Chapter-4

1407 Words
Gemini's POV Maya-maya’y bumagal ang sasakyan. Bumilis ang t***k ng aking puso, nang marinig ang mahinang tinig ng drayber: “Nandito na po tayo, Ma’am.” Parang biglang bumigat ang dibdib ko. Mahigpit kung hinawakan ang aking handbag na nakapatong sa aking hita, pinipilit kung pigilan ang panginginig ng aking mga kamay. Ito na iyon… makikita ko na si Daddy. Pumasok ang SUV sa driveway ng ospital. Sa may Entrance, abala ang mga nurse at staff. Sinalubong kami ng malamlam na amoy ng disinfectant at ang simoy ng malamig na hangin ng umaga. “Ate,” mahinang sabi ni Aqua, binasag niya ang katahimikan. “Are you ready?” Napilitan si Gemini na tumango kahit naninikip ang kanyang lalamunan. “Yes…” bulong niya, halos hindi ko marinig ang aking sariling boses. Kasama rin namin sina Ninong Gino at Ninong Geller. They arrived ahead of us and greeted us warmly the moment we stepped out of the car. Pagdating namin sa hospital entrance, nagulat ako nang maramdaman ko ang kamay ni Cassian na biglang humawak sa akin. Mainit ang palad niya, at sa bawat haplos, parang may banayad na kuryente na dumaloy sa dibdib ko. Magkasama kaming naglakad papasok sa gusali—tahimik, mabigat ang aking bawat hakbang. Sa loob, bumulaga ang puting dingding, mahihinang boses ng mga nurse, at ang tunog ng makinang medikal. Habang papalapit kami sa private room ni Daddy, unti-unting bumagal ang mga hakbang ko. Mahigpit pa rin ang pagkakahawak ni Cassian sa aking kamay. Hindi ko na iyon inalis—hinayaan ko siyang hawakan ako, dahil alam kong kailangan ko ito ngayon. Maingat na pinihit ni Aries ang seradura. Dahan-dahang bumukas ang pinto sa kwarto ni Daddy. Sa loob, agad bumungad ang pamilyar na anyo ni Mommy Amele—nakaupo sa gilid ng kama, pagod ngunit matatag parin. Parang biglang lumundag ang puso ko. Hindi na niya napigilan—mabilis siyang tumakbo papalapit at agad na niyakap ang kanyang ina. “Mommy…” bulong niya, halos humahagulhol habang idinidikit ang kanyang mukha sa balikat nito. Mahigpit siyang niyakap pabalik ni Mommy Amele. Hinagod ang kanyang likod, na para bang sinasalo ang lahat ng bigat at sakit na bitbit niya. Wala nang ibang ingay na bumalot sa kwarto ni Daddy, kundi ang aking hagulhol lang. Ilang saglit pa, bahagya siyang kumalas at pinahid ang aking mga luha sa aking pisngi. Tiningnan ko agad ang kama ni Daddy—walang nakahigang pigura roon. Napakunot ang aking noo. Agad naman iyong napansin ni Mommy Amele. “Where is Daddy, Mommy?” tanong ni Gemini, nanlalambot parin ang boses. “Your Daddy?…” mahinang sagot ng kanyang ina, ngunit malinaw. “He’s in the CCU. Sinugod siya kaninang madaling araw… his heart rate dropped.” Parang may malamig na bagay na dumaloy sa buong katawan ko. Muli akong napaluha, nanginginig ang aking mga paa. Sa likod ko naman, tahimik na nakatayo ang aking mga kapatid at si Cassian—lahat sila ay nakaalalay sa akin, handang sumalo, dahil anumang oras ay pakiramdam ko babagsak ako. Ngunit sa sandaling iyon, tanging ang boses ni Mommy ang umaalingawngaw sa king utak. Daddy… CCU… his heart rate dropped. Sinabihan ko si Mommy na gusto kong makita si Daddy—kahit saglit lang, gusto kong makasiguro na ayos lang siya, na buhay pa siya. Sinabi ni Mommy na magtatanong muna siya kung papayagan ba kaming pumasok sa CCU. Kaya lumabas siya para humingi ng permiso. Makalipas ang ilang sandali, bumalik siya at sinabi na puwede kaming pumasok, pero hindi lahat—dalawang tao lang ang maximum sa loob ng CCU, ayon sa nurse. Mabilis akung nag lakad, nakasunod parin sa aking ang tatlo kung kapated, at kasama rin si Cassian. Ang bawat hakbang sa pasilyo ng ospital ay tila ba pabigat nang pabigat—parang may mga kadenang nakagapos sa aking mga paa. Ang malamlam na ilaw mula sa fluorescent lamps ay nagsasayaw sa malamig na sahig. Kumakalansing ang bawat tunog ng kanilang mga sapatos sa katahimikan ng ospital. Pagdating sa pinto ng Critical Care Unit, sinalubong sila ng mas matapang na amoy ng alcohol at disinfectant. May mga nurse na naglalakad, seryoso ang mga mukha, at mga doktor na mahina ang boses habang nag-uusap. Huminto ako sa harap ng pinto. Mabilis at malakas ang kabog ng aking dibdib, tila sasabog ang aking ribcage sa lakas ng t***k nito. Nanlamig ang aking mga kamay, ako ang unang papasok kasama ko si Capri, marahang niyang hinawakan ang aking balikat—isang tahimik na paalala: Nandito lang ako, Ate. “Ma’am,” mahinang sabi ng nurse na nagbukas ng pinto, “You may come in, but please… be calm.” Tumango si Gemini, kahit nanginginig. Dahan-dahan kaming pumasok ni Capri. Pagkapasok namin sa loob, nakita ko na nakahiga si Daddy, puno ng mga wire sa katawan na naka connect sa bawat machine. Nasasaktan ako sa nakikita ko, “Daddy…” bulong ko, halos pira-piraso ang aking bawat salita. Lumapit ako sa tabi niya, mabigat ang bawat hakbang ko, hanggang sa makarating ako sa gilid ng kanyang kama. Inabot ko ang kanyang mga kamay—nanlamig ito, ngunit buhay pa. Muli na namang bumigat ang aking dibdib, at hindi ko napigilang muling umiyak. Dumaloy ang mga luha ko sa aking mga pisngi habang naaalala ko ang huling bisita niya sa U.S.—kung gaano siya kaproud sa akin nang ipakita ko sa kanya ang bago kong disenyo ng kotse. Lalo akong napahagulgol. “Please, Daddy… fight,” bulong ko, umiiyak. “I’m here now. I came back… please, don’t leave us.” Katabi ko pa rin si Capri, humahagulgol din sa iyak. Magkahawak kaming dalawa habang sabay kaming nananalangin na magiging maayos si Daddy. Patuloy pa rin ang panginginig ng aking mga kamay habang mahigpit kong hinahawakan ang kamay ni Daddy. Then—a slight shift. Gumalaw ang daliri ng kanyang daddy. Parang tumigil ang oras. Halos lumuhod ako, lumapit ako sa kanyang mukha, “Daddy…?” Muling gumalaw ang kamay nito—mahina, mabagal. Hindi ko na napigilan. Humagolhol na ako. “Daddy, I’m here! I came back!” basag ang boses ko, puno ng desperasyon at pagmamahal. Biglang pumasok si Mommy, huminga ng malalim napaiyak narin, at agad lumapit para haplusin ang buhok ng aking ama. “Stay with us… fight for us, my love. I can’t live without you,” sabay nilang iyak ng kanyang Mommy. Lumapit ang nurse sa amin upang sabihan kaming kumalma. Ilang sandali pa, pumasok ang doktor para suriin si Daddy. Pagkatapos ay mahinahon kaming kinausap, na kung maaari ay lumabas muna kami upang magawa nila nang maayos ang kanilang trabaho. Paglabas namin, tahimik na lumapit si Cassian sa tabi ko at hinawakan ang aking kamay. Samantala, lumapit naman ang dalawa kong kapatid kay Mommy. “What happened, Mommy?” tanong ni Aries. “Your Daddy slightly moved,” sagot ni Mommy, patuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang mga luha. Ilang sandali pa, lumabas ang nurse at tinawag kami upang pumasok muli sa loob. Pinayagan daw ang mga immediate family na makapasok. Lumapit kami lahat sa kama ni Daddy, at sa wakas—unti-unting bumukas ang mga mata nito. Mabagal, hirap, pero malinaw. Parang huminto ang mundo sa aming paligid. Tumulo ang kanyang luha. Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang ama. “Daddy… ako ‘to… Gemini,” bulong niya, nanginginig. “Nandito na ako… bumalik na ako… gising ka na, Daddy ko.” Ngunit ilang sandali pa, muling pumikit ang kanyang mga mata pero sabay nito ay may ngiti sa kanyang labi. Lumabas kami ng aking mga kapatid mula sa CCU. May kaunting pag-asa akong naramdaman—at least, may nakita kaming improvement sa kalagayan ni Daddy. Si Mommy Amele naman ay naiwan sa tabi niya, dahil gusto niyang siya ang unang naroon kapag nagising si Daddy. Pagbalik namin sa private room, nadatnan namin sina Ninong Gino at Ninong Geller, tahimik na nakaupo sa mga upuan habang naghihintay sa amin. Pagkaupo namin, agad nagtanong si Ninong Geller, “How is your father, Gem?” “He showed some improvement, Ninong,” sagot ko habang pilit pinapawi ang pagod sa boses ko. “Bigla siyang nagmulat, pero bumalik rin sa pagtulog.” Tahimik silang tumango, at ilang sandali ay muling bumalot ang katahimikan sa buong silid. Ang bawat isa ay may kanya-kanyang dasal, pagod man ang mga puso, pero nagkaroon kami ng pag-asa. At sa pagitan ng katahimikan at pag-aalala—nagsisimula ring sumibol ang liwanag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD