Chapter 24

1045 Words
Horin's POV. Bumagsak ang katawan ni Jeoff pagkatapos niyang pumikit. Nang makita ang pagbagsak niya sa lupa at agad kong tinanggal ang illusion na ginawa ko at pinuntahan siya. Lumingon ako sa direksiyon ni Alliexynne para sana malaman ang kalagayan niya, pero hindi na ko nakapagsalita ng kahit ano at napangiti nalang ng makita ko ang nakahandusay na katawan ng Red Butterflies Guild master sa harapan ni Alliexynne habang si Alliexynne ay nakatingin sa akin na may ngiti sa kaniyang labi. Nagthumps-up pa nga siya sa akin ng magkasalubong ang aming mga mata habang nakahawak ang kaniyang kanang kamay sa kaniyang kaliwang braso na may sugat. Samantala, lumapit sa direksiyon ni Alliexynne ang dalawang miyembro mula sa Dragonoid Guild na si Blue Recca at Heart mula sa Bubbly Death. Ang iba naman na sina Rianne, Cloud mula sa Thorn of Roses, BunnyChan mula sa Dragonoid at Yana mula sa Bubbly Death ay nagtungo sa direksiyon ko para tulungan akong buhatin ang walang malay na si Jeoff. "Kumusta siya? Injured din ba?" tanong ni Yana pagkalapit sa direksiyon ko. Umiling ako habang nakatingin sa kaniya. "No, he's not. Ngayon ko lang napagtanto na kinontrol ng kalaban ang katawan niya kaya siya nagkaganyan, but no need to worry. Nahimatay siya dahil lang siguro sa pagod at pagkaubos ng enerhiyang likas mula sa kapangyarihan niya." Dahan-dahan akong tumayo habang akay-akay si Jeoff na wala pa ring malay. Nilagay ko ang isang kamay ni Jeoff sa balikat ko habang hawak-hawak ko ang kaniyang baywang. Kung si Kurt lang siguro ako ay kanina ko pa iniwan ang lalakeng ito. Buti nalang hindi at saka hindi ko naman maaaring iwan ang mga kasama ko lalo na ang kaibigan ko. Tinulungan naman akong akayin si Jeoff ni Cloud. Samantala, hindi ko na nagulat ng biglang lumitaw sina Alliexynne at dalawang kasama niya mula sa magkabilang guild. Its not really shocking because I already know her second ability and honestly, wala namang nagulat sa amin dahil alam na siguro nila ang kakayahan ng isang hair magic. "Ayos lang ba siya?" tanong ni Alliexynne ng makarating siya sa amin ni Jeoff. Mabilis akong tumango sa kaniya at saka siya tinitigan. "Kumpara sa'yo, mukhang mas ayos pa siya." Napansin kong napaiwas siya ng tingin sa akin dahil sa pinahayag ko. "I-I'm okay. Gagaling din ito agad. Ikaw. . . May sugat ka sa may bandang pisngi." Nakaramdam ako ng pagkailang sa tono ng pananalita ni Alliexynne at mas lalo akong nailang sa kaniya ng maunawaan ang huli niyang sinabi. Hinawakan ko ang aking kanang pisngi at naramdaman ko ang hapdi pagkahawak na pagkahawak ko palang dito. Tiningnan ko ang aking palad at nakita ko ang dugo mula sa aking pisngi. "This is just a scratch." Nagkasalubong ang paningin namin ni Alliexynne. Ilang segundo rin kaming nagtitigan at nahinto lamang iyon ng may umubo sa aking tabi. Doon ko lang naalala na tinulungan nga pala ko ni Cloud na buhatin si Jeoff. Naalala ko ring nasa paligid lang pala namin ang iba pa naming kasamahan at sa tingin ko ay nakatutok na silang lahat sa direksiyon namin ni Alliexynne. "Alright, this mission was already done and success. Med'yo mabigat ang kaibigan niyong si Lover Boy kaya baka naman puwedeng gamitin ang kapangyarihan ni Shine para mabilis tayong makauwi sa magic world." Nakakapagtaka na sa akin nakatingin si Cloud imbes kay Alliexynne. Para bang sa akin siya humihingi ng permiso na gamitin ang magic ni Alliexynne. Ang labo naman niya. "Pasensiya kana, Cloud. Ang isa ko kasing kaibigan ay injured na rin. Baka mahimatay na rin siya kapag ginamit niya pa ng labis ang kapangyarihan niya." Napayuko ako pagkatapos kong magsalita dahil bigla kong narealize na hindi pala dapat ako ang tatanggi kundi si Alliexynne. Ano bang nangyayari sa'yo, Horin?! "Ganon? Kung sabagay ay-" "Hindi. Okay lang, I mean kaya ko pang gumamit ng kapangyarihan. Alam ko na ang ibang kaguildmate niyo ay injured na rin. Ito nalang ang maitutulong ko para makauwi agad tayo sa magic world." Napaangat ako ng tingin ng putulin ni Alliexynne ang pananalita ni Yana kanina. "Thank you, Shine." Tumango lamang si Alliexynne sa kaniya at pinikit na nito ang kaniyang mata. Ganon din ang ginawa naming lahat. Alam kong pumayag na si Alliexynne na gawin ito, pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala lalo na at parang naliligo na siya sa kaniyang sariling dugo dahil sa mantsa ng dugo na nasa kasuotan niya na nagmula pa sa kaniyang braso. Makakaya rin kaya niyang sumali pa sa nalalapit na magic world games kung ganyan na ang sitwasyon niya? Brynna's POV. Ngayong araw ay nasa training room ako at kasama ko si Kendrix. Nakakainis na nga e. Hindi ko alam kung sinusundan ba ko ng kupal na 'to o nagkataon lang. Simula kasi ng magising ako buhat sa pakikipaglaban namin sa darkguild ay siya nalang lagi ang nakikita ng mga mata ko. Nakakainis! Kung buti sana ay napakaguwapo niya. Tsk. "Oy, Green Lion! Kung gusto mong magpapansin sa akin ay sabihin mo lang. Hindi yung tinuturing mo kong kalaban dito sa training room!" Umusok bigla ang ilong ko at nagpapadyak palayo kay Kendrix dahil sa sinabi niya. Yan pa! Lagi ko na nga siyang kasama, pagkatapos ay lagi niya pa kong inaasar. Tsk! "Ang kapal talaga ng mukha mo, Purple Tiger. Mandiri ka! Kahit kailan ay hindi pumasok sa isipan ko ja magpapansin sa'yo! Bleh!" Dinilaan ko siya na parang isang bata habang naglakad ako palayo sa kaniya. Siya nga yata itong sunod ng sunod sa akin dahil kahit saan ako magpunta ay nandoon din siya. Nang makalayo na ko ng ilang hakbang sa kaniya ay pinagpatuloy ko na ang pagsasanay. Napatigil din ako agad ng may maalala akong isang bagay na nais ko palang sabihin sa kaniya. Magsasalita na sana ako ng biglang sumakit ang ulo ko at napapikit ako. Dahan-dahan akong napaluhod para hindi ako matumba kung sakali man na mahimatay ako. Naramdaman ko naman ang paglabas ng mga malalabong imahe sa aking isipan. Hindi ko nga alam kung lumapit sa akin si Ken o nakita niya ba ko. Basta ay nasasabi ko nalang ang mga nakikita ko. "Seles, una kitang nakilala kaya naniniwala ako na pipiliin mo ako kaysa sa Kurt Tyler Lee na yan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD