Chapter 51: Tahimik Nang matapos kaming kumain ay ako na nanghugas ng pinggan ng mabilisan dahil nga sasabay ako kay Anton. Nakabihis na naman ako hihintayin ko na lang si Anton na matapos makapagbihis para makaalis na kami. Hinintay ko na siya sa sala dahil nandoon na rin naman ang aking dadalhin na maliit na bag na inilagay ko kanina. “Lets go,” ani sa akin ni Anton. “Sige,” sagot ko naman. Sumunod ako kay Anton sa paglalakad saka pinagbuksan ako ng pintuan nito pumasok na lamang ako ng tahimik sa sasakyan sumunod rin naman si Anton na sumakay sa driver seat saka agad na pina andar ang sasakyan nito ng mabilis at pinaharorot. Tahimik lamang ako na nakaupo sa tabi nito hindi na rin ako umimik dahil tahimik masyado si Anton kanina ko pa siya napapansin na ganito pero hindi ko na l

