Gemini's POV Makalipas ang limang buwan mula noong ikasal kami ni Cassian, naging maselan ang aking pagbubuntis. Sa kabila ng lahat, sariwa pa rin sa isip ko ang kasal namin—kung gaano ito kasaya, simple pero punong-puno ng pagmamahal, at kung paanong napalibutan kami ng mga taong mahal namin. Nag-honeymoon kami ni Cassian sa bagong biling isla na regalo nina Daddy at Ninong Gino sa amin. Pagdating namin doon, under construction pa ang resthouse, at hindi pa ganoon ka-accessible ang isla. Pero kahit gano’n, ramdam naming dalawa na magiging paraiso ito balang araw. Pinaplanuhan ko ngayon ang kabuuang development ng isla kasama si Darius. Ang Company niya ang in-charge sa construction at overall design. Sa takbo ng trabaho ngayon, baka sa loob ng dalawang taon ay tapos na ang buong develo

