Chapter 54: Nakakapanibago Naghapon ako sa palengke na tumulong kay Inay hindi ko alam kong bakit napagod ako ng husto ngayon ehh sanay naman ako sa pagtitinda noon pero ngayon parang gusto ko na lang ata hun8ga sa kama at matulog na. Hikab ng hikab rin ako at nakita iyon ni Inay kaya tinanong niya ako. “Ayos ka lang Anna?” Lumingon ako kay Inay saka ngumiti para ipakita nito na ayos lamang ako para di na siya mag alala pa. “Opo Inay ayos lang po ako,” sagot ko naman sa kanya. “Sige ako na muna magbantay pasok ka na muna sa loob ng makapagpahinga ka .” “Hindi na po Inay rito lang po ako ayos lang po talaga ako saka makapagpahinga naman ako rito bumslik ka na po roon Inay,” sabi ko pa kay Inay. "Sure ka iha?" paninigurado pa ni Inay. "Opo Inay mag rereklamo naman po ako kung d

