Gemini's POV
Bigla silang natahimik nang mapansin ang pananahimik ko. Alam nilang medyo napipikon na ako sa pang-aasar nila. Kaya binilisan ko na lang ang pagkain, at pagkatapos ay tumayo ako upang pumunta sa living room. Hindi naman ako pikunin, pero may kakaiba kasi akong nararamdaman tuwing mapatingin si Cassian sa akin—lalo na kapag inaasar kaming dalawa.
Habang naglalakad ako patungo sa living room, nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Cassian mula sa aking likuran.
"Napikon ka ba sa pang-aasar ng mga kapatid mo?" malamlam niyang tanong na may halog pag aasar.
Saglit akong huminto at huminga nang malalim bago lumingon.
"No, not at all. I just feel uneasy every time you stare at me… kaya iyon ang iniiwasan ko," tapat kong sagot, halos mahina pero malinaw.
Sandali siyang natahimik bago siya tumawa nang bahagya.
"You and your honesty, Gemini," bulong niya, para bang aliw na aliw sa aking pagiging prangka.
Bago ko pa naproseso ang lahat, marahan niya akong hinila palapit, at sabay ang kamay niya nakapulupot sa aking baywang. Kasunod niyon, ay ang bigla niyang pag halik sa aking pisgi.
Naramdaman ko ang init ng kanyang mga labi na dumapi sa aking mukha. Nanlaki ang aking mga mata, hindi ako nakagalaw sa gulat dahil sa ginawa ni Cassian. Hindi naman iyon ang first kiss ko sa aking mukha pero nabigla lang ako sa ginawa ni Cassian.
Alam kung namumula ang aking mukha sa ginawa niya kaya tumakbo ako paakyat sa aking kwarot upang mahupain ang aking naramramdaman.
Habang nasa loob ako ng aking silid at pinapakalma ang aking sarili, biglang may kumatok sa aking pinto. Bumangon ako para silipin kung sino, iniisip ko na baka isa sa mga kapatid ko. Ngunit laking gulat ko nang makita kong si Cassian pala ang nandoon. Wala man lang pasabi, basta na lang niyang binuksan ang pinto at pumasok, kaya agad akong nainis.
“What are you doing here, Cassian? This is my room. Can you please go out?” I said firmly, trying to push him toward the door.
“Ayoko ngang lumabas,” tugon niya sabay takbo at humiga sa kama ko.
“Ang lambot ng kama mo,” biro pa niya, sabay kunwari’y natulog.
“Cassian, huwag ka ngang makulit. Tumayo ka na riyan.” Inabot ko ang kanyang kamay upang hilahin siya, ngunit imbes na sumunod, bigla niya akong hinila papalapit.
Nawala ako sa balanse at napahiga sa ibabaw niya. Napasinghap ako sa gulat, at bago pa ako makagalaw, naramdaman ko na ang init ng katawan niya sa ilalim ko. Sa gulat ko, hindi ako kaagad nakapag-react—nakapatong na pala ako sa kanya.
“Anong ginagawa mo, Cassian?” mahina kong tanong habang halos magdikit na ang aming mga mukha.
“You, Gem… You’re beautiful. I want to kiss you right now. I want to taste your soft lips again,” he murmured, his voice low and tender. His warm breath fanned across my face, carrying the faint scent of mint that made my heart race.
Napalunok ako. Ramdam ko ang mainit niyang hininga, naamoy ko ang bango ng kanyang hininga na lalong nagpagulo sa diwa ko.
“Let go of me, Cassian. Have you lost your mind?” I said, trying to sound firm.
“Yes, Gem. I’ve gone completely crazy for you. Every time I see your red lips, I just want to bite them… and feel them against mine again,” he said, whispering to my face.
“What are you talking about—again? We’ve never even kissed before, Cassian.”
“Talaga? Hindi mo maalala? Kaya ba pati mukha ko hindi mo rin matandaan, Gem? Gano’n na ba ako kawalang-halaga sa’yo?”
“Anong pinagsasasabi mo, Cassian?” naguguluhan kong sagot.
“Fine then. I’ll remind you of the night I first kissed those red lips of yours.”
At bago paman ako makapag protesta, ay hinalikan niya na ako sa aking mga labi. He kiss me softly and intimately. Gusto ko siyang itulak ngunit lalo pang humigpit ang yakap niya sa aking baywang. Biglang naging marahas ang kanyang paghalik at bila niyang kinagat ang aking labi kaya nabuksan ko ang aking bunganga at marahan niyang pinasok ang kanyang dila sa loob ng aking bibig, hinahalughog ang bawat sulok. Hindi ko alam kung dapat kong pigilan o tanggapin ang halik na iyon.
Then I heard him whisper against my lips, “Kiss me back, Gem… please.”
Without realizing it, I found myself kissing him back.
Naging malumanay, ngunit masidhing nagpainit sa aking katawan ang bawat hagod ng bawat labi naming dalawa. Ramdam ko ang pag-init ng aking katawan, na para bang tinatangay ako ng sandali. Hanggang sa maramdaman ko ang kanyang mga kamay na gumapang papasok sa aking damit, hangang sa umaabot sa aking dibdib, at lalong naging mapusok ang bawat hagod ng labi ni Cassian.
Habang patuloy ang aming halikan, lalong umiinit ang katawan katawan—
Ngunit biglang may kumatok sa pintuan. Nataranta ako para akong natauhan, mabilis akong kumawala at napatayo, nag-ayos ng sarili habang halos kumakabog ang aking dibdib.
Kumatok ulit—ngayon ay mas malakas pa, parang nagmamadali. Napatigil kaming pareho, mabilis kong inayos ang buhok at damit, pilit kung na tinago ang pamumula ng aking pisngi.
“ Ate Gemini? Nandiyan ka ba?” boses ni Aqua mula sa labas.
Nanlaki ang aking mga mata, agad kong sinenyasan si Cassian na huwag magsalita. Ngunit imbes na sumunod, nakangiti lang ang g*g* na para akung tinuktukso, nakahiga pa rin siya sa aking kama na para bang walang nangyari.
“Ate Gem?!” muling tawag ni Aqua, sabay katok nang sunod-sunod.
I hurried to the door. “Yes, Aqua! Why?” I called back, raising my voice just enough to cover the shakiness in my tone.
“Mom’s looking for you. She said you should come down right away.”
“Okay, I’ll be there soon!” I quickly replied.
Narinig ko ang yabag ni Aqua palayo sa aking kwarto. Sa sandaling iyon ay nakahinga ako ng maluwag, ngunit paglingon ko kay Cassian, nakaupo na siya sa gilid ng kama, nakangisi, at nakatitig sa akin.
“Bakit ganyan ka tumingin?” iritado kong tanong, sabay iwas ng tingin.
Lumapit siya, at naramdaman ko ang init ng kanyang katawan na papalapit sa akin. Yumuko siya sa aking mukha, at halos dumikit ang labi niya sa aking tainga.
“Gem… we’re not finished,” he murmured, low and husky. “Whether you remember what to us or not, I’ll make sure you do."
Napasinghap ako, nakaramdam ako ng kilabot kaya tumayo ang aking mga balahibo sa katawan. Bago pa ako makasagot sa kanya, bigla niyang dinampi ang kanyang labi sa gilid ng aking leeg—isang mabilis ngunit mariing halik kaya uminit lalo ang aking katawan, alam kung pulang pula naman ang aking mukha.
“Cassian…” halos pabulong kong tawag sa pangalan niya.
Umangat ang mukha niya at ngumiti sa akin. “Go on. Your mom’s waiting,” he said smoothly. Saka lumabas ng aking silid.
Naiwan akong tuliro, hawak ang aking dibdib na kumakabog nang malakas. Pilit ko pa kalmahin ang aking sarili bago lumabas ng silid, ngunit hindi mawala sa isip ko ang mga halik at mga bulong ni Cassian—at ang nakakabahalang katotohanan na baka nga… totoo ang sinasabi niyang nagkahalikan na kami noon.
My fingers were still trembling when I reached for the doorknob. The metal was cold against my skin, like a warning. I took a deep breath—one, two, three—before turning it and stepping out.