyan ni Isang,” sagot ko sa kanya.
“Ay akala ko nanligaw iyon sayo ate ang gwapo nun ehh.”
“Hay nakong bata ka mas mabuti pang mag aral ka na mabutu huwag iyan yung atupagin mo,” sabi ko sa kanya.
“Hindi naman ate pinupuri ko lang yung kagwapohan niya,” pagpapaliwanag pa nito.
“Ohh bakit hindi ka pa natulog anong oras na?” tanong ko sa kanya.
“Naaliw kasi ako sa panonood ng tv ate kaya hindi pa ako natulog," sabi naman ni Alma.
"Ohh sige na matulog ka na gabi na ako ng bahala sa pagpatay ng mga ilaw dito sa sala," ani ko sa kapatid.
"Sige ate mauna na po ako."
Tumango ako sa kanya at hinatid siya ng tingin ng
nagtungo na siya sa kanyang kwarto para matulog na habang ako ay umupo muna saglit sa aming sala para makapagpahinga saglit saka naisipang patayin na lahat ng ilaw sa sala para pumuntang kwarto.
Inalala ko pa rin si Andrew kong bakit hindi man lang ito nagpaalam sa akin kong aalis pala siya.
"Ganun na ba ang galit niya sa akin dahil hindi man lang niya ako maisip at iwan na lang ako basta," ani ko sa sarili.
Kahit sulat kamay man lang na kaya niya ibigay okay na sa akin iyon mabasa ko lang ang dahilan kong bakit siya aalis ng hindi nakapagpaalam sa akin at may plano pa ba siya na babalik pa rito sa amin.
Halos hindi ako nakatuloy kagabi sa pag iisip kay Andrew may klase pa naman ako saka maaga ang unang pasok namin kaya dali dali akong bumangaon sa higaan para makaligpit ng kumot at unan saka na dumiritso ng banyo para maligo.
Kumatok ang aking kapatid na si Alma sa pinto.
"Ate kakain na po," sigaw nito.
"Naliligo pa ako mauna na lang kayo susunod ako pagkatapos magbihis," sigaw ko ring sagot sa kanya.
Minadali ko na ang pagliligo saka lumabas at nagbihis ng uniporme pangpaaralan. Kinuha ko na ang bag na dadalhin para puntang paaralan saka nagtungo sa kusina para kumain.
"Ang tagal mo naman Anna anong oras ka ba nakauwi kagabi," sabi ni Inay sa akin.
"Alas 10 na po Inay tinapos pa kasi naman ang party," sagot ko naman sa kanya.
"Ano bang sinakyan niyo pauwi kong ganun?"
"Hinatid po sila nung gwapong lalaki Inay," sagot naman ni Alma.
Kumunot ang noo ni Inay sa sinabi ni Alma kong sino ang tinutukoy nito.
"Hinatid po kami ni sir Anton Inay pinasabay niya po kami sa pagsakay sa kanyang sasakyan kasi nandoon din po siya kasi kaibigan niya ang kuya nong nagbirthday Inay kaya nagkita kami roon," mahabang paliwanag ko kay Inay.
"Mabuti naman kong ganun dahil kong hindi kayo nakasakay sa kanya hindi kayo makakauwi kagabi kasi wala ng masasakyang jeep sa mga oras na yun kaya pasalamat kayo kay iho at nagmamagandang loob na pinasakay kayo mabait na bata," sabi pa ni Inay.
"Inay akala ko nga manliligaw iyon ni ate Anna ehh ang gwapo po nakita niyo na po iyon?" tanong naman ng aking kapatid.
"Oo ana ang gwapong bata siua yung naghatid rin kay Anna sa nagdaang araw bago raw nilang guro iyon," sabi naman ni Inay kay Alma.
"Nagpasalamat naman po kami kagabi Inay," singit ko sa kanilang usapan.
"Mabuti oh siya kumain kana bakit ang tagal mong nagising alam mo namang may pasok ka ngayon Anna."
"Pasensya na po Inay hindi ako masyadong nakatulog hindi na po mauulit," ani ko.
"Ate may girlfriend na po ba iyon?" tanong sa akin ni Alma.
Natanong naman siguro nito kagabi ang tanong nato nakalimutan ko lang sa dami ng iniisip ko kagabi ito talagang batang to basta gwapo ang daming tanong hindi na lang manahimik.
"Hindi ko alam Alam kasi bago pa lang iyon na guro s aming paaralan," sagot ko naman sa kanya.
"Ohh sige kumain kana Anna."
"At ikaw Alma tigilan mo na iyang kakatanong kasi malalate na iyang ate mo pakainin mo na manahimik ka na diyan at kumain na rin," wika ni Inay kay Alma.
Natahimik naman yung kapatid ko at itinoon na lang ang pansin sa pagkain.
Nagsandok na rin ako ng kanin sa aking pinggan saka kumuha ng ulam at kumain na.
"Inay aalis na po ako," pagpapaalam ko kay Inay matapos makapagtootbrush.
"Sige heto pamasahe at baon mo," sabi ni Inay sabay bigay sa akin ng pera.
Kinuha ko naman iyon sa kanyang kamay at saka nagpasalamat sa kanya.
"Salamat po Inay alis na po ako," sabi ko sabay mano rito.
"Sige mag iingat ka."
"Opo Inay."
Lumabas na nga ako ng bahay at naglakad sa may eskinita para doon mag antay ng tricycle or masasakyang jeep.
"Hoy bruha," sigaw na tawag sa akin ni Isang.
Alam na alam ko na ang boses nito at hindi nga ako nagkamali ng lumingon ako sa aking likuran nakita ko siyang tumatakbo patungo sa akin para humabol.
"Hintay naman Anna," hingal nitong sabi.
Huminto na muna ako para antayin ito saglit kasi naawa akong tumakbo pa talaga ito para lang makaabot sa akin.
"Ang tagal mo ring nagising ano," hingal pa rin nitong wika sa akin ng makalapit saka humawak sa kanyang tuhod.
"Guminhawa ka nga muna hinihingal ka pa bruha," ani ko sa kanya.
"Ikaw kaya tumakbo."
"Bakit ka naman kasi tumakbo?"
"Au siyempre bruha para maabutan ka ano ba iyan," ani nito saka tumuwid ng tayo.
"Nakita kasi kita kaya tumakbo ako ng maabutan ka para sabay na tayo kanina pa nga kita tinawag di mo siguro ako narinig."
"Mahina siguro boses mo hindi ka siguro nakalunok ng microphone Isang wala kang energy haha," biro kong sabi sa kanya.
"Ewan ko sayo Anna tara na bilisan mo ang lakad mo late na late na tayo," ani ni Isang.
"Kahit magmamadali naman tayo late pa rin kaya relax ka na lang mag aantay pa tayo ng sasakyan."
"Ay oo nga nohh Anna hindi ko naisip iyan tama naman haha."
"Ang talino ko talaga."
"Ang hangin mo rin ano."
"Totoong mahangin naman Isang."
"Ay teka bruha gising pa ba yung Inay mo pagkahatid ni sir Anton sayo kagabi?" tanong niya sa akin.
"Hindi na bruha tulog na si Inay."
"So sino nagbukas ng pinto kong ganun?"
"Si Alma nanonood pa kasi ito ng tv kaya siya nagbukas ng kumatok ako."
"Inakala pa nga niya na manliligaw ko si sir Anton sira ulo talagang bata mabuti at hindi siya nagtanong kay sir Anton kagabi kundi sa akin lang hindi pa naman iyon mahiya magtanong kahit sino."
"Haha ganun ba sinabihan mo na lang sana na oo biniro mo lalaki talaga ang mga mata nun haha," ani pa ni Isang.
"Hoy bruha magsasabi iyon kay Inay alam mo na si Inay madaling maniwala iyon kaya hindi puwedeng biro iyon alam mo naman si Inay at kilala mo na iyon ayaw ko ng mapapagalitan naman ako umiiwas na nga ako kay Andrew dahil ayaw niya sa kanya."
" Ay oo nga no Anna hindi ko rin maintindihan kong bakit ayaw ng Inay mo kay Andrew matagal na rin naman kayong magkasintahan ni Andrew pero di ko pa nakitang nakikipag usap si Aleng Alana ng matagal sa kanya.
"Hindi ko rin alam Isang ang laging sinasabi sa akin ni Inay ay hindi raw ako kayang bigyan ng magandang buhay ni Andrew at ayaw niyang magaya ako sa iba kong kapatid at sa kanilang buhay."
"Tama naman si Aleng Alana bruha may punto naman siya at inaalala ka lang niya kaya ganun siguro," sabi naman ni Isang.
"Pero marangal naman na trabaho ag kargador Isang," sabi ko pa sa kanya.
"Oo nga marangal Anna kaso hindi kayang bilhin ang mga bagay na gusto mo kasi hindi sapat yung sahod niya sa araw araw lalo na kong may mga anak na kayo talagang mahihirapan siya at lalong lalo kana kaya nga iyon yung ibig sabihin ng Inay mo gusto niya lang na mapunta ka sa gaganda yung buhay mo."
Natahimik ako sa sinabi ni Isang at nakapag isip isio saka naman may dumating na tricycle kaya pinara iyon ni Isang.
"Tara na nga Anna sakay na lutang ka na agad diyan huwag mo munang isipan yan kasi late na tayo," ani pa nito sa akin.
Nauna na itong sumakay kaysa akin kaya nahuli ako saka naman pinaandar ng drayber ang tricycle niya.
Si mang Berto pa rin pala ang nasakyan namin.
"Ang tagal niyo ata ngayon Anna at Isang?" tanong nito sa amin.
"Matagal kayong gumising ano?" hula nito.
"Tama ka nga manong Berto matagal nga kami nagising kanina dahil may pinuntahan po kaming birthday party kagabi at matagal nakauwi," pagpapaliwanag ni Isang rito.
Ang daldal talaga nitong kaibigan ko parang di mauubusan ng salita kahit mga matatanda maaliw sa kanya kasi ang ganda raw kausap nito.