Chapter 12: Pinasabay Maaga akong nakatulog kahapon dahil sa pagod sa pagtitinda at maaga rin naman akong nagising ngayon dahil may pasok na naman. “Anna ikaw na muna magbantay ng sinaing ko natatae na ako,” sabi ni Alma. Wala talagang hiya itong kapatid ko kinatok pa ako nito ng malakas sa aking kwarto para lang bantayan yung sinaing niya dahil natatae raw siya. “Nagbibihis pa ako si Inau na muna pabantayin mo lalabas na ako pagkatapos magbihis saglit,” sigaw ko ring sagot sa kanya. “May lakad si Inay umalis kanina,” sigaw nito. “Oo na sige na tumae ka na walang hiya ka talagang bata ka,” sabi ko sa kanya. Hindi na ako sinagot ni Alam umalis na siguro iyon papuntang banyo para tumae binilisan ko na lang ang aking pagbibihis ng makalabas ako at mabantayan iyon baka masunog pa yun l

