TATLONG buwan. Tatlong buwan na ang lumipas na pakiramdam ni Edgar ay malamig na seldang kulungan ang condo kaysa bahay. Pipilitin niya ang sariling maging abala sa labas, tatapusin niya lahat ng trabaho sa bawat araw—kakausapin ang mga taong dapat kausapin, pupuntahan ang mga lugar na itatawag ni Eirene para makita niya ang bagong produktong idadagdag sa D & E; tatawagan ang mga dapat tawagan, magbababad sa page ng D & E, bibisitahin ang resto-bar kung saan ay kasosyo niya si Clarkson—at uuwi siya sa condo na pagod. Pakiramdam ni Edgar, para siyang bilanggo na lalabas lang para magtrabaho at pagkatapos ay babalik sa malamig na selda sa pagtatapos ng araw. Ilang beses na rin niyang mas piniling matulog sa hotel kaysa umuwi para takasan ang miserableng pakiramdam. Sa bawat bah

