Chapter 9: Laging Nakatingin
Nakarating na nga kami sa paaralan kaso tapos na rin yung unang klase namin ni Isang.
“Ang aga natin masyado bruha sa pangalawang klase,” birong sabi ni Isang.
“Oo nga Isang ang tagal mo masing kumilos at ang agang nagising,” sagot ko naman sa kanya.
“Heh ikaw rin naman hah kaya nga nagkasabay tayo haha diba?”
“Haha oo na,” sabi ko na lang sa kanya.
“Punta na muna tayong canteen Anna kakain ako,” sabi sa akin ni Isang.
Hindi na ako nakasagot nito dahil kinaladkad na agad ako nito patungo sa canteen.
“Ano ba bruha dahan dahan na.naman,” sabi ko sa kanya.
“Hindi Anna nagugutom na ako kaya huwag kang magreklamo diyan.”
“Kasalan ko pa ba kong bakit hindi ka nag umagahan niyong umaga?” sabi ko sa kanya.
Ako pa talaga sinisisi nito kong nagugutom bakit naman kasi pupuntang paaralan na hindi kumakain ng umagahan hindi na siguro ito nakakain sa sobrang pagmamadali niya kanina.
“Hindi ko sinabi ganyan bruha huwag ka na lang magreklamo saka samahan mo na lang ako dito,” sabi pa nito ng makarating kami ng canteen.
“May magagawa pa ba ako kong kinaladkad mo na ako papunta rito?” sabay paikot ng mga mata ko sa kanya.
Ngumiti lang ito sa akin sabay pila sa may counter kong saan naroon ang mga pagkain.
“Bruha maghanap ka ng mauupuan natin ako na bahala mag order para sayo,” sabi pa nito.
“Tapos na akong mag umagahan Isang bilhan mo na lang ako ng puwedeng makain ng konti,” sabi ko pa sa kanya.
“Sige bruha ako ng bahala,” sabi pa nito.
Tumango na ako sa sinabi nito saka iniwan siya na nakapila roon para maghanap ng mauupuan namin. Palingon lingon ako sa paligid kong saan may bakante para uupo na ako may nakita naman ako kaya nagtungo ako roon para hindi na maunahan pa ng iba. Naghintay pa ako ng ilang minuto kay Isang kasi pumila pa siguro iyon medyo mahaba ang pila ngayon wala tuloy akong nagawa kundi mag isipin naalala ko na naman si Andrew kamusta na kaya siya hindi man lang ito nagtext para mangamusta sa akin at para magdahilan kong bakit bigla bigla na lang siya ng iwan ng walang pasabi.
“Bakit ganun Drew kaya mo akong iwan basta basta may pinagtaluhan lang tayo konti ganyan na agad hindi namna siya ganun noon,” sambit ng aking isipan.
NAtigil lang ako sa pag iisip ng dumating na si Isang sa lamesang kianuupuan ko nagulat pa nga ako kasi hindi ko siya namalayan na paparating sa akin kasi sa pag iisip ko kay Andrew.
“Hoy bruha tulala ka naman diyan,” sabi nito.
“Iniisip mo na namn ba si gagong Andrew na yun,” dagdag pa nito sabay upo sa aking harapan at lapag sa lamesa ang tray ng pagkain.
“Wala naman Isang,” pagsisinungaling ko sa kanya.
“Hindi mo ako maloloko Anna kilala na kita ako pa lolokohin mo kahit nga pag utot mo alam ko haha,” biro pa nitong sabi.
“Haha gaga ka talaga Isang,” sabi ko na lang na nakangiti na sa kanya.
“Huwag mo na nga masyadong isipin yun para hindi ka nakatulala diyan heto sayo ohh,” ani nito sabay bigay ng binili niyang pagkain para sa akin.
“Oo na salamat dito.”
“Siya sige na kakain na tayo baka malate na naman tayo sa pangalawang klase lagot na naman tayo si sir Anton pa naman ang guro natin kaya di puwedeng umabsent.”
“Aber bakit naman hindi Isang?” naguguluhan kong tanong sa kanya.
“Hindi natin masisilayan ang gwapo niyang mukha kaya dapat di tayo umabsent oyon lang bumubuhay ng dugo ko haha,” sabi pa talaga nito.
“Baliw ka talaga kahit kaikan kumain ka na nga lang diyan ng madali kang matapos daldal ka ng daldal ehh.”
“Oo na briha kakain na.”
Kumain na nga kami ng tahimik gutim yata itong kasama ko kasi kong makakain akala mo mauubusan ng pagkain sa bikis nito makasubo sinita ko na ito ng hindi ko mapigilan.
“Hoy bruha dahan dahan naman sa pagsubo akala mo naman may aagaw ng pagkain mo gutom ka besh?” ani ko sa kanya.
“Huwag mo akong pakiaalaman Anna nagmmamadali ako ehh,” ngiti nitong sabi.
“Hindi maganda tingnan bruha kaya kumain ka ng maayos diyan para di kita iwan mag isa rito.”
“Haha oo na bruha .”
Nagpatuloy na ito sa pagkain nauna na akong natapos sa kanya at sumunod naman ito na natapos ng pagkain sa akin. Nagpahingaa na muna kami saglit bago tunayo para pupuntang classroom namin sa pangalawang klase.
“Tara na bruha,” sabi ni Isnag sa akin.
“Sige,” sagot ko naman sabay tayo.
Lumakad na kami ng sabay papuntang classroom namin at ng makarating roon ay nagtaka ako kong bakit ang aga ng mga kaklase ko na nakaupo sa mga upuan nito. Hindi ko na lang sila pinansin saka pumunta sa upuan ko magkatabi lang din naman kami ni Isang kaya malapit lang kami.
“May make up ka rin ba diyan bruha?” tanong sa akin ni Isang.
Kumunot ang aking noo sa tanong nito at naguguluhan kong bbakit niya kailangan ng make up.
“Wala bruha ano naman gagawin ko nun hindi ako nagdadala ng make up liptint lang,” sagot ko naman sa kanya.
“Ayyy ganun ba magpapaganda rin sana ako ehh haha nahihiya naman kasi ako s amga kaklase natin na parang clown na yung mukha sa kapal ng make up,” bulong niyang sabi sa akin.
Napatawa tuloy ako sa sinabing biro nito akala ko pa naman seryoso itong naghahanap ng make up totoo naman kasi ang sinabi nito sa akin na grabe na nga yung make uo ng iba naming kaklase akala mo may sasalihang pageant mamaya.