SA SIMBAHAN ay tahimik pa rin si Daisy. Itinuon niya sa misa ang buong atensiyon. Mas maiinis lang siya kung papansinin niya si Edgar na malinaw na pinipikon lang siya. Para bang tuwang-tuwa ito kapag naiinis siya. Nasa pagitan nina Daisy at Kuya Zeph si Ate Ara kaya ang katabi niya sa kanan ay ang mapang-asar na lalaking nagpapanggap na tahimik sa pagsisimula pa lang ng misa. Puno ang bawat upuan sa simbahan kaya magkakadikit halos ang mga braso nila. Sa palagay ni Daisy ay matatapos naman nila ang misa na walang gagawing nakakainis ang katabi niya. Walang balak si Daisy na pansinin si Edgar, kapag ginawa niya iyon ay siguradong magsisimula na namang mang-asar ang magaling na lalaki. Hindi niya balak bumaling kahit dumating na ang parte ng misa kung saan ay ipapaaabot niya sa katabi ang

