Gemini's POV Makalipas ang isang linggo, dumating na rin ang araw ng kasal namin ni Cassian—isang civil wedding na si Cassian ang personal na nag asikaso. Hindi na namin ito ibinalita sa media. Gusto naming maging pribado ang seremonyang ito—para lang sa amin at sa mga malapit sa familya namin. Sa mismong mansion namin ni Cassian gaganapin ang kasal. Eleganteng ito, inayos ang hardin para maging simple pero classy ang setup. White rose, pink roses, eucalyptus, at minimalist na mga dekorasyon ang bumalot sa paligid. May classic music na tumutugtog sa background habang ang hangin ay banayad na humahaplos sa mga mukha ng bisita. Mga malalapit sa pamilya lang ang inimbitahan. Wala nang ibang bisita. Walang entourage. Walang photographer na taga-media. Lahat ay intimate, personal, halatang p

