13

467 Words
Vlad Maroon ang kotse na nakapark sa tapat ng bahay namin ang bumulaga sa akin pag-uwi ko. Sumikdo ang kaba sa dibdib ko sa pagkakita sa kotseng pamilyar sa akin. “Saan ka galing Vlad? Nauna pa sa ‘yo ang bisita ng Mommy mo na nakarating dito sa atin?” tanong ni Lola pagpasok ko ng pintuan. “At napano ang labi mo?” Patay na. Nakita na kaagad ang pumutok kong labi sa bandang kanan. Dinampi-dampian ko na nga ng yelo kanina para mabawasan ang pamamaga pagbalik ko ng bus terminal habang hinahanap ang bisita ni Mommy. “Wala ito ‘La. Napabangga lang ako sa poste ng isang tindahan doon sa terminal sa kakahanap doon sa bisita ni Mommy tapos nandito na pala.” Tumingin ako sa paligid. Mag-isa lang si Lola. Nasaan ang bisita? Duda ang mukha ni Lola sa sagot ko pero hindi na ulit umimik. “Nasa bakanteng kwarto na ang mga gamit ni Breydon.” “Breydon?” “Iyon ang pangalan ng bisita natin.” Sinilip ko ulit sa bintana ang kotse sa labas. Kaparehas lang ba ang kulay ng kotse ng lalaking nagtanggol sa akin kanina sa kulay ng sasakyan ng bisita ni Mommy? “Nasaan na po siya?” “Parang nasa banyo yata at nagpaalam na maliligo at natapunan ng softdrinks ang katawan sa biyahe.” “Hubad-baro nang dumating?” lumakas lalo ang kaba ko. “Nakasando.” “Natapunan ng coke ang harapan?” Napakunot-noo si Lola. “Bakit Vlad? Nakita mo na ba siya kanina? Bakit hindi mo pa sinamahan pauwi rito?” Malakas ang kutob ko pero kailangan ko munang makita kung siya nga.  Umiling ako. Nagsabi ako kay Lola na pupunta muna ng aking silid pero nang mawala na ako sa paningin niya, tinungo ko ang guest room. Bahagyang nakaawang ang pinto kaya pagkatok ko ng tatlo at walang sumagot, dahan-dahan kong binuksan. Wala ang bisita sa loob. Isang gym bag na itim ang nasa paanan ng kama katabi ang asul na mountaineer’s bag. Nakapatong sa kama ang isang light blue na polo shirt at sandong puti na may mantsa ng Coke. Tangna, siya nga iyon, bulong ko sa isip. Breydon pala ang pangalan niya. Kinuha ko ang sando at habang tinitingnan ko may kung anong nagbulong sa akin na ilapit sa aking ilong ang parteng hindi nabuhusan ng Coke.  Lalaking-lalaki ang amoy ng pawis niya at matamis sa paghalo ng matsa ng softdrinks. Pumitlag ang alaga ko nang maisip na nakadikit ang sandong iyon sa sobrang banat na pecs at abs niya na sobrang hinangaan ko kaninang magkasama kami sa loob ng kotse. “Lalabhan pa ‘yan,” biglang sabi ng medyo pamilyar na boses mula sa aking likuran. Hindi ko ipinahalata ang aking pagkagulat pero mabilis kong inalis sa ilong ko ang puting sando. Parang kinulog at dinagundong ang dibdib ko nang lumingon ako at makita siyang nakapasok na sa pintuan mula sa paliligo sa banyo.  Nakatapis lang siya ng puting towel. Basa pa rin ang maitim na buhok at may mga butil-butil ng tubig ang mukha at ang nakapanlalaway na katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD