Chapter 11: Bumili Naunang bumaba si Isang sa akin kasi nga mas una yung bahay nila kaysa sa amin. Bumaba rin naman ako ng makarating ang tricycle sa tapat ng bahay namin. "Heto po manong bayad salamat," sabi ko sa drayber ng tricycle. Inabot naman niya iyon sa aking sabay saka ako lumabas. Pagkarating ko sa aming bahay ay tahimik iyon siguro nasa kwarto niya si Inay. Pumasok na agad ako sa sala kasi nakabukas naman ang pinto ibig sabihin na may tao sa loob. "Inay," tawag ko kau Inay. Walang sumagot sa akin kaya pumunta akong kusina baka nandun si Inay nagluluto hindi nga ako nagkamali. "Inay," tawag ko. Lumingon naman ito sa akin. "Oh Anna nakauwi ka na pala," sabi nito. Lumapit ako saka nagmano sa kanya. "Kakain muna tayo bago pumuntang palengke para hindi tayo magugutom at kon

