Chapter 23

1156 Words
Horin's POV. Nakakatuwa dahil natalo na naming pareho ni Alliexynne ang mga kalaban namin, pero parang hindi pa rin sa amin umaayon ang tadhana dahil parang may nangyayaring kakaiba kay Jeoff. Kanina pa namin siya tinatawag ni Alliexynne sa isipan niya, pero hindi siya sumasagot sa amin. Bukod pa doon ay hindi na sila naglalaban ng kalaban niya at sa halip ay nakatayo lamang siya sa tabi ng kaniyang kalaban. Bakit ganon? Kumakampi na ba ulit siya sa kabilang panig? Teka, parang may mali. Yung babaeng kalaban ni Jeoff na kalaban ko kanina, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang kapangyarihan niya dahil nang ako pa ang kalaban niya ay ni isang beses ay hindi siya sumugod sa akin. Nakatitig lamang siya sa akin na tila naghihintay siya na ako ang sumugod sa kaniya. 'Horin, mukhang si Jeoff nalang ang hinihintay nating lahat para masabi na'ting napabagsak na natin ang lahat ng dark guild.' Napalingon ako sa direksiyon ni Alliexynne ng marinig ang boses niya sa isip ko. Hinihiling ko nga na sana hindi nalang ako lumingon dahil nakita ko lang ang itsura niya ngayon. Sobrang dami niyang sugat na natamo mula sa kaniyang nakalabanat hawak-hawak niya pa ang kanan niyang braso upang pahintuin ang pagdaloy ng dugo mula dito. Hindi ko na naitago pa ang pag-aalala ko sa kaniya. Hindi ko alam kung anong klase ng kapangyarihan mayroon ang kalaban ni Alliexynne, pero sa tingin ko ay talagang malakas ito para magkaganyan siya. Samantala, nakakapagtaka ang kinikilos ni Jeoff ng maglakad siya na tila isang robot papunta sa direksiyon namin. Ang kaniyang kulay kahel na mata ay ni hindi man lang kumukurap. 'Horin, there is something weird in Jeoff. Please be careful if he go to your side.' Isang tango lamang ang tinugon ko kay Alliexynne pagkatapos marinig ang babala niya sa isip ko. Katulad ng sinabi ni Alliexynne, nagtungo nga sa direksiyon ko si Jeoff. Hindi pa rin kumukurap ang kaniyang mata, pero nakikita ko mula sa kinatatayuan ko ang pagliit ng kulay itim sa gitna ng kahel na mata ni Jeoff. "Jeoff, I think you haven't execute your enemy yet." Nakaalarma na ang aking sarili ng makalapit si Jeoff sa direksiyon ko. Hindi sumagot sa akin si Jeoff. Inabot lamang ni Jeoff na parang isang robot ang kanang kamay niya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at nagpanggap na aabutin ito, pero ang totoo ay nais ko lamang hulihin siya kung tama ang hinala ko. Tinaas ko na rin ang kamay ko at nang akmang iaabot ko na sa kaniya ang kamay ko ay biglang humaba ang kaniyang kuko at umaktong kakalmutin ang palad ko kung hindi ko lang naiikot ang palad ko pakaliwa sa palad niya at saka iikot ang kaniyang braso papunta sa kaniyang likuran. Hinigpitan ko pa na may pag-iingay ang paghahawak sa kamay niya para hindi siya madaling makawala sa akin. "Jeoff, listen to me. I know you are under enemy's magic, but your heart and mind doesn't. No one can control someone's feelings even the greatest magician. That's why I need you to listen to my words carefully." Bumulong lang ako sa tainga niya dahil baka marinig ng natitirang kalaban kapag nilakasan ko. Hindi siya sumagot sa akin at sa halip ay nagpupumiglas lamang siya para makawala sa pagkakahawak ko sa kaniya. Nakaisip ako ng isang idea at kinausap si Alliexynne sa aking isipan. 'Alliexy, pagmasdan mo yung master ng dark guild. Gumagalaw ba siya or something?' Hinintay ko ng ilang minuto ang sagot sa akin ni Alliexynne habang nakatuon pa rin ang atensiyon ko kay Jeoff na hawak-hawak ko pa rin hanggang ngayon. 'She didn't do anything at all. Nakangiti lamang siya habang nakatingin sa direksiyon niyo. Mag-ingat ka, Horin. I still don't have an idea kung ano ang kapangyarihan niya, pero nasisiguro ko na malakas ito para magkaganyan si Jeoff.' Nang marinig ko ang tugon ni Alliexynne ay muli akong nagsalita sa isip niya at sinabi ang aking plano. 'Use your second ability at magtungo ka sa likuran ng kalaban, but make sure that she will not feel your presence. Don't worry, gagawa ako ng isang illusion para hindi mapansin ng kalaban na nawawala ka. After you go to her back, make sure na mapapatumba mo agad siya sa unang tira mo palang. Always remember to play safe.' Hindi ko na hinintay pa ang sagot sa akin ni Alliexynne dahil muntikan ko ng mabitawan ang kamay ni Jeoff sa lakas ng pagpupumiglas niya sa akin. Ayoko sanang gamitin ang kapangyarihan ko sa kaniya, pero he leaves me no choice. Gumawa ako ng isang black room illusion at muli akong bumulong sa kaniya. "Jeoff, I know you are still there. I am Horin, your guildmate and your friend. I know that its still not for a while ng maging magkakampi tayo." Napahinto ako sa pagsasalita dahil biglang nagbalik sa isipan ko ang una naming pagkikita noong mga magkalaban palang kami. Pati na rin noong mga panahon na nalaman namin ang pagkatao nila at umanib sila sa amin. They are maybe in the wrong direction before, but the old Knight Raid know now the reason behind their action. I realize that they are not really bad. Bumuntong hininga ako at saka pinagpatuloy ang pananalita. "I know that they is something strange to you now and I know that is because on your enemy's magic. That is why I want you to listen to me very well." Hindi ko alam kung nauubusan lamang ng lakas si Jeoff o nagawa na ni Alliexynne ang pinag-uutos ko sa kaniya kaya huminto sa pagpupumiglas si Jeoff. Mas nagkaroon ako ng will na ipagpatuloy ang pakikipag-usap ko kay Jeoff. "Just like what I say before, Jeoff. No one can control our heart, your heart. Why? Because our heart is special to all organs that we have and as a magic user, to gain more strength and magic, we will need our ultimate weapon. That is to realize that our magic was come to our heart. The root of our magic is sleeping within our heart. That's why if you want to gain your concious mind again, just feel the magic in your heart and your heart will help you." Pagkatapos kong ibulong kay Jeoff ang lahat ng nais kong sabihin sa kaniya ay binitawan ko na rin siya. Agad na siyang lumayo sa akin pagkabitaw na pagkabitaw ko, pero hindi ako nangamba sa maaari niyang gawin dahil ang illusion na ginawa ko ay hindi ko pa rin naman tinatanggal. Kung may gawin man siyang kakaiba ay tiyak na matutulungan ako ng illusion na ginawa ko. Pinagmasdan ko siya at natigilan ako ng ipikit niya ang kaniyang dalawang mata. Napakagat ako sa aking ibabang labi at napakuyom ng kamao. Nakalimutan ko na marunong nga palang makipaglaban ito ng nakapikit ang kaniyang mata. At ang bagay na yun, yun ang kahinaan ng illusionist na tulad ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD