Chapter 22

1143 Words
Horin's POV. Mabilis akong nakipagpalipat ng kalaban kay Jeoff ng matauhan siya ma sa kapagyarihan ng kalaban, salamat sa Dragonoid Guild Member dahil nakita namin kung paano magpalit ng anyo ang kalaban habang si Jeoff naman ay tila naging isang baliw na gumagawa ng kung anu-ano. Napailing ako ng maisip ang bagay na yun. Bigla nalang siyang tatawa, sasama ang tingin at manlalaki ang mata. Nang una akala namin ay biro lamang iyon ni Jeoff, pero nang subukan ko na siyang kausapin ay may lumabas na kulay itim na barrier sa paligid ni Jeoff. Mabuti na lamang at water element si Blue Recca at second ability nila ang healer magic. I talk to her in her mind and we make a plan of how are we going to break the magic of our enemy that using the eye darkness magic. Ngayon, kaharap ko na ang kalaban ni Jeoff. Ganon pa rin ang itsura niya at sinusubukan niya kong ipailalim din sa kapangyarihan niya. Napangiti ako ng palihim. Of course, I know when will he going to strike because I'm illusionist. His magic is similar to mine and I can assure you that I am more fearful than him. Bilang isang illusionist, kailangan alam ko kung paano linlangin ang kalaban gamit ang illusion magic ko. Kailangan alam ko kung paano malilinlang ang kaharap ko. Ngayon alam ko na ang kapangyarihan niya, hindi na ko tatablan ng kapangyarihan niya. Para hindi niya mahalata ang tungkol doon ay gumawa ako ng isang illusion na nagpapakita na tinatablan ako ng kapangyarihan niya. If you are illusionist, you need make an illusion in a world that full of illusion. Nakita ko pagsilay ng isang malaking ngiti niya sa salamin na hawak ko. Habang unti-onti siyang nahuhulog sa magic ko ay gumawa ako ng isang barrier sa pagitan naming dalawa para walang madamay na sino man sa illusion na gagawin ko. Ganon din para walang madamay sa eye darkness magic niya. His magic is not an illusion, but just similar to mine. It is not illusion, but rather nightmare. Pagkatapos kong gumawa ng isang matibay na barrier ay agad ko siyang pinagtuunan ng pansin. Hindi muna ako lumayo sa kaniya dahil hindi pa siya masiyadong napapasailalim sa kapangyarihan ko. May posibiladad na makawala pa siya sa akin o mabaliktad ang sitwasyon naming dalawa. Para wala na ring mangialam na kakampi niya sa amin ay gumawa ako ng isang illusion na makikita lamang ng kakampi ng aking kalaban. Napangiti ako habang hawak-hawak ang aking bilog na salamin ng makita ang sobrang laki ng ngiti ng aking kalaban. Patunay lang na talagang naniniwala na siya sa illusion na nakikita niya. Naghintay ako ng ilang minuto bago sumugod sa kaniya. Hindi ako puwedeng basta nalang sumugod kahit alam kong panalo na ko sa kaniya. Isa pa, wala na rin naman siyang magagawa sa akin kahit na hindi pa ko sumugod sa kaniya. Naghintay na lamang ako ng oras na bumagsak siya pagkatapos maubusan ng lakas dahil sa kapangyarihan ko. Jeoff's POV. Pagkatapos kong magalusan ang kalaban ko ay tila may pumipigil sa katawan kong tamaan siya ulit sa parte ng katawan na gusto ko. Ilang beses na kong sumugod sa kaniya, pero iisang beses palang ako na nakakatama sa kaniya. Lagi kasi akong pumapalya sa tuwing umaatake ako sa kaniya. Nang makalayo ako sa aking kalaban ay isang buntong hininga ang napakawalan ko. Sa guwapo kong ito ay ngayon pa lamang ako nakaharap sa mga kalaban na nagpasalubong ng kilay ko. Buti na lamang at wala si Daine dito dahil baka tinitigan na niya ang guwapo kong mukha habang nakikipaglaban sa mga kadiring kalaban ko. Baka mas lalong mabored ang mukha non kapag nakita niya ang kulubot sa guwapo kong mukha. Samantala, nakakapagtaka na hindi man lang sumusugod ang kalaban ko sa akin at hinahayaan lamang niya kong sumugod sa kaniya. Bukod pa doon, hindi rin siya umiiwas sa bawat pagsugod ko sa kaniya. Para bang sigurado siya na hindi ko siya matatamaan kaya hindi na siya gumagalaw sa kinatatayuan niya. Guwapo talaga ko, pero siyempre ay may utak din ako. Alam at nararamdaman ko kung may mali sa isang bagay. Susugod na sana ako sa kaniya ngunit nasagot ang lahat ng katanungan ko ng kusa akong maglakad patungo sa direksiyon ng kalaban. Nais kong huminto sa paglalakad ngunit tila hindi ko makontrol ang katawan at patuloy pa rin ito sa paglalakad. Tumingin ako sa kalaban at agad siyang sinigawan. "Anong ginawa mo? Anong kapangyarihan mayroon ka?" galit kong tanong sa kaniya habang pinipigilan ang aking sarili na huminto sa paglakad. Nakita ko ang muli niyang pagngiti sa akin. Hala! May gusto yata sa akin ang baliw na babaeng ito. "Come here. I am Black Death and I am human controller." Biglang tumaas ang balahibo ko dahil sa huli niyang sinabi. Kaya pala hindi ko ngayon maipagalaw ayon sa gusto ko ang aking katawan. Nasa tamang wisyo nga ang isip ko, pero may ibang tao namang kumokontrol ng katawan ko. Paano na ko ngayon? 'Alliexynne, Horin. Tulungan niyo ko.' Hindi naman ako makalingon sa dalawa kong guildmate kaya kinausap ko nalang sila gamit ang aking isipan subalit nakapalipas na ang ilang minuto ay wala akong matanggap na reply mula sa kanila. Malapit na kong makapunta sa aking kalaban ng nakababa lamang ang aking kamay sa aking dalawang gilid. Kahit ang yumuko ay hindi ko magawa dahil sa kapangyarihan ng kalaban ko. Nagmistulan akong isang puppet na maaari niyang mapasunod sa ayaw ko man o gusto. Nang ilang metro na lamang ang pagitan naming dalawa at nakaramdam ako ng lubhang pagkabog ng aking dibdib dahil sa kaba. Natitigan ko sa malapitan ang kaniyang bughaw na may halong itim na kaniyang mata. Muli siyang ngumiti sa akin at tinitigan din ako. Pagkatapks ay lumapit pa siya sa akin at hinawakan ang aking mukha gamit ang may dugo niyang kanang kamay. Gusto kong masuka dahil sa lansang naaamoy ko mula dito. Mas lumakas pa nga ang pagkabog ng dibdib ko ng pisilan niya pa ang kaliwang pisngi ko. Wala naman akong magawa kundi hayaan na lamang siya sa kaniyang ginagawa dahil hindi ko rin naman makontrol ang sarili kong katawan. Hahayaan ko na lamang na mapansin ng mga kakampi ko ang nangyayari at ginagawa ng kalaban ko sa akin. "Gusto mo bang umanib sa amin? Gagawin ko ang lahat ng naisin mo kapag umanib ka." Hindi pa rin binibitawan ang mukha ko at talagang titig na titig siya sa mga mata ko. Hindi ako makasagot o makapagsalita pabalik sa kaniya dahil pati bibig ko ay hindi ko na rin yata alam kung paano ibuka. My mouth is part of my human being. Tinitigan ko lamang ang kaharap ko. I just hoping that I wilk not be the reason why we will not going to finish our task here. Pasensiya na, master Selestine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD