Nakangisi si Colton at palihim na kumindat sa akin bago nagsalita. “Hinahamon kita na ipahubo kay Vlad ang iyong brief.” Tangna dis. Na-excite akong bigla sa dare ni Colton at parang mangangatog ang tuhod ko nang tumingin sa tubig para aninagin ang puting boxer-brief na huhubuin ko. Pero hindi ko mapigurahan dahil sa maliliit na alon gawa ng katatapos na pag-angat ng ulo ni Breydon. “Okay sige, Vlad. Pull it out for me,” utos ni Breydon kasunod ng paghagikgik ni Colton. Huminga muna ako at nag-ipon ng hangin sa baga bago ako sumisid sa tubig. Init na init ang katawan ko at nangangatal ang mga kamay nang humarap ako kay Breydon. Inipit ko ng mga daliri ang magkabilang waistband ng brief. Ramdam ko ang pagdagundong sa loob ng dibdib ko habang dahan-dahang hinila pababa ang boxers at lumit

