bc

Carrying The Twins Of My Boss (Boss Series #2)

book_age18+
60
FOLLOW
1K
READ
HE
sensitive
boss
drama
small town
addiction
assistant
like
intro-logo
Blurb

Warning: R18 | Mature Content Ahead!

Matagal nang ikinasal si Preston Dave Pedregosa kay Caileigh, ngunit sa mahigit limang taong pagsasama, hindi sila nabiyayaan ng sariling anak, lalo na't wala na ng kakayahang magdalang-tao si Caileigh.

Bilang matagal nang sekretarya ni Preston, nasaksihan ni Rafaela Furton ang tahimik na paghihirap ng mag-asawa--lalo na ng lalaking matagal na niyang pinagsisilbihan at lihim na hinahangaan.

Sa isang mabigat at mapangahas na desisyon, naglakas-loob si Rafaela na maging surrogate mother nila.

Ngunit paano kung dumating ang araw na mapagtanto niyang ayaw na niyang isuko ang kambal na walong buwan niyang inalagaan sa kanyang sinapupunan?

chap-preview
Free preview
SIMULA
"HON! Tingnan mo 'to. Ang cute 'di ba?" Agad napatingin si Preston sa asawa nito na si Caileigh. Hindi niya napigilang mapangiti lalo pa't malinaw niyang nakikita ang saya sa mukha ni Caileigh habang pinapakita sa kanya ang hawak nitong isang pares ng maliit na pink baby doll shoes. Nasa isang clothing store sila. Nagtitingin ng maaaring gamitin para sa darating na sanggol. Hindi pa naman ito naipapanganak ngunit hindi na matimbang ang labis nilang galak at excitement. "Yeah, it's really cute." Nakangiti niyang sang-ayon saka bahagyang hinalikan ang sintido ni Caileigh. "But what if it's a boy, hon?" Hirit niyang tanong. Ibinalik sa estante muna ni Caileigh ang hawak saka ito tumingala para tingnan siya. "If it's a boy, then I'm also okay with it. Mas maganda nga iyon, dahil I'm sure na magiging kamukha mo siya. Gwapo at matalino." Sagot nito sabay bahagyang piningot ang tungki ng ilong niya na tila pinanggigilan. Ikinunot niya naman ang ilong, nagpipigil na ngumiti. "But I want a baby girl, so that she will take after you and will look beautiful like you, hon." Saad niya. Naramdaman niyang nanigas si Caileigh, maging ang ngiti sa labi nito ay agad na naglaho. "Hon. You know that it will not be genetically linked to me, right?" May bahid na lungkot sa tono nitong sabi. Mabilis namang kinain ng pagsisisi at konsensya si Preston. 'Stupid, Preston.' Kastigo niya sa sarili. "But don't worry, Hon." Pagsasalita ulit ni Caileigh at saka bahagyang ngumiti. "While I was searching in the browser last night. May nakita akong article na may case na nagiging kamukha daw yung bata sa taong nagpapalaki sa kanila, lalo na't pinalaki nila na puno ng pagmamahal. And even he or she's not from my eggs and I'm not the one who will give birth. I know that I will always be their mother. From the papers and to their whole life. Right?" Tipid na napangiti si Preston saka tumango. Madamdamin niya rin tiningnan si Caileigh. Mas lalong nadagdagan tuloy ang pagmamahal niya sa asawa. Muli niya ring naalala kung gaano siya ka-swerteng lalaki para rito. "I love you," puno ng pagmamahal niyang usal. Ikinalaki ng ngiti naman ito ni Caileigh. "I love you too, and thank you for always making me happy, Hon." *** "THE first trimester is a critical period of a rapid fetal development and intense hormonal changes for the mother. This will be a high-risk pregnancy for a woman who is pregnant for the first time ." Mahinang basa ni Rafaela habang ang mga mata ay nakatutok sa kaharap na desktop. "Good morning, Ela-babe! Ba't ang putla mo na naman ngayon? Nag-agahan ka ba?" Biglang untag sa kararating lang na ka-office workmates at kaibigan niyang si Rhea. Nagmala-the flash naman siya sa bilis ng pagsarado ng browser at saka kabadong hinarap ang kaibigan. 'Nakita niya ba iyon?' Nerbyus niyang tanong sa isip. "Hoy, ayos ka lang ba? Mas lalo kang namutla." Nag-aalalang tanong nito sa kanya. Nang masigurado niyang hindi siya nahuli nito sa binabasa niya ay bahagya at mahina siyang bumuga ng hininga. "Ano ka ba naman, Rhea? Papatayin mo ba ako sa gulat?" "Ay, nagulat kita? Sorry naman." Nakangiti nitong sabi sabay nag-peace sign. "Pero ang aga mo na naman ngayon, Ela-babe. Kaya ka namumutla, eh. Most panctual ka na nga sa sobrang agang pumasok, tapos panay overtime ka pa, kaya ayan, sigurado ako na kulang ka na sa dugo o baka nga anemic ka na niyan." Puna nito. Tipid naman siyang ngumiti. "Ayos lang naman ako. Naparami lang nang lagay ng foundation." Palusot niya. Hindi naniniwala naman siyang tiningnan ni Rhea. "Ikaw? Naparami ng lagay ng foundation? Ay 'te, baka nakalimutan mo na ayaw na ayaw mo sa make up. Ikaw na nga yung nag-iisang kakilala ko na parang allergic sa paglalagay ng kaek-ek-an sa mukha. Kahit nga lipbalm ay kailangan ka pang pilitin para maglagay ka lang, tapos foundation pa kaya?" May sarkasmo nitong sabi. Napanguso naman siya. Hindi niya alam ang sasabihin, lalo at nabisto agad siya. Sa dami ba naman kasi na pwedeng maging palusot ay iyon pang hindi kapani-paniwala. "Alam mo namang normal na talaga sa'kin yung may maputlang balat." Sabi niya na lamang. Pinag-ikotan siya ng mga mata ni Rhea. "Edi ikaw na ang pinag-lihi ng whitening products. Pero Ela-babe, for the past days, medyo over talaga yung pamumutla mo. Daig mo pa yata yung nag-mountain expedition sa mt. everest, 'te. Maglagay ka kaya ng konting kolorete." Agad siyang napangiwi sa huling sinabi nito. Kapag si Rhea kasi nakahanap ng opportunity para malagyan lang siya ng kolorete, kukunin talaga nito ang pagkakaton na iyon. "Huwag ng matigas ang ulo, Ela-babe." Anito sabay pinandiliitaan siya ng mga mata. "Oo na. Heto na po." Pagsuko niya saka kinuha ang kaisa-isang make up product na binili niya. Isang tainted lipbalm. "Ayan. Mukha ka ng buhay na tao ulit. Baka bet mo rin maglagay ng konting pampakulay sa pisngi mo. May blush on powder ako rito." Masayang suhestisyon pa nito sabay hinahalughog ang dalang handbag. "Ay naku, huwag na, Rhea. Alam mo namang nangangati ako kapag naglalagay ako ng ganiyan." Tanggi niya. Bumuntong-hininga si Rhea. "Ikaw bahala. Nga pala, nag-agahan ka na?" Tumango siya. "Yup. Tapos na. Uminom lang ako ng gatas at crackers kanina." "Bakit? Na pa'no ka ba? Para ka namang nagmo-morning sickness ang peg mo na iyan, Babe." Pabiro nitong sabi. Agad na naestatwa si Rafaela. Tila binuhasan siya ng malamig na tubig dahil sa narinig. "Hoy. Ayos ka lang? Natulala ka diyan? Sumama ba ulit ang tiyan mo? Gusto mong samahan kitang magbanyo?" Sunod-sunod at nag-aalalang tanong ni Rhea sa kanya. Tumikhim siya at umayos ng upo. "Oo naman. Okay lang ako. At isa pa, ano'ng morning sickness? Hindi ba pwedeng kinabag lang kaya masama yung tiyan?" Uma-aktong mataray niyang sikmat. "Joke lang. Ito naman, masyadong seryoso. So, ano nga? Maayos na ba ang tiyan mo? Nakapag-utot ka na ba? Nakapag-jebs?" "Alam mo, Rhea? Pa-dugyot nang pa-dugyot yung mga tanong mo." Aniya sabay irap. "Ikaw naman kasi 'te. Ang dami pang satsat. Hindi ka man lang sumasagot sa tanong ko. Ako na nga yung nagmagandang-loob para mag-aalala sa'yo." May bahid na tampo sa boses nitong sagot. Kinain naman agad siya ng konsensya. "Sorry na. Ikaw ba? Nag-agahan ka na?" Kalmado niyang tanong. Nakita niyang umiling ito. "Hay naku 'te. Hindi pa. Buwisit kasi si Arnold." Bakas sa mukha ni Rhea ang pagkayamot. "Ay wait, mas magandang i-chika ko ito habang kumakain tayo. Ano? Gusto mo bang samahan ako? Yey! Thank you, babe!" Biglang galak nitong sabi. Inirapan niya ito. "Wala pa nga. Hindi pa nga ako pumapayag." "Alam ko naman agad ang sagot mo. Alam kong papayag ka agad dahil mahal mo ako at hindi mo ako matitiis." Nakangiti nitong dipensa. "Sige na nga." Nagkukunwaring tila napipilitan niyang sagot saka tumayo. Nakita niyang mas lalong natuwa si Rhea. Bahagya pa itong mahinang pumalakpak. "Parang bata talaga." Mahina niyang usal ngunit kalaunan ay napangiti. May dalawampung minuto pa naman bago pa sila kailangang magsimula sa pagtatrabaho. At isa pa, hindi pa nakakarating ang boss nila, kaya kaysa tumanganga sa harap ng monitor ay mas pipiliin niya nalang na samahan si Rhea. Medyo nakaramdam din naman siya ng konting gutom kaya bibili na rin siya ng sandwich para iyon ang kakainin. ––– "Alam mo ba, babe? Masarap daw yung kape at cakes doon sa kababukas lang na coffee shop sa may tapat ng building." Pagkwekwento ni Rhea habang naghihintay sila ng elevator. "Gusto mo bang doon tayo?" Tanong niya. Isa sa dahilan kung bakit naging magkaibigan sila ni Rhea ay dahil sa pareho silang mahilig sa kape at cakes. "Kilalang-kilala mo talaga ako, babe." Galak na sabi nito sabay yakap sa braso niya. Tipid siyang ngumiti. Biglang tumunog yung elevator. Ilang sandali ay bumukas ito. Pareho silang natigilan nang makita ang boss nilang si Preston. "Good morning, Sir Preston." Magiliw na bati ng katabi niyang si Rhea sa boss nila. Samantala, siya ay nanatiling nakatulala. Walang imik namang lumabas si Preston sa elevator. "Hoy, nasa harapan natin si Sir. Baka gusto mong bumati 'te." Pa-simple at mahinang sabi ni Rhea sa kanya habang bahagya siyang sinisiko sa tagiliran. Taranta naman siyang umayos ng tayo at saka tumikhim. "G-Good morning, Sir Preston." Kabado niyang bati rito. Mas lalo siyang nakaramdam ng kaba at pagka-ilang nang makita niya ang matiim nitong pagtitig sa kanya. Kusa niyang iniwas ang tingin nang hindi niya matagalan ito. "Mm. Good morning. Are you both going to the canteen?" Tanong ni Preston sa kanila. Nakangiting umiling si Rhea. "Hindi po, Sir. Sa kabubukas na coffee shop sa tapat po kami pupunta. Bakit po? May gusto po ba kayong ipabibili?" Nang sinubukang tingnan ni Rafaela si Preston. Nakita niyang nanatiling nakatitig ito sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasang mapalunok sa sariling laway habang pilit na itinuon ang paningin sa elevator na nasa likuran nito. "No, thank you. I'll go ahead." Sagot ni Preston. Sabay naman silang tumango ni Rhea. Pigil ang hininga si Rafaela nang dumaan sa tabi niya si Preston. Akala niya ay makakahinga na siya ng maluwag nang marinig ang papalayong apak ni Preston. Ngunit agad siyang nabigo nang marinig niya ang pagtawag nito sa kanya. "Ela." Humugot muna siya ng malalim na hininga bago lumingon. "Y-yes po, Sir Preston?" Nanginig pa ang boses niya sa sobrang nerbyus. "I heard drinking coffee in the morning is not healthy. You should skip it today." Kaswal nitong sabi saka matiim siyang tinignan sa mata. Agad niya namang nakuha ang patagong pinapahiwatig nito sa kanya at pagkatapos ay wala sa sarilling tumango na tila nahipnotismo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.0K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.2K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.1K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook