CHAPTER 3- LABAS

1158 Words
ULOL! Baka pasabugin ko pa ang bungo niya kapag nakita ko siya! Mabilis kong pinunit ang sulat niya. Ang kapal ng muhka niya! Siya pa talaga ang may ganang umalis! Mabilis ko ring kinuha ang mga damit ko. Aalis rin ako rito! “He what?” Iyon agad ang bungad ni Nel sa akin nang makapunta ako sa kaniya. Nakita kong lumakad sa likod niya ang boy friend nito. Tinignan naman ni Nel ang boy friend niyang si Echo. Taon na silang dalawa ni Echo, walang trabaho si Echo dahil hindi ko rin alam, hindi naman sinasabi ni Nel. “Inom lang kami nila Ivan,” ani ni Echo kay Nel at kunot pa ang noo na tumingin sa akin. Hindi ako kailanman nagsalita nang kahit ano sa boy friend ni Nel. Maging ang pakiramdam ko na para bang hindi naman siya talaga nito mahal. Nagkakilala lang sila sa bar at si Echo ay nagtatrabaho raw sa warehouse, pero aminado naman akong may itsura si Echo. Siguro ay iyon na rin ang nagustuhan ni Nel sa kaniya. “Ivan again? Mag-iinom ka nanaman, Echo? Sabi mo ay may interview ka?” Umiwas na lamang ako ng tingin sa kanilang dalawa. “Ang pinakamamahal kong babae… kiss nga ako mahal ko. Sige na, payagan mo na ako.” paglalambing pa ni Echo sa kaniya. “O sige na, mag-iingat ka, ha? mag-message ka sa akin, ha? Binilhan na kita ng bagong phone, baka mamaya hindi ka pa rin ma-contact.” Itinaas niya ang Iphone seventeen nito na kulay orange at saka naman na tumawa. Tumingin naman na si Nel sa akin nang lumabas na si Echo. “Ganiyan lang ‘yan pero hindi ‘yan nagloloko. Subukan niya lang.” taas niya pang kilay sa akin. Tumawa na lamang ako, hindi ko lang masabi na nakakaramdam na ako ng mali sa lalaking iyan at hindi ko lamang mapatunayan. Mabait si Nel. May puwang ang puso niya sa mga kawawa sa mata niya. Inisip niya na parang ako raw si Echo, kailangan ng tulong. Pang ilang beses na siyang niloko ng mga past relationship niya. Si Echo lang ang nagtagal sa kaniya ng dalawang taon. Lagi niya akong binabalaan kay Luis noon, hindi ako nakinig. Maganda ang unit ni Nel, dalawang kwarto. “Binakante ko na talaga ang isang kwarto para sa ‘yo,” ani niya pa. “Ayos lang ba kay Echo na narito ako?” Kumunot naman ang noo niya na para bang hindi niya nagustuhan ang tanong ko. “At bakit naman hindi?” “Wala lang… natanong ko lang.” “Oo naman! Si Echo, support naman siya.” Saka naman siya ngumiti sa akin. Binuksan niya ang pintuan at bumungad doon ang kasing laki ng kwarto namin ni Luis. Pasalamat na lamang ako at kahit paano ay may matutuluyan ako na kaibigan. “May kama ka na rin d’yan. Mag-stay ka rito hanggang gusto mo.” “Kukuha rin ako ng sarili ko, Nel.” Tumaray naman siya sa akin. “Kukuha ka ng sarili mo? Kasal ka, wala ka naman kayong prenup. Baka makinabang pa ang gagong ‘yon sa mga pinaghirapan mo.” balak ko pa sanang magsalita nang hilain niya ang braso ko. “Naih, ‘yung totoo? May ipon ka ba?” sa mahina niyang tanong ay napalunok ako. Hindi naman malaki ang sahod ng nurse. Ako lahat ang gumastos sa bahay, sinabi ni Luis kasi sa akin na walang natitira sa sahod niya, pero nagbibigay naman siya paminsan-minsan ng five-hundred. Simula ilaw, tubig, bigas, internet at pagkain. Maging ang luho niya, kahit ang gamot kuno niya! Hindi naman siya pala inoperahan! “W-wala…” nahihiya kong sagot sa kaniya. “Nahihiya ka? Alam ko naman na wala.” Tinantanan ako ni Nel nang sabihin niyang magpahinga na lamang muna ako sa kwarto. Sa unang gabi kong narito sa bahay ni Nel ay hindi ko maiwasang maiyak. Mahal ko si Luis, pero ang pagmamahal na iyon ay napalitan na ng galit at poot na hindi na mababalik ang pagmamahal ko sa kaniya. Kasabay kong pumasok si Nel sa trabaho, ayokong um-absent at sayang naman ang kita ko. Hindi ko pa naasikaso sa bahay, nirerentahan lamang iyon pero hindi ko pa kasi nakukuha ang mga appliances ko. Habang nakaupo at inaayos ko ang chart ay may kumatok ng ballpen sa gilid ko. “Be, hinahanap ka.” napatingin ako sa kasamahan ko sa trabaho. Nang may ituro naman siya sa likod nito ay agad akong napatayo nang makita naman iyon. “Hi!” mahinang bati niya. “R-Roscoe? Tama ba? Ano ang ginawa mo rito?” Nagtataka ngunit nakangiti kong tanong sa kaniya at agad naman na lumapit. May inabot siya sa akin at nang makita ko iyon ay natuwa ako. Natyambahan niya ang paborito kong kape sa paborito kong cafe na pinagbibilhan ko. “Wow! Hindi na kailangan na dalhan mo ako nito! Paano mo pala nalaman na dito ako nagtatrabaho?” ngumiti lamang siya sa akin. “Magaling na ba ang paa mo?” tingin ko sa paa niya na mukhang okay naman na. “Ano nangyari sa pisngi mo?” Para bang binalik ang tanong sa akin. “Ha?” Umangat ang tingin ko sa kaniya nang hawakan niya bigla ang baba ko para mas lalo niyang makita ang mukha ko. Nagulat ako sa kaniyang ginawa, pero hindi ko alam kung bakit hindi man lang kumilos ang katawan ko. Ang gwapo ng kaniyang mukha. Para siyang anghel na nakikita ko sa harapan ko ngayon. Sa tangkad niya ay parang pinky finger na lamang ako. Napakurap-kurap ako sandali. Saka naman ako lumayo sa kaniya. “Mag… magtatrabaho na ako, ha? Salamat nga pala sa kape, dapat ay hindi ka na nag-abala.” Hindi naman mahal ang kape na ito pero kahit na! Ang pera ay pera at mahirap kitain ang pera! “It’s okay, gusto ko lang mag-thank you dahil tinulungan mo ako.” Napangiwi na lamang ako sa ilang. Maraming nadaan na mga nurse at ilang pasyente na natingin sa kaniya. Mukha ba naman kasing artista! Tumungo na lamang ako at ngumiti sa kaniya. Tumalikod naman na siya sa at akmang aalis nang mapahinto rin akong maglakad papalayo sa kaniya. Kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ko rin malalaman na nagloloko ang asawa ko. Kung hindi ako agad umuwi n’yon ay hindi ko rin malalaman ang ginawa ng asawa ko sa mga lalaking pinagtaguan niya. Lumiwanag ang lahat nang tulungan ko ang batang lalaking iyon. “S-Sandali!” inilapag ko ang kape sa gilid at agad naman na tumakbo papalapit sa kaniya. Mabilis akong humarang sa harapan niya nang masilayan ko ang ngiti niya nang makita ako. “Gusto mo ba kumain sa labas?” Maging ako ay nagulat sa tanong ko. Bakit ko nga ba iyon tinanong sa kaniya? s**t! Baka isipin niya may gusto ako sa kaniya, ang tanda ko na para sa kaniya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD