Hindi umandar ang isip ko ng ilang saglit. Nilamutak ang utak ko ng pag-aalala na baka may masabi akong hindi magustuhan ni Breydon na maging dahilan para iwasan ako hanggang bukas. Napatingin ako sa mga labi ni Breydon na parang ang sarap kuyumusin. “Kahit kailan hindi pa ako nahahalikan sa labi ng kapwa ko lalaki.” Tangna, ano kayang isasagot ni Breydon? Nakatingin kaming pareho ni Colton kay Breydon nang sa wakas umiling siya. “Ako rin hindi pa.” “Walang thrill,” reklamo naman kaagad ni Colton na mukhang nage-expect ng ibang sagot. “Ako na,” nakatawang sabi ni Breydon na parang inaasar si Colton at nakaisa siya. “Thrill pala ang gusto mo, puwes ito meron. Kahit kailan, hindi pa ako nakasubo ng nota.” “Tangna ka,” bulong ni Colton bago nito inilubog ang ulo sa tubig saka muling uma

