Selestine's POV.
Nilapag ko ang dala kong isang tray ng pagkain sa isang lamesa ng training room. Nagtungo ako sa gitna upang tawagin ang atensiyon ng lahat ng mga kaguildmate ko. Pumalakpak ako ng malakas isang beses upang matawag ang atensiyon nila. Busy kasi silang lahat sa pag-eensayo at heto ako na master nila, sitting pretty lang. Char!
Samantala, hindi naman ako nabigo dahil nahinto nga silang lahat sa pagsasanay at napalingon sa direksiyon ko. Ganyan nga, pagtuunan niyo ng pansin ang maganda niyong master paminsan-minsan. Joke ulit yun!
"Guys, I mean Knight Raid. Gusto ko lang na-" Napahinto ako sa pagsasalita ng biglang mangati ang lalamunan ko at mapaubo ako.
Epekto kaya ito ng chocolates na madalas kong kinakain? Anyway, ang chocolate na madalas kong kinakain ay gawa ko lang kaya siyempre ay mala-ordinary world ang look niya. Ito ba yung sinasabi ng iba na, you should love the country or would where you came from?
Pagkatapos kong umubo ay pinagpatuloy ko na ulit ang pananalita ko.
"Katulad ng sinasabi ko kanina, gusto kong malaman niyo na isang linggo na lamang ay magaganao na ang pinakahihintay nating lahat, ang magic world games."
Napansin ko ang pagbabago ng expression ng kanilang mga mukha dahil sa sinabi ko. Parang bigla itong nagliwanag. Kaya naman mas lalo akong ginaganahan na ipinagpatuloy ko ang pananalita.
"Alam ko kung gaano niyo gustong manalo at mapatunayan sa iba ang sarili niyo na kayo at kayo pa rin ang strongest magician sa magic world kaya wala kayong pinalagpas na oras para magsanay ng magsanay ngunit bilang isang master niyo, ayoko rin na sumobra kayo sa limitasyon ng paggamit ng inyong kapangyarihan. Gusto niyo bang mauubusan ng enerhiya sa mismong araw ng magic world games? Kaya naman since one week nalang ang natitira para sa atin, gusto ko pagdating ng ika-tatlong araw bago ang laro ay magpapahinga at magrerelax tayong lahat."
Nang una ay parang hindi pa nagprocess sa kanilang mga isip ang lahat ng sinabi ko. Kaya naman hinayaan ko na muna sila at hinintay na marealize nila ang lahat ng sinabi ko. Napangiti silang lahat sa akin matapos maunawaan ang sinabi ko.
"Thank you, Master." Pagkatapos magsalita ni Jeoff at mabilis siyang umakbay sa balikat ni Daine.
Saglit lamang iyon dahil walang gana rin siyang sinikmuraan ni Daine. Mabilis na natanggal ang kamay ni Jeoff sa balikat ni Daine at napahawak sa sikmura niya. Akala ko ay ayos na sa lahat ang sinabi ko, pero biglang nagawi ang atensiyon ko sa isang tao na magkasalubong ang mga kilay habang nakatingin sa akin.
Tss. Nakalimutan ko na may isip-bata nga pala kong kasama.
"Yes, Blue Boy. May problema ba sa sinabi ko?" Nakapamewang at nakataas ang kilay ko sa kaniya.
Pero, mukhang hindi natinag ang kausap ko sa akin dahil mas lalo lamang kumunot ang kaniyang noo.
"Of course, I have. As a blocking magic user, I know what is the limitation of my magic and I don't want to stop my training just because you told me so. Beside-"
Pinutol ko na ang pananalita niya dahil baka maglaho pa ang maganda kong mood kapag nagpatuloy pa siya. I fake my smile to him before talking.
"Okay. Thanks for your opposition, mister Blue Boy. As your master, I will gladly grant your wish. You can do whatever you want now, but don't expect na makakasali ka sa kahit anong paligsahan na magaganap sa pagpatak ng araw ng magic world games. Take note that my decision is final."
Nanlaki ang mata ni Kurt sa sinabi ko at may halong dissapointment ang kaniyang pagbuntong hininga subalit hindi ko siya pinansin at lumingon sa iba naming mga kasama.
Bahala ka diyan! Tsk.
"Lumapit kayong lahat sa akin puwera lang sa mga taong hindi na kasali sa magic world games."
Napansin kong tumitingin muna ang lahat sa direksiyon ni Kurt bago sila nakangiting lumalapit sa akin. Nang makalapit na silang lahat sa akin ay padabog na naglakad palapit sa akin si Kurt at alam niyo yung mukha ng isang bata na ayaw magbigay ng candy? Ganon yung itsura niya ngayon. Hahaha.
Nang makalapit na siya sa akin ay agad ko siyang tinaasan ng kilay.
"Sinong may sabing kasama ka? You will stay here because like I said before, my decision is final."
Mas lalo yatang nabadtrip si Kurt sa sinabi ko kaya napatahimik na lamang siya. Pinikit ko ang aking mata at saka ginamit ang magic ko.
'Bring us all except Kurt Tyler Lee a.k.a Blue Boy in Savanna Mountain.'
Pagkatapos kong humiling sa isipan ko ay dinilat ko na ang mata ko. Nahuli kong nakatingin sa akin si Kurt kaya nagkatinginan kaming dalawa.
"Hey, I hear your thoughts. I'm-"
Hindi ko na nalaman ang nais sabihin ni Kurt dahil kumilos na ang kapangyarihan ko at dinala kaming lahat puwera lang kay Kurt sa Savanna Mountain. Agad kaming nakadating sa tuktok ng Savanna na walang kahirap-hirap.
Bakit ba ngayon ko lang nagagamit ng tama at nalaman ang kahalagahan ng kapangyarihan ko?
"Wow, Seles- I mean master. Paano at kailan mo natuklasan ang magandang lugar na ito? Tsaka ano bang pangalan nito?" Parang bata na lumuhod si Brynna sa pinakatip ng Savanna at saka manghang-mangha na tumingin sa baba.
Yung iba ay hindi na rin nagpaawat at sumunod na rin kay Brynna.
"Oo nga, Seles. Paano mo natuklasan ang lugar na ito?" tanong din sa akin ni Kuya Iahn habang ang kaniyang atensiyon ay nasa ibaba ng Savanna.
Napapailing na lamang akong sumunod sa kanila habang may ngiti sa aking labi.
"Savanna Mountain ang pangalan ng lugar na ito. Actually, si Kurt talaga ang nagdala sa akin dito."
Napatingin sa akin ang lahat ng may nakakalokong ngiti sa kanilang labi dahil sa sinabi ko. Hala, inaano ko ba sila?
"Tss. Dinala niyo ko dito noong sinasanay niya pa ko para makontrol ang magic ko. Hindi ba kailangan kong manatiling kalmado? Kaya naman naisipan niya na bagay lang na magpunta ako dito."
Ewan ko kung bakit kinailangan ko pang ipaliwanag ang bagay na yun sa kanila.
Ganunpaman, nanumbalik ang ngiti ko ng may maalala akong isang bagay.
'Ms Brittaney, I will do what you've said to me just like I promise.'