Three months later… “SIS! Break ka muna!” boses ni Maruja at inilapag sa tabi niya ang nakasupot na take-out food. Sa hula niya ay slice ng cake. Alam nitong cake at chocolate lang ang sweets na hindi niya ma-resist. Umalis ang kaibigan may isang oras na ang lumipas. Sa hula ni Daisy ay nag-kape lang sa Starbucks. Laging ginagawa nito iyon kapag hindi na raw makahinga sa bahay. Ang gagawin lang naman nito, bibilangin ang mga pumapasok na guwapo sa coffee shop at magpapantasyang isa sa mga iyon ay ‘tadhana’ nito. Tawa sila nang tawa ni Jessaline nang aminin nito na hindi talaga ang kape ang dinadayo nito sa coffee shop. Nagyaya si Maruja kanina pero tumanggi siya. Kailangan niyang mag-aral. May long quiz siya kinabukasan sa isa sa mga subjects niya. Umalis ito mag-isa. Sa h

