Chapter 12: Napagod "Nagtitinda ka rin pala rito?" tanong ni sir Anton sa akin. "Opo sir sinasamahan ko si Inay." "Mabuti naman kong ganun," ani nito. "Oho," sagot ko na lang. "Pumupunta ka rin pala sa mga ganitong lugar iho?" tanong sa kanya ni Inay. Habang ako ay umupo sa upuan na nasa tabi at hinayaan sila Inay na mag usap. "Oo po pumupunta naman ako sa mga ganitong lugar Nay," sagot ni sir Anton kay Inay. "Mabuti ka pa iho kasi yung iba na tulad mo sobrang maarte ayaw nila sa mga ganitong lugar kasi mabaho raw saka ang dumi rin raw rito amoy malansi porket mayayaman sila," naiinis na sabi ni Inay sa kanya. "Hindi naman po ako ganun Nay alam ko naman po na ganito talaga basta palengke pero kahit na ganun ay hindi dapat mag inarte kasi may pangangailangan tayo na dalat bilhin,"

